Lahat dumadaldal, except samin ni Andrei na nahuhuli na lang namin isa't-isa na nag kakatinginan pero umiiwas din ng tingin.
Isa isa ng binaba ni Tita yung mga niluto katulong yung isang kasama niyang nag luto.
Nandito ako sa gitna ni Andrei at Brent, si Chris nasa harap ko. Si Tita ang captain as usual at may isang bakanteng upuan sa tabi ni Chris... Alam ko they invited Kim pero balita ko busy daw ito at hahabol na lang. So sa Isang pahabang mesa, si Brent ang katabi ni Tita kasi super excited po nilang mag-usap. Parang ako nauubusan ng energy. HAHAHAHA! I am glad na enjoy na enjoy naman din tong si Bubba ko dito.
Simula sumulpot sya kanina at nangasar, tumalikod lang na nakapamulsa at tumatawa. Baliw talaga, di man ako hilahin pasama sa kanya.
Nag simula na kumuha ng pag kain ang lahat ng matigilan din kami pare-parehas. As in pure silence kahit tunog ng mga kutsara wala. At nag tinginan lahat, paano.
Si Brent na nasa kaliwa ko, nag lalagay ng kanin sa plato ko, si Andrei na tabi ko ulam ang nilalagay sa plato ko at si Chris na nasa harap ko gulay naman.
Nag palit palit nga tingin nila, samantalang ako kay Tita nakatingin at binigyan ako ng mapang asar na ngiti.
Nag ehem siya at dun lang literal naputol tinginan ng mga to.
Narinig ko pa yung ehem ni Chris.
I observed them 3, they all watched what everyone was doing, si Brent carefully putting the amount of rice I want, na halatang binabantayan ng dalawa same na din sa iba. Ako naman yung nahimasmasan ng matapos silang lagyan ng pagkain yung plato ko.
"Ang espesyal kong pamangkin." Iling na ngiti ni Tita. I looked up at Tita pero kay Andrei siya nakatingin ngayon at binigyan ng makahulugan na tango.
Sinulyapan ko lahat pero parang wala lang naman sa kanila except kay Andrei na namumula na tenga ngayon. Bakit kaya? Kung bati kami kanina ko pa yan inasar. Nag tama nanaman mata namin pero inirapan ko sya this time at narinig ko pa pag chuckle niya sa gilid.
"When are you gonna bend?" He whispered in my ear which made me drop na fork I was holding dahil sa gulat.
"Andrei!" I whispered back. He just chuckled in returned.
"Woops. Kain muna bago harot bub." Brent tease and gave me his clean fork instead.
"Brent!" Bawal ko sa kanya at natawa lang siya sa pag kaka eskandalo ko. He really knows how to embarrass me. Jeez!
We continued eating habang daldalan lang sila Brent Chris at Tita, nakikisali din naman kami ni Andrei pa minsan pero parehas kaming enjoy sa daldalan ngayon plus, Brent being so talkative and love is so freaking funny.
Natapos ang kainan, I saw Chris looking at me so I raised my eyebrows to ask why pero umiling lang siya at kumindat sakin. Sanay na ako sa ganyan ni Chris normal sa kanya yan.
Sinerve ang mga prutas at as soon as nakita ko yung pakwan, I just automatically put some on Andrei's plate, paborito niya yan. Until I realized what I did.
"Oh ayun mukhang bati na talaga. Ano nga ulit yun Andrei? I need you ba yong narinig ko kanina?" Eto nanaman tong madaldal na to.
Di ko na pinasagot si Andrei kasi nabigla siya sa ginawa ko kay Brent, pinasakan ko lang bibig niya ng mangga.
Mag cocomplain pa sana siya ng may pumasok sa bahay and we saw that it was Kim.
"Waaah! Tita sorry for being late po!" Halik niya kay Tita at kaway saming lahat at umupo na sa tabi ni Chris, inabutan naman siya agad ng pagkain ni Chris since sila ang tabi, samantalang si Andrei, inaadmire lang yung pakwan na kinakain niya every bite, at etong katabi ko. Buti natahimik.
BINABASA MO ANG
LEAP OF FAITH "My BFF"
RomanceWhen you thought that the familiarity is just because he is your best friend. When your life is a big puzzle with missing pieces.