"F**K*NG SH*T!!!" tili ko habang tinatakpan yung mukha ko.
Sumilip ako ulit kahit sobrang nakaka tense na yung scene dahil sa sound effect, naririnig ko na din yung boogeyman sa movie na pinapanuod namin. Nandito kami sa sala sa second floor ng bahay ni Tita, nanunuod kami gamit yung projector so parang nasa sinehan ako isama na din yung surround sound sa buong movie area.
Saktong pagsilip ko bumulaga yung halimaw sa movie.
"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"
"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!" sabay naming sigaw ni Andrei.
Sa takot ko bumagsak na ako sa sahig, paupo sa tabi niya. Natatakot ako masyadong madilim sa likod ko.
"Sh*t! Muntik na kitang makarate!" reklamo ni Andrei, kahit sya natatakot din dahil sa movie na to.
"THIS MOVIE IS FREAKING SCARY!!!" i complained pero pabulong lang.
Di sumagot si Andrei, focused na focused na sa movie, kahit ako e. Mid air di natutuloy yung subo ko sa ice cream! Pano pag nalunok ko tong kutchara dahil sa takot?!
Buti na lang din sound proof kwarto ni Tita, kundi baka mapalayas kami ng wala sa oras nito.
Nasa climax na din ng movie, wala ng gumagalaw samin, wala na nag sasalita, wala na din space between us!
"Huy!!" Pilit tulak palayo sakin ni Andrei, pano hinihila ko lang naman siya sa braso tuwing nakakatakot na yung scene, at eto na nga... isang makabagbag damdaming jump scare!
"AAAAAAAHHHH!!!" tili ko at di maiwasang makagat si Andrei.
"AAAAAAAHHHH!!!" gulat niya din di ko alam kung dahil sa movie or "Gab! Aray! Bat ka nangagat?!" hilot nito sa braso niya.
"SSSSHHH!!" Supalpal ko sa mukha niya palayo at para na din takpan yung bibig niya. "Ayan na ayan na!!!!""
Di ko na maiwasang hindi magtago sa likod niya.
"Matatakutin pa din!" Pang aasar niya. Tinulak ko siya pero hinila ko din pabalik ng nag patiwakal siya ng tumba nung tinulak ko siya.
Natawa na lang si Andrei sa tabi ko.
"Wag ka magulooooooo~" bulong ko.
Di ko maiwasang hindi matakot sa movie na to, ewan ko ba... kasi siguro madilim? Like hindi more on multo, kasi pag multo na mga movie parang alam ko na kung saan lalabas yung multo e, pero eto... di ko maprocess agad! Buti di ako nag kape! Jusko!!!
Nakahinga lang ako ng malalim nung matapos yung movie, literal na matapos talaga.
"Turn on the lights." utos ko kay Andrei, at the same time di binibitawan yung laylayan ng shirt niya
Tumingin sakin si Andrei, and suddenly he looked passed me at nanlaki yung mata na parang may nakita siyang kung ano.
"Huy! Stop it!!!!" Pero siya lalong natakot yung mukha niya. "Andrei! I am gonna choke the shit out of you!!!! Stop it!!!!" Gusto ko ng tumili kahit anong yugyog ko sa kanya di siya gumagalaw.
"Gab don't move. There is something... behind you." As soon as sinabi niya yun I covered my ears and closed my eyes.
"WAAAAAAAAAHHHHHH!!!!~"
"Sorry sorry joke lang!!!" Pag takip niya ng bibig ko, pano ramdam ko talaga nag vibrate buong katawan ko galing sa sigaw na yun, naramdaman ko din na namanhid ulo ko pero wala akong pake!!! lalabas yata yung puso ko sa bibig ko! Sasabog na yata utak ko.
"Tahan na I am just playing. I am sorry!!"
"Waaaaaahh! HUHUHUHUHU" di ko alam bakit humahagulgol na ako nito.
BINABASA MO ANG
LEAP OF FAITH "My BFF"
RomanceWhen you thought that the familiarity is just because he is your best friend. When your life is a big puzzle with missing pieces.