Chapter Four

258 27 2
                                    

PINAGMASDAN muna ni Patrick ang ekspresyon sa mukha ni Monti bago niya ibinaling ang tingin kay Kristine. Magkaibang-magkaiba ang mukha ng dalawa.

Worried at di makapaniwala si Monti. Samantalang si Kristine ay parang walang pakialam. Pakiwari niya ay di man lamang nito pinakinggan ang kanyang report. Malinaw na hanggang ngayon ay di pa rin nito pinapatawad si Borj. Nasaktan ito ng labis sa ginawa ng kapatid niya. At kilala niya ang ugali ng babae pag nagalit ito. Matindi. Maski noong nagalit ito sa kanya ay grabe ang naging trato nito sa kanya, ni ayaw siyang patuluyin sa bahay.

Kung di pa siya pinatawad ng asawa niyang si Paula ay saka lamang siya kinausap ni Kristine. Ang dahilan kasi ng galit ng babae sa kanya ay ang panlolokong ginawa niya kay Paula noong di pa niya ito asawa. Napatawad lamang siya ni Kristine nang mawalan na ng dahilan ito para magalit sa kanya.

Unang nag-react si Monti.

"Hindi ka man lamang ba nag-aalala sa nangyayari sa anak natin?" Baling nito sa babae.

"Anak natin? Akala ko ba ay itinakwil mo na siya bilang anak?"

"Kristine, you know very well na nasabi ko lamang iyon dahil sa magkahalong galit sa kanya at pag-aalala sa kalagayan mo. Hindi ko kailanman maitatakwil ang sariling kong anak!"

"Kung ganoon pala ay dapat na Ikaw nga ang mag-alala sa kanya. As far as I am concerned, wala na akong anak pa."

"Hanggang kailan mo paiiralin yang pagmamatigas mo?" Tumaas ang boses ni Monti, "walang perpektong tao, lahat ay nagkakamali, can't you give Borj another chance?"

Umingos ang babae.

"Nang balewalain niya ako at pabayaan na maghintay ng napakatagal doon sa airport na siyang naging dahilan kaya ako muntik nang mamatay ay kinalimutan ko nang anak ko siya! He is not worth it! Pinalaki ko siya, minahal, and even defended him against your anger. Pero binalewala niya ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ko para sa kanya. Buti man lamang sana kung yung babaeng kasama niya habang ako ay sinasaksak ng holdaper na iyon ay mahal niya! Kaso, hindi. Inaatake lamang siya ng init ng katawan. If the woman he was with is worth something, na maipagmamalaki niya kahit kanino, maiintindihan ko siya. But she isn't it. Ipinagpalit niya ako sa ganoong klaseng babae? Nasasabi mo lamang, Monti, na matigas ang puso ko dahil di mo nararamdaman ang sakit dito sa dibdib ko. My own son, my own flesh and blood betrayed me!"

Mabilis na umalis sa sala ang babae. Naiwan ang mag-ama.

Napahawak sa noo si Monti.

"Labis talaga siyang nasaktan. At kung pababalikin natin dito si Borj, iisipin niyang kumampi tayo sa lalaking iyon at tinraydor siya."

"Ano ngayon ang gagawin natin, Dad? Grabe ang epekto ng nangyari kay Borj. He has turned into a woman-hater. Talagang ipinagtatabuyan niya ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Daig pa niya ang Pari ngayon. Bihira na siyang naglalabas ng bahay. Ang tanging extra-curricular activities na matatawag sa buhay niya ay ang tennis. Kahit paano, he has become the best tennis player in the country. Pero magiging abnormal nang tuluyan ang buhay niya kung wala na siyang gagawin kundi tennis. Baka tumanda na siyang binata."

Saglit na sinulyapan ni Monti ang direksyong tinungo ng asawa.

"Mahirap din ang sitwasyon ko. Nasa gitna nila akong mag-ina. Oras na malaman ni Kristine na kinakausap ko si Borj, baka ako madamay sa galit niya. Hindi ko naman maipaintindi sa kanya na nagsisisi na yung anak namin. Nakita mo naman ang naging reaksyon niya kanina."

Napatango-tango si Patrick. Nakikisimpatiya siya sa kanyang ama.

"Ano ngayong gagawin ko, Dad?"

"Just continue guarding your brother. Pero huwag mong ipapaalam na sinusubaybayan mo siya."

Awakened By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon