Chapter 6 ~ So, He's Carlo?!

12 1 0
                                    

(Part 2)

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko para medyo kumalma ako. What the Fish in the first place bakit ba ako kinakabahan? Wooo Audrey relax! Inhale ... Exhale. Asan naba kasi si Kai ang tagal niya naman ata mag.CR. Andito kami sa may bandang likuran ng Auditorium medyo malayo sa stage pero sure ako na yung lalaking nagsasalita ay ang mismong lalaking dahilan ng kabadtripan ko kaninang umaga. Kaya pala mayabang kasi naman University Councilor siya. So ibig sabihin hindi siya freshmen at mukhang sikat kasi kanina pa parang mawawasak ang eardrum ko sa tilian ng mga mahaharot na babae sa likuran ko. What the Fish! Kainis!

"Bulaaaaagaaaa"

"Ay Carabao"

"Anu ba naman Melo. Aatakihin ako sa puso ng wala sa oras dahil sayo" Yung feeling na nagsesenti ka tapos biglang may magbubulaga sayo. Kainis!

Kasama ni Kai si Melo pabalik sa pwesto namin. Close friend ko rin siya nung high school. Nung nagtransfer si Kai sa Barden kami nalang yung laging magkasama at si Best. Speaking of best nakalimutan kong itext si Joshua. Itetext ko na nga lang kawawa naman yung mukong na yun.

Nagsisimula na yung orientation kaya umayos na kaming tatlo sa kanan ko si Melo katabi niya si Kai at sa kaliwa ko naman katabi ko yung bag ko. Haha sosyal na bag nakaupo talaga. Joke lang para to kay Joshua magsosorry na talaga ako sakanya mamaya Promise Madam Bertud. Hahahaha

Habang pinapanuod namin ang slide show ng mga different buildings dito sa UP dinig na dinig ko ang pinag uusapan ng mga mahaharot na babae sa likod ng upuan ko.

"My God Carlo is sooo Hot talaga"

"Ow yeah at balita ko nagbreak na daw sila nung girlfriend niya"

"Ows? Talaga? Buti naman hindi naman kasi sila bagay"

At nagtawanan silang tatlo. Mahaharot na babaeng to mabigyan nga ng Trophy to. Maharot of the Year Award. Hay naku. Pero nacucurious ako kung anu ba ang meron sa lalaking yun at bakit ang daming humahabol sakanya? Uo gwapo siya pero wala naman akong nakikitang something sakanya para habulin talaga siya ng mga babae.

Nagsesenti na naman ako ng kalabitin ako ni Melo. Kahit kailan talaga makulit tong babaeng to masyadong maraming alam buti pa si Kai tahimik lang sa upuan niya.

"Audrey you know that guy? Yung nasa stage yung nakayellow?" Yeah nakayellow para siyang tae na ipinatong sa stage sa color ng damit niya.

"Nope I dont know him. Why Mel?" Madam Bertud sorry po nagsinungaling na naman po ako. Half truth naman kasi yung sinabi ko. Totoo naman na hindi ko siya kilala. Hindi nga ba? Hahay ewan.

"Oh my G you dont know him Mariz Audrey Joyce G. Romero? He's sikat kaya dito sa UP and he's so freaking Hot and Sexy. His name is Carlo Martinez. 19. St.Ville Subdivison. Varsity player in Basketball, Swimming, Taekwondo at Lead Vocalist ng Bandang G Four. 3rd Year na siya and taking up BS Economics at ito pa Deans Lister yan since first year"

May pinagkaiba ba tong kaibigan ko sa mga babae sa likuran ko? What the Fish stalker masyado ang peg. Konti na lang kaya niya nang masulat yung talambuhay ng lalaking yun aa. At bakit sakin niya sinasabi to si Kai na katabi niya hindi niya naman kinukulit. Iba din yung trip nito eh.

"So?" Sa hinaba haba ng sinabi niya yan lang ang nasagot ko. Hindi naman po kasi ako interesado sa lalaking yun ang yabang at feelingero obvious naman sa stage na nagpapasikat siya. Sana madapa siya Madam Bertud kahit one time lang. Hahaha

"So? Ganun lang yung sasabihin mo? Audrey naman ikaw lang yata yung babaeng hindi interesado kay Carlo. Bahala ka nga" Nagpout siya at nanahimik na sa upuan niya. Ang cute ni Melo pag nagpapout siya mukhang bata na naagawan ng candy.

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon