Somewhere in Pasig
August 2025
What's up everybody!
Ano na? Alam ko late na itong aking review sa pelikulang Superman. August na ngayon pero napanood ko ang Superman noong July 10 pa. Sinabi ko sa sarili ko noon na isusulat ko agad ang aking review after kong mapanood ang pelikula pero busy ako noong July at hanggang sa September ay busy ako. May free time lang ako ngayon kaya naisingit ko na makapagsulat ngayon.
Superman na isang superhero film which was directed by James Gunn ay ang anticipated movie ko ngayong 2025. Two years ago pa lang ay pinangako ko na sa sarili ko na papanoorin ko ito sa sinehan lalo na sa Imax. Hindi ko pa kasi nasusubukan manood sa Imax kaya ang Superman sana ang unang movie na mapapanood ko sa format na ito kaso I'm sorry to say hindi ito nangyari. Kasama ang aking asawa pumunta kami noong July 10 sa SM Aura para panoorin sana ang Superman sa Imax pero ang malas namin dahil sira ang system ng cashier sa sinehan. Hindi sila makapag-transact. Madami sana kaming costumer na bibili ng ticket. Ang kinakainis ko pa nun ay wala man lang silang plan B. Purket sira ang system ay hindi na sila makakapagbenta ng ticket. Ganun-ganun lang, ba-bye costumer na. Ang mga nakapanood lang ay yung mga nakapagreserve noong mga nakaraang araw. Naghintay pa kami ng asawa ko ng isang oras doon sa lobby sa pag-asang maaayos ang system nila.
Napagdesisyunan na lang namin na manood sa katabing mall, sa Market Market. Noong mga oras oras na iyon ay pinag-iisipan ko na manood na lang bukas pero atat na ako. Gustong-gusto ko na mapanood ang Superman noong araw na iyon at ayoko nang ipagpabukas pa. Ilang beses na din kaming nakapanood ng sine sa Market Market na masasabi kong average ang quality ng ilang cinema doon. Libre nga ang popcorn pero ang ticket price ay mas mahal pa sa SM Aura. Ayoko sanang manood doon dahil special sa akin ang movie ni Superman pero kagustuhan kong mapanood na ang pelikula ay pinilit ko na manood doon. Minalas na naman kami dahil ang screen ng sinehan ay may kaunting dumi. Hindi ko naman iyon napansin habang pinapanood ang pelikula dahil focus na ang mata ko sa nagyayari sa pelikula. Pero ok lang yun dahil yung movie naman ang pakay ko dito.
Plano ko din noon na mapanood ang Superman kasama ang aking kapatid. Gusto ko ma-share ang experience kasama siya at pagkatapos mapanood ang movie ay magpapalit kami ng comment kung ano ang masasabi namin sa pelikula. Pareho kasi kaming fan ni Superman at ng superhero world. Cinephiles din kami since childhood. Movies ang libangan namin at nagboost sa creativity namin. Kaya nahilig din kami magsulat at magbasa ng mga literary works. Hindi namin napanood ng magkasama ang Superman na nakakalungkot naman talaga pero naiintindihan ko kung bakit hindi dahil this year ay nasubok ang pamilya namin sa isang sitwasyon na walang may gusto. Sa kadahilanang ito ay makaalis sa Antipolo ang kapatid ko. Hindi naman ako makapunta doon dahil sa trabaho ko.
Masaya naman ako dahil nakasama ko ang aking asawa sa panonood. She's not a superhero fan or a moviegoer pero nagustuhan niya ang movie. Nagustuhan din niya ang character ni Superman, ang mga action scenes, ang ibang characters lalo na si Krypto at si Mr. Terrific, at mas lalo niyang nagustuhan ang message na gustong iparating ng movie na be good and be kind no matter na consequence. Just do the right thing katulad ni Superman na kahit ano pa ang tingin sa kanya ng ibang tao ay hindi nabago ang pananaw niya sa buhay, ang kanyang moral principle.
Ang dami ko nang nasabi pero wala pa akong nasasabi kung ano ba ang tingin ko sa movie. So ito na nga, first of all sasabihin ko muna kung ano ang hindi ko nagustuhan sa movie. Isa lang naman at ito ay ang pacing. Mabilis masyado ang pacing kung saan hindi ko na ma-digest kung ano na ba ang nangyayari. Hindi ko rin masyadong ma-appreciate ang ibang scene dahil lumilipat agad sa ibang scene. Alam kong action movie ito pero sana may mga calm moment kahit kaunti para makahinga naman ang viewers. Iyon lang naman ang hindi ko gusto pero gets ko naman kung bakit ganun kabilis ang pacing dahil katulad sa mga comic books action per action ang bawat panel kaya nga Action Comics ang unang comic book na pinagbidahan ni Superman.
Sa character ni Superman at sa portrayal ni David Corenswet masasabi kong pwede siyang itabi kay Christopher Reeves as one of the best Superman actor. Kuha niya kasi ang character ni Superman which is good, kind and hopeful. Iba ang presence niya sa movie para bang gusto ko siya maging friend dahil kahit na superhero siya ay may certain aspect sa kanya na relatable. Kahit na yung costume niya na noong una ay hindi ko masyadong gusto ay nagustuhan ko na habang pinapanood ito sa movie. Almost the whole movie kasi suot ito ni Superman kaya nasanay na din ako. Perfect din ang red trunks na silly naman talaga pero iyon nga ang purpose nito to make Superman looks silly para hindi matakot ang mga tao sa kanya. Nagustuhan ko rin ang scene doon kung saan masaya ang mga bata na makita siya, para bang si Santa Claus na sobrang recognizable na magpapangiti sa mga bata tuwing dumarating siya.
Gusto ko din ang portrayal ni Rachel Brosnahan as Lois Lane. Dahil may purpose ang character niya dito at may ginagawa. Unllike sa Man of Steel na parang pinipilit na ilagay siya sa mga key moments ng movie. Dito may reason kung bakit siya nasa scene. Lalo na sa scene na down si Superman sa kanyang sarili at nandun si Lois para i-comfort siya at bigyan ng motivation. Gusto ko din ang chemistry nila ni Corenswet na masasabi ko talagang perfect sila sa role. Lalo na sa scene na ininterview ni Lois si Clark kung saan nagpalitan sila ng ideology at beliefs. Kagaya ng normal ng couples ay may pinagdadaanan din sila na pagsubok at misunderstanding. Nonetheless masasabi kong solid na ang relationship nila dito.
Si Lex Luthor naman ni Nicholas Hoult ay mas superior kaysa sa version ni Eisenberg. Intimidating ang presence niya at commanding. Sa bawat scene ramdam mo na kontrolado niya ang sitwasyon. Kahit na magkaharap sila ni Superman ay hindi siya natitinag at nanatiling compose. Hindi siya yung over the top villain tulad ng mga nakaraang version. Legit ang kanyang motivation at purpose. Gusto niyang magstand-up at tingalain ng mga tao kahit na may isang super powered alien na inaagawan siya ng spotlight.
Nasupresa naman ako sa character ni Mr. Terrific. Ang cool niya sa movie at nagstand-out siya sa bawat scene na nilabasan niya. Stoic ang kanyang character pero astig ang mga lines na binibitaw niya. Maganda ang potential niya para bumida sa isang solo series o movie. Ang cute din ni Krypto na katulad ng normal na aso ay makulit at loyal. Tulad ng sinabi ko dati na tamang desisyon na bigyan si Superman ng isang man's-bestfriend. Gusto ko din ang acting ni Anthony Carrigan bilang si Metamorpho. Ramdam ko ang emotion ng character niya kahit saglit lang siya doon.
The movie itself ay parang nagbabasa ako ng comics. Dinala ni James Gunn ang mundo ni Superman dito sa mundo natin. Hindi realistic pero fantastic. Sa mundo ni Superman normal na may mga superhero o monsters na bigla na lang lilitaw. Madaming story potential na pwedeng ikuwento. Hindi tulad ng realistic na limited lang. Dito colorful ang mundo at puno ng hope at kindness. Perfect escape sa mundo natin. Which is the purpose ng movies in the first place, escapism. Kaya nga tayo nanonood ng movie is to feel good, escape from reality and have fun.
Masaya ako sa Superman at looking forward ako sa future ng bagong DCU. Masasabi kong ang movie na ito ang the best Superman movie para sa akin. Dahil ito ay entertaining, colorful and full of kindness and hope.
