NAPAKURAP ng mga mata si Borj. Ngunit nanatiling nakaupo sa mesa ang babaeng inakala niyang naiwan na niya ng milya-milya! Iba na ang ayos at pananamit nito, pero imposibleng magkamali siya! Ito rin ang babaeng nagtangkang i-blackmail siya. Paano siya nasundan nito?
"Anong ginagawa mo dito?" Bulalas niya ng makabawi siya sa kanyang pagkabigla.
"Ako? Ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan! Hindi pa ba sapat yung ginawa mong pagpapakulong sa kapatid ko at pagpapaalis sa akin sa trabaho? Hanggang dito ba naman ay guguluhin mo parin ako?"
"Sinusundan kita? Are you out of your mind? Bakit kita susundan. Nasaan ang mother ko?"
"Ang mother mo? Malay ko. Nanay mo pala siya, bakit mo sa akin hinahanap?"
Nainis si Borj. Nagpunta siya dito para kausapin at humingi ng tawad sa ina, hindi para makipag-away sa babaeng ito. Nilagpasan niya ang babae. Nagtuluy-tuloy siya sa private office ni Kristine.
"Hey, hindi ka maaaring pumasok diyan."
Wala si Kristine sa opisina nito. Nang balingan niya si Roni ay tumatawag na ito sa telepono.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Ginagawa? Dahil nakatawag na ako ng security para magpalabas sa iyo," matapang na sagot nito.
Tiningnan niya ng matalim ang babae. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa opisina ng ina niya. Ngunit napansin niya na mas malakas ata ang loob ng babae ngayon.
"Ako, palalabasin? Well, tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang palalabasin nila."
Dalawang security guards ang pumasok sa kuwarto. Nagulat ang mga ito nang makita siya.
"Sir Borj," bulalas ng mga ito.
Namaywang siya. Tinaasan ng kilay si Roni.
"Puwede bang pakisabi sa babaeng ito kung sino ako?"
"Ahm, Roni, anak siya ni Ma'am Kristine at isa rin sa mga major stockholders ng kumpanyang ito."
Gusto niyang humalakhak nang napanganga ang babae. Namutla.
Ngunit bago niya iyon nagawa ay naramdaman niya ang paghawak ng isa sa mga guwardiya sa braso niya.
"Sir, mabuti pa ho ay sumama na kayo sa amin."
"What? Palalabasin niyo ako?"
"Kabilin-bilinan kasi sa amin ni Ma'am Kristine na huwag na huwag namin kayong papasukin dito sa opisina niya. Nasalisihan na nga ho ninyo kami. Baka pag nalaman pa niya na di namin kayo pinalabas dito ay masisante kami."
"I'm sorry. Alam kong di dapat ako naglihim sa iyo. But what can I do? Galit na galit ka Kay Borj nang magkakilala tayo, ayokong madamay din ako sa galit mo. Besides, gusto kong matulungan ka. Kahit na nabubuwisit pa rin ako sa anak kong iyon, hindi ko mapapabayaan na di linisin yung ginawa niya. I have to make it up to you. Hindi ko mailalabas sa kulungan ang brother mo, but I can give you a job."
Dama niya sa tono ng boses ng babae ang sincerity nito. Ang tanging dahilan kaya hanggang ngayon ay di pa rin siya makapagsalita ay dahil di niya mapaniwalaan na ito ang ina ni Borj.
"Are you still angry at me?"
"No. Hindi naman ako nagalit sa iyo. Nabigla lamang ako. All this time ay di man lamang ako naghinala na may relasyon ka sa lalaking iyon."
"Sasabihin ko din naman sa iyo ang totoo, kaya nga lamang ay naghihintay pa ako ng magandang pagkakataon."
"How come hindi mo ginagamit ang apelyidong Jimenez?"
BINABASA MO ANG
Awakened By Love
RomanceMalaki ang utang ni Borj Jimenez Kay Roni. Ipinakulong ng lalaki ang kapatid niya, ipinasisante siya sa trabaho, sinira ang reputasyon niya at higit sa lahat ay nilait at minata ang kanyang pagkatao! Sumumpa si Roni ng paghihiganti... ng paniningil...