Joshua's POV
Iniwan ka na ng eroplano
Ok lang baby
Wag kang magbago
Dito ka lang
Humimbing
Sa aking piling
Antukin ....Beep ... Beep .. Beep
Nagising ako ng maramdaman kong nag vibrate yung phone ko akala ko naman text yun pala reminder lang.
5:30
(Ready for school and sunduin ang mahal na Prinsesa)Natawa ako ng mabasa ko ang reminder na nagflash sa cellphone ko. Kaya pala hiniram nya yung phone ko kahapon maglalagay pala ng reminder at tsaka mahal na prinsesa talaga? Tss kahit kailan ang kulit talaga ni Audrey.
Naligo na ako after kong mabasa yung reminder hindi na rin naman ako makatulog so ayon nag ayos nalang ako. Medyo malayo yung bahay ko sa bahay nina Audrey pero ok lang pag siya naman nagsabi gagawin ko talaga.
(Flashback)
Classmates kami nung Grade 4 transferee siya sa school namin. Hindi ko siya pinapansin noon kasi parang ang arte niya pero isang hapon nakita ko siya na mag isa at umiiyak sa bench malapit sa gym ng school namin. Nilapitan ko siya at kinausap.
"Why are you crying?" Englisero po talaga ako nun. Haha paimpress lang.
"Nothing" Matipid niyang sagot. Akalain mo englisera rin pala to.
"Come on!, umiiyak ka tapos sasabihin mo nothing?" Di na ako nag english baka mapahiya pa ako.
"Fine. Hindi makakarating yung sundo ko eh. Ayoko umuwi mag isa"
"Saan kaba nakatira ihahatid nalang kita" Masigla kong tanong sa kanya.
"Are you sure? - dun lang ako nakatira sa kabilang street San Lucas"
"Yeah, so hatid nalang kita? Dont worry mabait naman ako by the way im Joshua Nicholas Javellana" inilahad ko ang isang kamay ko sakanya at tinanggap niya naman ito.
Naglakad kami siguro mga 10 minutes lang at dumating na kami sa kanilang tirahan. Lagi naman ako dumadaan dito sa tuwing nagbabasketball ako pero parang hindi ko pa yata siya nakikita dito siguro hindi siya lumalabas ng bahay.
"Thank you sa paghatid" Matipid niyang sabi pero kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi naman pala maarte sadyang mapanghusga lang siguro ako. Haha slight.
Naglakad na siya papasok sa gate ng biglang maalala ko na hindi ko pa pala alam ang buong pangalan niya.
"Hey! ahhh ee what's your name again?" Woooh english ulit yun.
"Audrey ... Mariz Audrey Joyce G. Romero"
"Oww Ok, so friends?"
"Nope"
Kakaiba nga tong babaeng to parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko kanina na hindi siya maarte. Tsss
"From now on you'll be my Bestfriend na.. is that ok Joshua?" At yun natulala lang ako hanggang sa nakapasok na siya sa bahay nila.
Bestfriends? Wow ang bilis naman pero hindi ko maitago ang saya na naramdaman ko ng marinig ko yun mula sa kanya. Tsss totoo nga hindi siya maarte sure na po ako jan.
(End of Flashback)
"Manong sa bahay nina Tita Yolly po" Yolly po yung name ng nanay ni Audrey. Yan lang yung sinasabi ko sa tricycle driver dito kapag pumupunta ako sa kanila. Kilala dito yung nanay niya kasi marami siyang negosyo dito sa subdivision namin, may Bigasan, MiniMart, Boutique, Tindahan ng Tsinelas, Bakery at marami pang iba.
Nang makarating ako ay nag doorbell nalang ako. Hindi na ako pumasok kasi hindi naman ako magtatagal susunduin ko lang yung mahal na prinsesa. Haha
"Ang tagal mo Audrey pati ako malalate ng dahil sayo tsss" Laging may karugtong na Tss yung salita ko kapag medyo naiinis ako. Pero dahil si Audrey yung kausap ko nawawala ang inis ko. Para siyang Rebisco ang sarap ng feeling ko. Yohohoho!
Agad naman siyang nag sorry kaya ok na ko at saka niremind niya pa ako tungkol dun sa pinag.gagawa niyang reminder. Ang kulit naman talaga.
Naglakad lang kami papuntang school kasi medyo malapit lang naman. Hindi siya nagsasalita ako naman tinititigan ko lang siya. Ilang years na nga ba kaming magbestfriend? 6 years na ata.
Maganda si Audrey, napakaganda. Yung mga mata niya? Its just so perfect bagay sa hugis ng kanyang mukha at idagdag pa ang medyo wavy niyang buhok. Maganda siya pag nakangiti, lalo na pag tumatawa lumalabas kasi yung dalawang dimple na nakabaon sa makinis niyang pisngi. Hay Audrey. Hope one day maging ok ang lahat at masabi ko rin sayo.
AN
Thank You po sa nagbabasa ng story ko. Medyo maikli lang po ang Chapter na ito. Hintayin nalang po natin kung ano pa ang mangyayari sa mga susunod na chapters.xoxo
- amaziingdrey -
BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Teen FictionMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -