NOONG tagapaglinis pa lamang siya sa resort ay madalas niyang iniisip kung paano mabuhay ang mga mayayamang guests nila. Kung umaapaw nga ba ang pagkain at inumin pag nagpa-party ang mga ito?
Ang lahat ng mga katanungan niya noon ay nasasagot ngayon. Nang anyayahan siya ni Kristine sa wedding anniversary nito ay excited na excited siya. Hindi niya malaman kung ano ang isusuot.
Nang sa wakas naman ay makakita siya ng isusuot ay bigla siyang ninerbiyos. Oo nga't kaibigan niya si Kristine at si Jodi, pero paano niya pakikiharapan ang mag-aamang Jimenez? Noong unang beses na makilala niya si Monti Jimenez ay natameme siya. Kagalang-galang kasi ang dating nito, malakas ang personalidad at parang kahiya-hiya kung di mo man lamang tatawagin ng Sir. Nakadagdag pa ang pagiging kamukha nito ni Borj, older version nga lamang.
Naramdaman ni Kristine ang panlalamig ng kamay niya nang dumating siya sa bahay nito.
"Ano bang ikinanenerbiyos mo? Hindi ka naman kakainin ng mga tao dito. And they can't do anything bad to you dahil lagot sila sa akin. Alam mo bang kaya ko silang takutin?"
Natawa siya. Bahagyang nawala ang Kaba niya. Napansin din niya ang kaibigan. Litaw na litaw ang ganda nito, glowing.
"C'mon, ipapakilala kita sa lahat ng miyembro ng pamilya namin."
Namalikmata siya nang makaharap niya sina Patrick at Baron.
"Matindi lang talaga ang dugo ni Monti."
"Ngayon ko lang nalaman na Lola ka na pala!"
Tinaasan siya ng kilay ni Kristine.
"Excuse me lang! Ang tinatawag na Lola ay yung mukhang lola lamang. I don't happen to look like that."
Natawa siya.
"E, anong tawag sa iyo noong mga bata?"
"Katulad din ng tawag nila sa kanilang mga mothers."
Kanina pa niya napansin na wala doon si Borj. Hindi naman niya magawang magtanong. Alam niyang ayaw na ayaw ni Kristine na mabanggit ang pangalan ng anak.
Nagkahiwalay lamang sila ni Kristine nang tawagin ito ng asawa. Pero hindi pa rin siya na-out of place dahil nagsimulang makipagkuwentuhan sa kanya sina Jodi at Paula.
"Sayang, kung hindi galit si Kristine kay Borj, tiyak na naririto rin ang lalaking iyon. You should meet him. Makalokohan iyon, parang male version ni Kristine," sabi ni Paula.
Hindi ata niya mapaniwalaan ang sinasabi ng babae. Si Borj? Katulad ni Kristine?
"Ano bang talaga ang dahilan kaya nagalit si Kristine?"
Si Jodi ang nagsimulang magkuwento ng lahat. Nang matapos iyon ay naintindihan na niya kahit paano ang nangyari sa lalaki. Ang pagtataboy nito sa mga babae, ang kakaibang galit nito sa mga humahanga. Galit sa sarili si Borj at nadadamay lamang ang ibang tao.
"I can't really blame Kristine. Nasaktan kasi siya ng husto sa ginawa ni Borj. Mahal na mahal niya ang anak niyang iyon, siguro mas higit pa sa asawa niya. At sa isang taong labis na nagmamahal tapos basta na lamang binalewala, pinabayaan ay di lamang nasasaktan ng husto, gusto rin niyang makaganti," sabi ni Paula.
"But I think, Borj had enough. Kaawa-awa na yung taong iyon. Nakita mo na ba ang itsura niya? Parang nawala na ang spark ng life sa kanya. Ang kanyang pagiging adventurer. Kung minsan nga mas mukha pa siyang matanda kay Patrick. He is so serious!" Sabi naman ni Jodi.
Sa pakikinig sa usapan ng dalawang babae ay lumiwanag na sa kanya ang lahat. Kapwa niya naiintindihan na ang sitwasyon ng mag-ina. Pero mukhang walang pag-asang magkabati ang dalawa unless patatawarin ni Kristine ang anak. At sa nakita niyang kasiyahan ng babae kanina, parang kinalimutan na nito na may anak ito. Balewala na si Borj sa babae.
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...