Chapter 7 ~ Audrey's Brothers

25 1 0
                                    

Warning: May konting SPG po sa lengwahe. Hihi

Mabilis na natapos ang araw na to. Masaya ako dahil ok na kami ni Joshua at nakasama ko pa si Melo at Kai. Kahit na iba iba ang degree program namin masaya parin ako at nasa iisang school lang kami. Ako inlined sa Dance yung course ko, si Joshua naman economics, si Melo HRM, mahilig kasi siya sa sweets at ang galing niyang magdecorate ng cakes libre nga yung cake ko tuwing birthday haha at si Kai naman ay Fashion and Design yung kinuha niya passion niya kasi yun at tuwing recess nung nasa high school pa kami lagi siyang nag iisketch ng gowns. Thank you talaga lord im so blessed with those people around me.

After nung orientation nag icecream kami ni Joshua sa Munsterific paborito ko kasi yung vanilla icecream nila stress reliever ko na nga yun eh. Hehe

Umuwi na ako ng bahay after naming kumain ng icrecream napagod narin kasi ako at ang sakit pa ng puson ko pati mga binti ko sumasakit na. Nagkasundo kami ni Joshua na magkita nalang bukas sa school. Nagpupumilit pa siya na ihatid ako buti nalang napapayag ko siya na huwag na kaya ko naman talaga eh. Masyado lang over yung bestfriend ko. Hay naku!!

Mga bandang 6pm na ng makarating ako ng bahay at pagpasok ko sa gate guess what kong anong nakita ko. Haha Yung kuya ko lang naman na may kahalikan na babae. Seriously sa garden pa talaga? Hay kainis ilang beses ng nangyari na nakikita ko siyang may kahalikan pero hindi parin ako sanay pano ba naman iba iba yung babae niya. May Goodness!!

"Baby ba't ngayon kalang?" Kumalas siya dun sa babaeng kahalikan niya ng papalapit na ako sa main door ng bahay namin. Nakakainis yung babae ni hindi manlang nabigla nung pumasok ako at nakita ko yung ginagawa nila.

"Late na kasi natapos yung orientation kuya at nag icecream pa kami sa munsterific ... Andito naba si Mama?" Humarap ako sakanya at nagfake smile dun sa babaeng katabi niya.

"Wala pa baby siya daw kasi magsasara ng boutique si Marcus anjan sa kwarto niya katukin mo nalang pag may kailangan ka busy ako dito eh."

Busy sa pakikipaghalikan tinalikuran ko na siya at pumasok na ng bahay diretso lang ako sa kwarto ko. Ba't ba ganun ang mga kuya ko? Hay naku! si Kuya Mark chickboy si Kuya Marcus naman playboy. Ampon ba ako? Ako lang kasi yung matino eh. Haha malamang hindi ako ampon nuh parang pinagbiyak na bunga nga kaming tatlo ako nga yung babaeng version nilang dalawa. Si Kuya Marcus yung pinakamatanda 22 na siya 5th year sa Engineering at si Kuya Mark naman ay 20, 3rd year at Marine Transportation naman yung course niya.

Nagbihis na ako at humiga sa kama ko mamaya nalang siguro ako kakain hintayin ko nalang si Mama. Kinuha ko yung kulay pink na notebook ko sa drawer ko iuupdate ko nalang yung diary ko. Yes po sa ganito kamodernong panahon uso pa po sa akin ang pagsulat ng diary. Haha

June 8, 2015
Dear Diary,

First day of school maraming nangyari. Nagkatampuhan kami ni Joshua pero ngayon ok na, nakasama ko si Kai at Melo masaya nga kaming apat kanina. Ito pa alam mo ba nadatnan na ako dalaga na nga siguro ako diba? Hihi nakakaawkward pala nuh? Parang ang hirap maglakad. Alam mo ba may nakilala akong lalaki kanina nakakainis siya at nababadtrip ako sakanya kahit na tinulungan niya ako. Carlo yung pangalan niya. Uo gwapo siya pero hindi ako attracted sakanya. Ok lang naman siya parang normal na tao lang pero bakit kaya andaming humahanga sakanya? Dahil ba sa varsity siya? dahil deans lister siya? dahil kumakanta siya? Hay nacucurious talaga ako di bale malalaman ko rin naman ang sagot. Thats all for now nagugutom na kasi ako. - Audrey -

Ipinatong ko na ang diary ko sa taas ng drawer tsaka tinabunan ng malaking stuff toy na regalo ni Joshua nung birthday ko mahirap na kasi pag may makabasa pa ng diary ko kahit wala namang nangingialam sa mga gamit ko buti na yung safe hindi ba?

Lumabas ako ng kwarto at nagpaluto ng paborito kong chicken curry ky manang Fe, malalate daw kasi si Mama ng uwi. Isa lang naman yung katulong namin actually matagal na siya samin hindi pa ako napapanganak siya na nag aalaga sa mga kuya ko kasi laging wala si Mama at si Papa naman tuwing pasko lang umuuwi.

Ako ang naghanda ng mesa ng maluto na ang ulam namin. Maglalabas na sana ako ng limang plato pero sabi ni manang nakakain na raw siya kaya apat nalang yung kinuha ko isa sa bagong babae ni Kuya Mark. Inihain ko na yung ulam at kanin at nagtimpla narin ako ng juice. Handa na lahat kaya tatawagin ko nalang sina kuya. Andon padin sila ng babae niya sa labas si Kuya Marcus naman hindi pa lumalabas ng kwarto niya.

Pumasok na si Manang Fe sa kwarto niya magpaplantsa pa daw kasi siya ng uniform tawagin ko nalang daw siya mamaya pagkatapos naming maghapunan. Ang bait ni Manang Fe ako nalang siguro ang maghuhugas ng plato mamaya konti lang naman to para naman makapagpahinga na si Manang.

"Babe I want you to enter me now. Im getting wet." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng babaeng kahalikan ni Kuya Mark kanina. Seriously? May mga babae ba talagang ganun? Ang landiiiii!!! Kahit hindi pa ako nagkakaboyfriend hindi naman po ako inosenti para hindi magets ang ibig sabihin ng narinig ko. Naku! Naku! Nag stay lang ako sa gilid ng pinto mamaya nalang ako lalabas baka masira ang moment nila.

Narinig ko ang pagtawa ng chickboy kong kuya. "Later Babe I promise I'll make sure you'll be satisfied" At tumawa ulit siya. Naku pag andito siguro si Papa hindi ganito ang mga kuya ko. Tinatyming talaga nila na wala si Mama para magawa nila ang gusto nila. Hindi ko na narinig ang usapan nila kaya tuluyan na akong lumabas sa gilid ng pinto.

"Kuya handa na ang pagkain. Malalate daw si Mama ng uwi mauna na daw tayo" Hindi ko na hinintay ang sagot niya naiirita ako dun sa babae niya. Dali dali akong umakyat ng second floor para sabihan si Kuya Marcus na kakain na. Nasa second floor kasi ang room ng dalawang kuya ko at may dalawang extrang room para sa bisita. Minsan kasi may mga relatives kaming bumibisita dito.

Tok . Tok .. Tok ...
"Kuya Marcus kakain na po" Hinintay ko na sumagot siya, wala akong narinig na sagot pero may music akong narinig mula sa loob. Tinry kong iopen ang doorknob hindi naman nakalock hindi ko muna binuksan kumatok nalang ulit ako this time mas malakas na.

Took . Took .. Took ...
"Kuyaaaa kakain na po tayo" Hindi parin siya sumasagot kaya napilitan akong buksan ang pintuan ng kwarto niya.

Nagulantang ako at napapikit sa nakita ko. May babaeng mukhang Japanese or Chinese na nakahiga sa kama at ang kuya ko ay nakapatong sa kanya. What the Fish. What are they doing?? Kaya pala may music kaya pala hindi niya narinig ang pagkatok ko pero bakit hindi nakalock yung pinto? Masyadong excited kaya nakalimutan maglock ng pinto? Naku!!! Napansin ng babae ang pagpasok ko kaya kinalabit niya si Kuya at doon lang ako bumalik sa sarili ko.

"Sorry Kuya Sorry ahhh ehhh kumatok naman ako pero hindi mo ata narinig hindi nakalock kaya pumasok nalang ako. Sorry talaga Kuya ahhh bumaba nalang kayo pag tapos na kayo kakain na kasi tayo"

Dali dali akong tumalikod at lumabas ng kwarto niya. Gulat na gulat talaga ako. Alam kong maraming babae ang mga kuya ko pero iba ito first kong makakita ng ganito. Pinukpok ko ang ulo ko no Audrey huwag mong isipin ang nakita mo. Inhale .. Exhale. Bumaba na ako at naglakad na parang wala lang dahil andun na sa mesa si Kuya Mark at ang babae niya. Kumuha ako ng isa pang plato para naman sa babae ni Kuya Marcus. Nakakaloka ang mga kuya ko dapat ko na sigurong sanayin ang sarili ko na ganyan talaga sila para hindi ako nabibigla sa mga maaaring makita ko pa. Tssss!!!

A.N

Hi Guys, kakasimula palang my SPG na kaagad. Pasensya na :) Hihihi

Pure fiction lang po ito lahat ng sinusulat ko sa story ay gawa-gawa lamang. Sana po mag-enjoy kayo. Marami pa pong pasabog. Keep reading Every Girl Needs a Boy Bestfriend tsaka basahin nyo rin po yung My Crush is a Lesbian gawa po ng napakabait kong kaibigan na si Cee. Thankee <3

xoxo
-amaziingdrey-

I.G - @amaziingdrey

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon