(Joshua's POV)
"Audrey what happened?" Kanina pa ako nalilito kung anung nangyayari sakanya. Mukha siyang malungkot na parang badtrip. Hindi ko mabasa kung anu ba ang iniisip niya.
Hindi parin siya nagsasalita kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig ito. God!
"Audrey! Tell me what's bothering you." This time may mga luha na na handang bumagsak galing sa kanyang mga mata. Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa mga kamay niya.
"Tell me Audrey. Dahil ba to sa wallet mo na nawala?"
"No best, it's just that may nabangga akong lalaki kanina nung pagbaba ko"
"Then?"
"May ginawa ba siya?"
"Binastos ka ba niya?"
"Sinaktan ka ba niya? Tell me Audrey, tell me"
"Sinigawan niya ko. Nakakatakot yung expression niya. Hindi ko naman sinasadya eh nagmamadali lang talaga ako nagsorry naman ako, sabi ko babayaran ko nalang yung iniinom niya kaso wala na siya".
"Natatandaan mo pa ba itsura niya?" Lumipat ako ng pwesto sa tabi niya. I want her to feel na safe na siya ngayon. Hindi kasi sanay to na sinisigawan siya at ayoko na may nananakit sakanya.
"Yes best and I don't want to see his face again". Huminga siya ng malalim at ngumiti sa akin. "Let's just forget him. Ok na ko, kain nalang tayo".
"No Audrey. The next time na makita mo ulit yung pagmumukha niya sabihin mo agad sakin. Hindi ko palalampasin to, walang pwedeng manigaw o bumastos sayo." I look at her seriously. She's just so innocent, I like protecting her.
"Naah fine fine. Youre already acting like an angry boyfriend. Let's eat na nagugutom narin kasi ako".
Kinuha ko yung pagkain namin sa tray at nagsimula ng kumain. Hay Audrey if you only knew kung anong nararamdaman ko sayo. Darating din siguro yung time na masabi ko sayo. Ill just wait for that perfect time hindi pa siguro sa ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami ng school dun nalang kami tatambay may isang oras pa naman bago mag time. Magkaklase kami sa tatlong minor subjects, psychology, algebra at filipino. Ang saya nga kasi pwede kaming gumawa ng assignments na sabay at maraming oras ko pa siyang makakasama.
"Hey best kinakausap kita. Anu ba yang iniisip mo ang alim naman ata".
"Ikaw".
"Huh?"
"I mean ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Ikaw best ha may sarili kana namang mundo. Ang sabi ko nasa mini forest sila Kai at Melo dun nalang muna tayo tumambay".
"Yeah sure ipapark ko lang to". Medyo na space out ako dun ah, buti nalang hindi na siya nagtanong pa.
Kwentuhan lang kami hanggang sa maubos ang isang oras na vacant. As usual kinukulit ko na naman si Kai madali kasi siyang mapikon kaya siya yung trip na trip kong kulitin unlike kay Melo na kapag binanatan mo wala siyang pake at si Audrey naman bihira ko lang kinukulit kasi kapag napapatawa ko siya ng sobra, lalo akong nahuhulog sa kanya. Naks naman!
Madaling natapos ang araw na to. After nung last subject ko hinintay ko si Audrey sa parking lot hindi kasi kami magkaklase sa huling dalawang subject. Ganito yung set up namin palagi susunduin ko siya, sabay kaming maglalunch, sabay din kaming uuwi. Buti nalang at ok yung schedule namin susulitin ko nalang to kasi pag second sem na baka hindi na kami magiging magkaklase.
15 minutes akong naghintay bago siya dumating. As she walks towards me I cant help but smile. Damn this feeling. Buti nalang at hindi ako nagiging awkward sakanya.
You know that feeling dude? Yun bang gustong-gusto mo ng sabihin sakanya lahat kaso kapag anjan na siya sa harap mo natatameme ka. Seriously? Torpe ba? Pero iba eh iba si Audrey, ayoko na mabigla siya at ewan ko kung anong magiging dating sakanya sa oras na malaman niya. Bahala na!
(Continued on the next Chapter)
A.N
Short lang po tong chapter na to. Sobrang busy lang po kasi. Anyways, salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko kahit na medyo boring.
xoxo
-amaziingdrey-
BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Teen FictionMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -