KASABAY ng pag-iimpake niya ang di maawat-awat na pagtulo ng luha ni Roni.
Si Kristine, ang babaeng hinahangaan niya, minahal tulad sa isang kapatid. Hindi niya akalaing sasaktan siya nito at ganoon kababa ang pagtingin sa pagkatao niya!
Magkapareho lang talaga ng ugali ang mag-inang iyon!
Ngayon niya naisip kung bakit sa dinami-dami ng babae ay siya ang pinatulan ni Borj. Inakala kasi nitong matutulungan siya nito para mapalapit muli sa ina.
Natulungan nga niya, ngunit naging kapalit naman ang pagkabasag ng puso niya, ang pagkawala ng dignidad niya.
Akala niya sa pagpunta niya dito sa Maynila ay maaayos ang buhay niya. Lalo pa palang gumulo.
"Bakit kasi ang Borj na iyon pa ang minahal ko. Nagbait-baitan lamang ng konti ay bumigay na ako," sisi niya sa sarili.
Iniwanan niya ang lahat ng mga damit na binili para sa kanya ni Kristine. Ang kinuha lamang niya ay yung dala niya mula sa probinsiya at ang ilang bili niya sa sariling pera.
Bitbit ang dalawang maleta ay lumabas siya ng apartment na iyon. Tinabig niya ang isang flower vase na nakalagay sa lamesita bago lumabas. Hindi na niya kayang pigilin ang sarili niya.
Ginawang parang impiyerno ng mag-inang iyon ang buhay niya.
Naglalakad na siya sa kalsada at naghahanap ng taxi na masasakyan nang humarap sa daraanan niya ang isang kotse.
Nagbaba ang driver ng salamin ng bintana.
"Roni! Where the hell are you going?" Si Monti.
Nilagpasan niya ang kotse. Ayaw na niyang makakita o makausap ang sinumang Jimenez! Isusumpa niya ang apelyidong iyon. Hinding-hindi niya ipapagamit sa anak niya ang Jimenez!
Nabitiwan niya ang isa sa mga dala niyang maleta. Inagaw pala ni Monti.
"Puwede ba, pabayaan mo na akong umalis!" Ang anumang paggalang para sa lalaki ay nawala.
"Oh, I see! Basta ka na lamang pala susuko. Nagkamali ata ng pagkakakilala sayo si Kristine. She said you were a fighter."
"Wala akong pakialam sa anumang iisipin niya. And I don't give a damn about her. Hindi ko siya kaibigan," pilit niyang inaagaw ang maleta niyang hawak ng lalaki.
"At si Borj?"
"Ang lalaking iyon? Wala na rin akong pakialam sa kanya! Puwede na niyang gawin ang anumang gusto niya." Nakita niya nang ihagis ng lalaki ang maleta niya. "Hoy, Anong ginagawa mo?" Galit na siya at kung kinakailangang sa lalaking ito mabunton iyon, Wala siyang pakialam. Isa itong Jimenez. Asawa ni Kristine at kundi dahil din sa lalaking ito ay di lalabas sa mundo si Borj. Hindi magkakaloko-loko ang buhay niya.
Sinipa niya sa tuhod si Monti.
"Christ! Para kang si Kristine! Ang dapat sa iyo ay i-handle ding tulad niya." Hinawakan nito ang isang braso niya at kinaladkad siya pabalik ng apartment. Anumang pagwawala niya ay nauwi sa wala. Ang mga ilang tao na nag-usyoso sa kanila ay nanatiling walang ginagawa. Nanonood lamang.
Pagdating sa loob ng bahay ay pilit siyang pinaupo ng lalaki sa sofa.
"You will stay there! At huwag mo akong pilitin na magalit, Roni. Alalahanin mo ring kung mag gagagalaw ka ng husto ay baka malaglag ang apo ko."
Napahawak siya sa puson niya. Ayaw niyang mamatay ang bata. Iyon na lamang ang alaala ni Borj sa kanya. Damn! Bakit ba pahahalagahan pa niya ang alaala ng lalaking iyon?
Ngunit hindi na siya nanlaban.
"Anong gagawin ko dito," asik niya.
"Maghintay."
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...