Nagising na lang ako sa liwanag na sumisilaw sakin ngayon. Di ko alam kung anong oras na, basta alam ko gising naman na diwa ko, kaso nga lang yung pintid ng ulo ko, nangingibabaw!
"Argh!" Ungot ko nung tinry kong umupo pero sobra yung hilo ko. Shit eto na ba epekto ng rum sakin? Ano ba nangyari kagabi? I looked around, ako lang naman nandito sa kwarto, tanging naririnig ko lang yung maingay sa labas ng bintana, or pintuan ko. Naka connect kasi yon sa pool, so pwede ako lumabas sa pintuan na yun at diretso sa pool.
"Gago pare... akala ko lumilipad ako! Michael Jackson tapos boogsh! Sakit ng panga ko!" Rinig kong sabi ni Chris dito.
"You dipshit! Dapat di ka sumasabay kay Gab! Gusto na talaga kitang iwan kagabi Di ko alam kung matatawa ba ako or maaawa sayo. You'd rather hit your face on the ground that the bottle of alcohol you are holding! Nakataas kamay mo habang naka subsob ka. Sinong matino gagawa nun?"
"But you still helped me!" Tawa pa din niya mukhang naaalala niya nangyari.
"I did not. I just kicked you trying to wake you up cuz Gab was sleeping already! Tumayo ka na parang walang nangyari." Nawawala na mata ni Andrei sa tawa niya.
I like watching these 2 like this, kung iisipin niyo ano nangyayari or ginagawa nila, nag iihaw lang naman sila ng liempo habang umiinom ng beer.
Jusko ang scene namin na iniwan kagabi inom, until ngayon inom pa din. Jusko just the thought of it makes me wanna puke!
Sabay naman na biniling ni Chris yung iniihaw niya. "I wish Gab can smell this so she can wake up. Ala una na ng tanghali, tulog pa din. Tindi ng jetlag ng isang yan. Lakas din uminom! Ikaw na gumising dun ha! Mas alam mo naman pag ka dragon nun pag nabubulabog gising." daldal ni Chris, di pa din niya ako nakikita habang pinapaypayan ang sarili
"Paypayan mo yung uling hindi ikaw! Ikaw iiihaw ko e!" Sumpong ni Andrei.
"Ginagawan na nga kita ng pabor na mag ihaw kasi sabi mo paborito to ni Gab tapos ikaw pa ganyan? Grabe sa sama ng ugali natin ah!" Drama ni Chris kay Andrei na may panguso pa.
Natawa lang si Andrei na nawawala ang mata. Masanay na kayo dyan sa dalawa, normal sa kanila yan. Sa totoo lang mas close nga sila ngayon.
"Thank you." Mahinang sabi nito.
"Sus nag seryoso ka naman bigla. Basta anything... alam mo naman na you have me and Kim, we can help you make things okay. Just don't be too hard on yourself. Whatever happened before, it was not your fault." Pat ni Chris sa balikat ni Andrei.
"Kim really did orient you on what to say when I am being like this."
"Not just that, we know everything. The only person that doesn't is Gab. Kailan mo ba sasabihin sa kanya?"
Wait what is it? Lalo akong nakinig, kahit pahina na ng pahina boses nilang dalawa. Parang tinatry yung best nila na di ko marinig.
"Ayoko syang biglain..."
"Di naman bibiglain e. Unti unti mong iopen up." Pangangaral ni Chris.
"Alam mo naman pano kami nagsimula. Alam mo naman din ugali ni Gab." Depensa ni Andrei, parang nag hehesitate siya na sabihin yung kanina pa niya gustong sabihin. "I am just waiting for her to remember everything on her own. Like let it normally come... like what they say if it is meant to be, it is meant to be.. the more na pipilitin ko si Gab alam naman natin possible na mangyari. Mamaya she might end up getting mad or mailang. I honestly don't even know what she feels towards me."
"But you still feel the same towards her." Chris clarified na ikinatahimik ni Andrei.
"I don't... I don't deserve her. I feel like bad things will happen to her because of me."
BINABASA MO ANG
LEAP OF FAITH "My BFF"
RomanceWhen you thought that the familiarity is just because he is your best friend. When your life is a big puzzle with missing pieces.