"Andyan siya anak sa taas. Nanunuod ng Haikyuu ba yon?" Rinig kong sabi ni Tita sa kausap niya. sa totoo lang wala akong idea. Di siguro si Andrei to kasi alam ko busy yon.
"Oh may manliligaw ka yata na dumating." Higa ni Brent sa gilid ko.
"Sige po tita akyat na kami!" Rinig kong sabi ni Kim. Tong mga to walang sawa sa pag dalaw. Well kasi alam ko busy din sila sa umaga, at ganito lang kami ang kikita kita.
"Ay shit. Di pala manliligaw!" Biglang bangon naman siya "Do I look okay?" Ayos niya ng buhok niya at nakapajama pa ang loko. Late na din kasi at sinamahan niya ako manuod ng haikyuu kasi bigla ko naalala yung anime boyfriend ko, si Tsukishima Kei HAHAHA!
"Sabihin ko talaga kay Kim na crush mo sya." inirapan ko nga. OO secret lang natin na crush niya yan, kasi alam niyo ba since nung nanuod kami ng horror movie non, ang katabi ko si Kim at si Andrei, si Brent at Chris naka upo sa sahig. parehas nakasandal sa tuhod ko yung dalawa pero since nakaka takot na masyado, ayun naka taas na paa ko at nag tatago na ako sa tuhod ko, either that or nag yayakap kami ni Kim or nagtatago ako sa likod ni Andrei.
"Uy gagi wag!"
"Oh bakit? Hiya ka? San ka nakakuha nun?"
"Gaaaaaaaab" tawag ni Kim
"SSSHHH!!" Takip sa bibig ko ni Brent at dun kami sa ayos na ganun nakita ni Kim, at di nga siya nag iisa. nasa likod niya si Andrei na nakatingin lang samin, more on gulat niya sa ayos namin ngayon ni Brent.
"Oh, di niyo pa sinama si Chris." TUlak ko palayo kay Brent pano halos daganan na niya ako. Jinojoke ko lang naman siya e, abot ang pula ng mukha ngayon gusto kong matawa.
"Andito ako, miss mo nanaman ako." Sulpot ni Chris galing hagdan.
We all greeted each other si Kim bineso ako at si Brent, wag na kayo mag taka, sanay na yang dalawa sa ganyan at naging close din yan, pano Kim accidentally kicked Brent's head habang nanunuod kami ng movie kasi nakaupo sa sahig si Brent non, simula non nag tabi na sila sa sahig, kami naiwan ni Andrei sa couch.
Alam ko nanuod pa sila e. Di ko na masyado maalala lahat since pag gising ko mag kakatabi na kaming sa movie room. Ako nakaunan kay Andrei, at katabi ang wall, katabi ko naman si Kim, tapos si Brent at Chris.
Chris' alarm woke us up kanina, pero mas nauna akong nagising kesa sa alarm nila. IIH!! Naalala ko nanaman pag angat ng tingin ko, isang gwapong gwapong Andrei na tulog, nakayakap pa to sakin habang ako din naman nakayakap at nakaulo sa braso niya. For some reason I feel like it was not even the first time I see that view, nakita ko na ba sya ng malapitan ng ganito while sleeping? At that moment I even touched and caressed his cheeks, and touched his pointy nose.
My goodness, this guy looks like a doll talaga! Para siyang di tunay na tao, and take note bestfriend ko to ha! I shook my head na kasi nag rereplay nanaman sa utak ko yung magandang view na yon!
BINABASA MO ANG
LEAP OF FAITH "My BFF"
RomanceWhen you thought that the familiarity is just because he is your best friend. When your life is a big puzzle with missing pieces.