ANG BABAENG nakita niya sa salamin ay parang estranghero! Wala na ang simpleng si Roni na kundi naka-uniporme ng isang blouse na walang korte at pantalon na maluwang ay naka-duster.
Ang mga nakagawian niyang mga damit ay napalitan na ng mga magaganda at pang sosyal. Hindi na rin naka pony tail ang kanyang buhok kundi nakalugay na ito ngayon. Ang mga tenga niya na kailanman ay di nasanay sa hikaw ay mayroon na ngayong hikaw na bumabagay sa kasuotan niya.
"Well, Madam Kristine, what can you say about her new look? Hindi na mukhang probinsiyana, di ba?" May pagmamalaking sabi ng hairdressers na siyang nagbigay sa kanya ng bagong hairdo.
Nangingiting napatangu-tango si Kristine.
"Hinding-hindi na siya ma-a-out of place sa opisina o sa anumang mga kasayahan na pupuntahan ko."
Pinagmasdang muli ni Roni ang sarili. Dalawang buwan pa lamang siya dito sa Maynila ay parang naiba na ng husto ang pagkatao niya. Nagsimula iyon nang ipasok siya ni Kristine sa isang beauty school.
Inakala niya na sapat na ang nalalaman niya para pakiharapan ang lahat ng klase ng tao. Nagkamali siya! Marami pa pala siyang dapat na malaman. Mula sa tamang pagkain, hanggang sa pagdadamit at pag-aayos sa sarili.
Nang iwanan sila ng hairdresser ay lumapit sa kanya ang babae.
"Bukas ay ipapasok naman kita sa isang crash course ng secretarial functions. Two weeks lang iyon. After that, tingin ko ay handa ka nang maging personal secretary ko."
Hinarap niya ang babae.
"Nahihiya na ako sa iyo. Itong mga ginagawa mo sa akin ay sobra-sobra na. Sagot mo na ang boarding house na tinutuluyan ko, at maski itong mga bago kong damit, tapos pinapag-aral mo pa ako. Baka di na kita mabayaran!"
Natawa si Kristine.
"Tumigil ka nga. Ginagawa ko naman ang lahat ng ito di lamang para sa kabutihan mo kundi para na rin sa akin. Maaapektuhan din ako sa anumang magiging impresyon ng mga tao sa iyo, since you will be my secretary."
"Kung ganoon, bakit di ka na lamang kumuha ng talagang tunay na sekretarya? Yung may experience na at di mo na kailangan pang turuan."
"Roni, those girls can get any job, pero you won't. At saka, higit mong kailangan ang trabahong ito. On my part naman, I'd rather have a friend near me than someone na efficient nga, pero di ko naman makakasundo."
Nayakap niya ang babae.
"Napakabait mo talaga!"
"Ako? Mabait? Hindi, a. Tarantado nga ako eh."
"Iyan ang hinding-hindi ko mapapaniwalaan."
UNANG napansin ni Jodi ang bagong sekretarya ni Kristine nang puntahan siya ng babae sa opisina nito.
"Mommy Tin, Anong nangyari doon sa sa dati mong secretary?" Agad niyang inusisa nang mapag-isa sila sa office.
"Na-promote! I think sa tagal ng pagsisilbi niya sa akin, she definitely deserves that promotion."
"E, saan mo naman nakuha itong bago mong sekretarya? Mukhang sosyal na sosyal ang dating. Mas bagay atang maging model kaysa sekretarya lang."
Natawa si Kristine.
"Hindi mo iyan sasabihin kung nakita mo siya noong unang beses siyang natuntong ng Maynila." Sumandal ito sa silya. "But Jodi, I don't think nagpunta ka dito para lamang usyusohin ang bago kong sekretarya. Imposible rin na may problema ka sa department mo."
"I really don't know kung paano mo agad nahuhulaan ang intensyon ko."
"Mas matanda kasi ako sa iyo, mas maraming experience."
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...