PAGKATAPOS ng warm-up exercise ay inilagay na niya ang sweat band sa kanyang ulo. Dinampot na din ni Borj ang racket niya na nasa bench.
"C'mon Pax, mag-isang set tayo ngayong Umaga."
Nagtaka siya nang makitang nakatayo pa rin sa tabi niya ang kanyang Trainor.
"O, nasaan ang racket mo?"
"Manonood na lamang ako ngayon. Mayroon ka nang kalaban." Itinuro niya ang kalaban niya na nasa kabilang court na.
"Tatayo ka na lamang ba diyan, Borj? Simulan mo na ang pagse-serve," sigaw ni Monty na hawak na ang isang racket sa kamay.
Napangiti siya. Matagal na din silang Hindi naglalaro ng ama. Lagi kasi itong busy sa trabaho o di kaya ay sa pag-aayos ng mga gulong napapasukan nila ng kanyang ina.
Nag-serve siya. Wala siyang balak na talunin agad ang ama. Susubukan lamang niya kung hanggang saan ito tatagal, sa larong tennis, kailangan ang malakas na resistensya at matitibay na tuhod.
Over fifty na ang edad ng ama niya, pero maayos parin ang pangangatawan nito. Hindi kakikitaan ng anumang taba at bilbil. Ang tanging senyales ng edad nito ay ang ilang gitla sa noo at ang pamumuti ng buhok sa dalawang sentido. Kayang-kaya pa ring makakuha ng atensyon ng mga teenagers ang kanyang ama.
Nagulat siya ng kunin ni Monty ang unang dalawang games.
"Hanggang diyan lang ba ang makakaya mo? Suwerte lang ata ang pagkakapanalo mo sa Hongkong last moth ah," pabirong sabi nito.
"Pinagbibigyan lang kita. Baka kasi bigla na lamang bumigay ang tuhod niyo."
Natawa si Monty. Isang malakas na hataw ng bola ang ginawa nito bago sumagot.
"Sanay ang mga tuhod na ito sa exercise! Kaya kitang pantayan kahit saan."
Sinimulang seryosohin na ni Borj ang laro. Kaya ng ama niya na makipaglaban sa kanya ng husto. It's time to show his old man, ang kalibre niya bilang tennis player.
Nanalo siya sa game three at four. Tabla na Ang score nila, 2-2. Dalawa pang game ang maipanalo niya ay tapos na ang set.
Si Monty ang magse-serve. Pinakawalan nito ang bola.
"So, Ikaw ba ang dahilan ng mga kislap sa mata ni Roni?"
Natigilan siya. Huli na nang muli ay maka-react siya, hindi na niya nakaya pang abutan ang bola. Naka-score si Monty.
"I thought so," natatawang sabi ng ama niya habang hinihintay nito ang pagsi-serve niya sa bola. "Iba talaga ang glow ng mukha ng isang babaeng in-love. What did you do at napaamo mo siya?"
Pumalpak ang service niya. Fault. Nag-try ulit siya mag-service.
"You have also been making love to her."
Palpak na naman ang second service niya. Double fault. Nakakuha si Monty ng isang score. Nakuha nito ang game five. Pag nakuha pang muli nito ang game six, talo na siya.
Nag-start ang game six.
"Alam na ba ni Kristine ang ginagawa mo sa kanyang paboritong sekretarya?" Usisa ni Monty.
"Not yet." Hinabol niya ang bola at ibinalik sa kabilang court.
"Kung iha-handle mo ng maganda ang relasyon mo kay Roni, maaari mo nang makuha ulit ang amor ng ina mo. Roni is the best way para mapatawad ka niya. She is very close to your mother, you know."
"Alam ko."
"So, ano pang hinihintay mo?"
Hindi niya nasalo ang bola sa pag-iisip ng isasagot sa tanong na iyon. Naka-score ulit ang ama niya.
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...