Chapter 1 ~ Kolehiyala

68 3 0
                                    

Totoot ... Totoot .. Totoot .

Ahhhhhhh nakakaantok pa, habang nakapikit pa ang aking magagandang mga mata ay dali dali kong hinablot ang aking alarm clock ng biglang ,... BOOOOGS! Bwisit naman babangon naman talaga ako bakit kailangan ko pang mahulog? tsk tsk may parade yung mga pinanganak na malas mamaya at Audrey ikaw ang nasa unahan dahil nasayo ang korona.

Ang sakit non infairness buti walang bukol. Kinamot ko nalang yung parte ng ulo ko na nauntog sa sahig kailangan ko nang maghanda dahil its going to be my first day as a college student. Kahit orientation palang excited parin ako pumunta sa school. Well new school new environment pero hindi new friends siguro madadagdagan lang yung friends ko pero hindi mapapalitan. I love my highschool friends lalo na si Joshua.

Matapos kong pakalmahin yung sarili ko ay naligo na ako at nag ayos ng aking sarili. "teka asan na yung kwintas ko kainis bat ngayon pa nawala? Hahanapin ko muna may 10minutes pa naman" Hanap dito, hanap doon, balik dito, balik doon. "Bat hindi ko makita? Hay kainis naman lucky charm ko yun eh"

Tok ... Tok .. Tok .

"Audrey bilisan mo na anjan na si Joshua sa labas"

"Opo ma anjan na po" .. asan naba kasi yun. Kainis talaga mamaya ko na ngalang hahanapin.

Hinablot ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Ang aga aga pawis na pawis ako, bwisit naman kasi bat hindi ko makita yung kwintas na yun mamaya malasin na naman ako.

"Ano ba naman anak first day of school malalate ka. Heto ang baon mo, tandaan mo yung mga bilin ko; bawal pasaway, makinig sa guro, wag magpalipas ng gutom, wag sumali sa mga chismis nako anak wala kang mapapala jan"

"Oo na ma, cge po alis na po ako bye ma" kinuha ko na yung baon ko sa kamay niya at umalis na kahit nagsasalita pa siya. Paulit-ulit na kasi si mama ang oveeeer.

Wooooh sa wakas nakalabas na din ng bahay. Ang sakit sa tenga yung boses ng napaganda kong nanay. Magkacollege na ako pero parang baby parin kong ituring niya. Hay kaloka.

"Ang tagal mo Audrey pati ako malalate dahil sayo tsss"

"Sorry naman best hindi ko kasi naset yung alarm clock ko tsaka orientation pa lang naman ngayon. Haha so ayos ba yung reminder?"

Tsss lang yung narinig ko na reply niya. Haha ang tipid naman nito. Medyo malalate na kami ni Joshua pero pinili namin na maglakad nalang medyo malapit lang naman kasi yung school dito sa bahay namin.

"Alam mo na ba yung sasabihin mo pag tinawag ka ng teacher na pumunta sa gitna at para magpakilala? Naku di kasi sure kung may subject ba na magkaklase tayo kasi nga iba din naman yung degree program mo sa degree program ko so hindi kita machecheer nanginginig kapa naman kapag introduce yourself na ang pinag-uusapan"

Wow ha nanginginig talaga? Sapakin ko kaya to, kainis eh. "Oo naman best alam na alam ko na yung sasabihin ko tsaka wag ka nga anu kaba magiging classmates tayo kahit isang subject lang ok na ako"

"Sana nga para naman di mo ako masyadong mamiss" Hahaha

"Alam mo best ang Oveeer mo. Tara na nga marami ng nakapila doon ho"

Naglakad kami ni Joshua papuntang Roxas Bldg. kasi dun daw makikita ang listahan ng sections. Malaki yung room pero lahat ng sulok may naka pila at grabeh talaga yung pila parang bigayan ng NFA rice lang ha? Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng section ko kasi kaunti lang naman yung nag eenrol sa kursong kinuha ko.

Nang makita ko na ang pangalan ko ay agad na akong lumabas. Hinanap ko si Joshua pero hindi ko siya makita. Baka iniwan na niya ako kainis naman yung bestfriend kong yun wala manlang pasabi.

Anyways magpapakilala na ngalang ako sa inyo para naman hindi nyo na makita yung panginginig ko pag nagpakilala ako sa harap ng mga bago kong kaklase. Haha hindi naman talaga ako nanginginig masyado oveeer lang talaga yung bestfriend ko.

So heto na, ako nga po pala si Mariz Audrey Joyce Gift Romero. Yung gift middle name ko na ho yun masyado namang over kapag dinagdag pa sa name ko diba? Kinaclarify ko lang ho kasi marami yung nagkakamali, minsan napagkakamalan na name ko pa yung Gift. Ang oveeeer. 16 na po ako ngayon kasi last year 15 lang ako at for sure next year magsiseventeen na po ako. Hahaha Bunso ako sa tatlong magkakapatid at only girl pero hindi ho ako spoiled brat. Yung nanay ko business woman pero maliit lang naman yung negosyo niya at yung tatay ko naman chef sa isang hotel sa Austria. My brothers? Well sakit sila sa ulo puro kasi babae ang inaatupag pero hindi pa naman sila nakikick out sa school. Siguro malapit na. Haha bad sister.

Oh ayan ok naba? Kilala nyo na ako? Pag bitin pa dont you worry mas makikilala nyo pa ako sa mga susunod na chapters.

P.S Mabait po yung Author ng story na to. I swear. Hahaha

A.N
Thank You po sa lahat ng nagbabasa ng story ko. Lahat po ng pangalan, lugar at pangyayari sa story ay bunga lamang po ng malikhaing pag iisip ko.

xoxo
-amaziingdrey-
Follow me on I.G @amaziingdrey

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon