Chapter Seven

305 27 2
                                    

NAUPO sa kabiling gilid ng mesa si Borj. At ang tanging nagawa ni Roni ay tumingin.

"Gusto mo na bang kumain?" Sabi nito sabay tawag sa isa sa mga aali-aligid na waiters.

Magsasalita na sana si Roni ngunit sinimulan na ng binata na mag-order ng pagkain sa waiter. Nang makaalis lamang ang waiter sa saka siya nagkaroon ng pagkakataon.

"What is the meaning of this? Narito ako para sa isang charity dinner."

Ngumiti ang lalaki. Napatanga siya. Ngayon lamang niya nakita na ngumiti ito ng ganoon, walang pang-iinis, o pagmamalaki. Isang ngiti na nagpapalakas lalo sa appeal nito. Agad niyang pinaalalahanan kung sino ang kaharap niya, na kahit na gaano pa man ito kaguwapo ay mapanganib pa rin ito. Di ba't ipinakulong nito ang kapatid niya? Ipinahiya siya.

"Alam kong hindi si Madz ang dadalo sa ganoong klase ng invitation."

"Madz"

"Short for mother. Iyon na ang nakasanayan Kong itawag sa ina ko. I was saying, dahil alam kong Ikaw ang papupuntahin niya sa ganoong klase ng kasayahan, I made plans."

"Palabas mo lamang ang invitation na iyon?" Sinimulang maghinala ng masama si Roni. Anumang kilos ng lalaki ay di niya dapat tanggapin sa face value lang. Minsan na siyang naisahan nito, nang i-record nito ang usapan nila para di matuloy ang demanda niya. Hindi lamang trabaho niya ang nawala sa kanya, pati na rin ang kanyang reputasyon. Mapanganib ang lalaki, nagbabanta lagi ng kapahamakan.

Tumango si Borj.

"Ito lang kasi ang naisip kong paraan para makausap ka."

Kumunot ang noo niya, Anong gustong palabasin ng lalaki?

"This is no trick, Roni. This is my way of saying I'm sorry sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa iyo noon."

Parang hindi ata totoo ang sinasabi nito.

"Nagiging mabait ka ba sa akin ngayon dahil ako ang nasa pagitan ninyo ni Kristine?"

Tinitigan siya ng lalaki. Balak ata tunawin siya. Nagpakatatag siya. Hindi na siya isang teenager na basta-basta mapapaamo dahil lamang napakaguwapo ng isang lalaki at animo isang tunay na gentleman.

"Iba ang misunderstanding namin ni Madz sa away natin. I am doing this, dahil ayokong dumami pa ang kaaway ko."

"Hindi ako ang nag-umpisa ng away na ito."

Bumuntunghininga ang binata.

"Why are you making this so hard? Ako na nga itong nauunang makipagbati sa iyo. Ibinababa ko na ang aking pride."

Dumating ang mga pagkaing inorder ng lalaki. Tumayo siya.

"Simple lang naman ang dahilan, Mr. Jimenez. I am not stupid. Hindi ako tulad ng ibang mga babae na agad na naniniwala at nagiging maamo sa iyo. I know what you are trying to do. But it won't work!" Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang isang bowl ng soup sa tray na hawak ng waiter at ibinuhos iyon sa ulo ni Borj.

"Shit!" Napatayo ito.

Nagmadali na siya sa pag-alis. Wala siyang balak na hintayin pa ang pagwawala ng lalaki.

MATAPOS bayaran ang sinakyang taxi ay naglakad na siya patungo sa apartment niya. Dati ay sa isang boarding house lamang siya nakatira, pero nang lalong tumibay ang pagkakaibigan nila ni Kristine ay ipinahiram na sa kanya ng babae ang isa sa mga apartment nito. Nagkataon kasing umalis ang isa sa mga nakatira doon.

Binuksan niya ang pintuan at ilaw. Sa tuwing makikita niya ang loob ng fully furnished na apartment ay namamalikmata pa rin siya. Higit na malaki kasi ang apartment sa bahay nila doon sa probinsiya. Ni sa pangarap ay di niya akalaing titira siya sa ganito kagandang lugar. Oo nga't ipinapagamit lamang sa kanya ni Kristine ito, pero parang kanya na rin ang lugar na ito. Kung di nga lamang siya nahihiya sa kaibigan ay pinatira na din niya dito ang inay at kapatid niya.

Awakened By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon