MAINIT ang araw. Ganoon din ang tensyon sa paligid. Para sa mga nag- sponsor ng larong ito, ang lahat ay isang exhibition game lamang, isang paraan para makalikom ng pera na gagamitin sa isa sa mga projects ng Physical Education Department.
Pero para kay Borj Jimenez, ang larong ito ng tennis ay siyang magiging turning point sa kanyang buhay. Isang senyales sa pagtatapos ng kanyang easy-go-lucky ways. Magseseryoso na siya.
"You could be the top seed in the country! Iyon ay kung nagko-concentrate ka nang husto sa pagpa-practice ng tennis kaysa sa pambababae mo!" Ganoon ang madalas sabihin sa kanya ng Trainor niyang si Pax.
Kadalasan ay tinatawanan lamang niya si Pax. Kuntento na siya sa pagiging third seed. Fifteen years old siya nang mag-aral siya ng tennis, for fun, for exercise at pampalipas oras. At hanggang ngayon ay ganoon parin ang attitude niya. Well, magbabago na ang lahat ng iyon, it's time for him to be the best that he could ever be!
Twenty four years old na siya. At sa mga ganitong edad na nagsisipag-excel ang mga kapatid niya. Kung tutuusin ay mas bata pa sa kanya noon si Patrick ng makukuha ito ng mga medalya sa iba't ibang international competitions sa sports nitong Taekwondo. Si Baron naman bago ito nag-twenty six ay nakakuha na ng World Title sa Boxing.
Sa kanilang tatlo ay siya na lamang ang di pa nagiging number one. Best performance na niya ang second place.
"Deuce!" Sigaw ng umpire. Ibig sabihin ay tabla sila ni Alwynn Almeda sa third set ng exbihition game na ito.
Saglit niyang sinulyapan ang score board. 6-3, 6-2 ang naunang score sa dalawang natapos nilang set. Lamang si Alwynn na second seed ng bansa. At ang score nila sa third set ay 5-5. Dalawang games na lamang ang kailangang ipanalo ni Alwynn para maging 7-5 ang score, at matatapos na ang game na ito. Talo na siya!
Nakita niya si Pax sa isang tabi. Nakahalukipkip ito. Nakakunot ang noo. Natitiyak niyang sesermunan siya ng trainor pag natalo siya. Halos nahuhulaan na niya ang sasabihin nito.
"That is the worst game you ever played!" At di lamang ang mga mata nito ang manlalaki, pati butas ng ilong!
Napangiti siya.
Sa kanya na ang service ngayon. Sa nakaraang mga sets, halos lahat ng service niya ay fault, palpak, isang dahilan kaya't nagkakapuntos agad si Alwynn.
Hinawakan niya ang bola. Humanda sa pagse-serve.
Parang nababasa na niya ang nasa isip ng lahat ng mga nanonood. Papalpak na naman ang service niya at muli na namang makakapuntos si Alwynn.
Usually pag halos alam na ang magiging resulta ng laban, ilan sa mga audience ang umaalis na. Pero hindi sa klase ng audience na ito. Unang-una kasing dahilan ay kampi ang mga ito kay Alwynn. Alumni ata ng school na ito ang second seeder, isa sa ipinagkakapuri at ikinararangal na estudyante noon at hanggang ngayon.
Siya? Galing siya ng ibang school.
Marami ang nagtataka kung bakit siya ang naka-exhibition ni Alwynn gayong maaari namang ang makalaban nito ay ang top seed. Isa lang ang dahilan, ayaw mapahiya ni Alwynn sa mga schoolmates kung sakaling matalo ito ng top seed. At sa pag-aakala nito dahil third lamang siya, madali siyang matalo, lalo pang tataas ang reputasyon nito sa sarili nitong unibersidad.
Sa klase ng laro niya. Confident na si Alwynn Almeda na kuhang-kuha na nito ang pagkapanalo.
Iyon ang eksaktong oras na hinihintay niya!
Inihagis niya ang bola sa may itaas ng kanang balikat niya at saka ubod lakas niyang hinataw ng racket!
Animo isang bola ng kanyon na sumibad ang bola, padiretso sa kanilang court. Gaya ng inaasahan niya, hindi iyon nahataw ni Alwynn.
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...