Chapter 1: Ang Simula

15 4 0
                                    

*Eeeeeek*
Rinig kong tunog galing sa labas. Alam ko na kasunod niyan.

"Ano ba naman yung gate niyo, pang halloween." Reklamo ng kapre na nakayuko pang pumasok ng bahay.

"Ikaw mukhang halloween." Pag pag ko sa palda ko ng matapos kong itali buhok ko.

He snorted at inirapan ako. "Nag salita! Kagandahan ka ba?"  Pang aasar niya. Pasalamat sya at malamig yung naipanligo kong tubig kanina, kundi baka nag accelerate na agad yung init ng ulo ko sa lalaking to.

"Oh hijo, andito ka na pala! Gabriella halina kayo at ng makakain na kayo parehas." Pag aaya ng Tita ko sa amin sa harap ng mesa habang nilalapag niya yung mga pritong itlog sa gitna, katabi ng sinangag at ng pritong hotdog at corned beef na din.


"Pasabi nga pala sa Mama mo Andres na salamat dun sa pinahiram niyang talyasi. Nailuto ko yung ube halaya, mamaya pag uwi niyo galing eskwela, isabay mo na yung halaya na itinabi ko para sa inyo."


"Naku tita, nag abala pa po kayo. Maraming salamat po talaga! May mapapapak nanaman akong ube! Yun yung pinaka paborito ko e!" Tuwang tuwa ang loko, kita ko lahat ng ipin, nawala din yung mata niya sa kaligayahan niya.


"Oh sya, kumain na tayo, bilang na bilang ko na ipin mo." Lagay ko ng pag kain sa plato nya. Inuna ko na yung corned beef kasi yun yung mas malapit sa side ko, sinigurado kong walang patatas yung mapupunta sa kanya kasi di naman to mahilig sa patatas.


Sasagot pa sana sya pero nag salita din agad si Tita ko.

 "Ikaw Gabriella, itigil mo nga pang aasar mo kay Andres, buti na lang talaga at mahaba pasensya sayo nitong kaibigan mo." Natatawa pa sya. If merong isang tao sanay sa kakulitan namin ni Andrei, walang iba kundi si Tita yon or yung Mama at ate Ni Andrei. 

Andrei talaga pangalan nyan, nakasanayan lang kami na tawagin itong Andres. 


Alam niyo na, bulol pa lang kami, magkaibigan na kami nito.


Nag pipigil naman ng tawa tong lalaking to sa tabi ko habang nilalagyan niya din yung plato ko nung pritong itlog, kitang kita ko din naman na sinigurado niya na ibigay sakin yung luto yung dilaw.


Nag salo salo kami habang nandyan ang kabilaang kwentuhan, kailangan na din kasi naming mag madali dahil na rin kailangan pa naming pumasok sa school.


Nang nag lalakad na kaming dalawa lumabas na din sa di kalayuan yung isa naming kaibigan, mas malapit sya sa school  kaya lagi namin syang dinadaanan papasok. Samantalang yung bahay namin ni Andrei 2 bahay lang ang pagitan.


"Chris my guy!" Malalim na sabi nito. Madaming bothered sa lalim bg boses ng lalaking to, pero pra sakin normal na to kasi simula yata pinanganak kami, ginawa na kaming mag kaibigan ng mga magulang namin.


"Uy pare! Himala di kayo nag aaway!" Bati niya kasama yung isang napaka tamis na ngiti nya. Ang pogi talaga ng lalaking to!!! Isa si Chris sa mga kababata namin. Lumipat sila dito mga 8 yrs old pa lang yata kami simula non kami kami na mag kakasama. Imagine 16 na ako pero mag kakaibigan pa din kami.


Di ko maiwasang kiligin nung tumingin sya sakin at ngumiti. Nauna na tong naglakad pero di ko akalain nakatulala lang ako sa kanya. Nakaramdam na lang ako ng kurot sa tagiliran ko.

LEAP OF FAITH "My BFF"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon