Chapter 3 ~ Why oh Why?

27 0 0
                                    

Hay asan kana ba best? Ang lawak kaya ng UP. Wala pa naman akong load. 10:30 na nga pala medyo nagugutom na ako hindi kasi ako nakapag breakfast kanina. Ayoko kumain mag-isa hindi kasi ako sanay ng walang kasama. Feeling ko pag ako lang parang lost in the woods ako. Hmm makipagkaibigan kaya ako? Nice idea sana kaso pagpunta ko nang P.E Department kanina hindi ko naman makilala kong sino yung mga magiging kaklase ko.

Best magpakita kana please. Si Joshua lang kasi yung lagi kong kasama since elementary Grade 4 to be exact. Simula nung tinawag ko siyang bestfriend lagi na kaming magkasama pero napapansin ko lang tuwing nagkakausap kami hindi niya pa binabanggit ang salitang "Best". Ewan ko ba siguro awkward lang sakanya bigkasin yun.

Gusto niyo bang makilala si Best? Wag na ngalang. Haha Baka mainlove kayo. Naks pero sige ipakikilala ko siya sa inyo.

Joshua Nicholas Ferrer Javellana. 17. Matangkad si Best siguro mga nasa 6'1 yung height niya. Mahilig siya sa Basketball at Football. Alam ko lahat nang favorite niya mula sa damit, pagkain, inumin, sapatos lahat na ata pati ideal girl niya. Haha in short kilalang kilala namin ang isat-isa.

He's taking up BS Economics. Gusto niya nga sana same Degree Program kami ang oveeer kasi minsan pati ba naman course dapat pareho. Pero masaya ako na nag Economics siya magagamit niya kasi talaga yun dahil siya naman magmamana ng business nila in the near future.

Panganay si best sa dalawang magkakapatid. Yung bunso nila si Steffi nasa grade school palang malaki nga yung agwat nila. Nasobrahan sa family planning siguro. Haha Yung mama niya si Tita Beth isa siyang designer ng mga damit at yung papa naman niya businessman.

Tungkol naman sa physical aspect ni best, yun nga matangkad, syempre gwapo din, gwapo naman talaga pero wala po akong feelings sakanya friendszone lang po talaga alam niya naman siguro yun kasi nga ni minsan hindi nag attempt na manligaw sakin yun so feeling ko we're meant to be just bestfriends lang talaga. Hindi naman siya masyadong maputi tamang tama lang. Mahilig siya sa black parang always nga nakablack yun eh, tsaka aside from me bestfriend niya din yung snapback niya. Ewan ko ba kung bakit niya tinatakpan ng snapback yung buhok niya ayaw niya sigurong maexpose. Lol

Habang iniisip ko pa ang sasabihin ko tungkol kay best may biglang kumalabit sakin.

Ay Carabao !!! Napasigaw talaga ako. Nagsesenti ako dito tapos bigla bigla nalang may mangangalabit. What the Fish talaga.

"What?" mataray kong singhal sakanya.

"Wag ka ngang mataray. Concern lang ako tsaka uunahan na kita hindi kita type hindi ka naman maganda" Suplado tong lalaking to ah, ako hindi maganda? What the Fish to the second power. Nagjojoke ba siya? Prom.Queen kaya ako, Reyna Elena, Ms.San Lorenzo, Ms.JS nakalimutan ko na nga yung ibang title na napanalunan ko. Hindi naman sa ipinagsisigawan ko na maganda ako pero What the Fish to the third power talaga kainis.

"Concern? Bakit? Tsaka hindi rin kita type nuh wag ka nga" Kalma Audrey Kalma. Woooh!

"Go to the CR and change your pair of jeans or should I say your underwear? and anyways your welcome" Tatawa tawa pa siya kainis lang ha. Tsaka anu ba pinagsasabi niya?

Nacurious ako sa sinabi ng ugok na lalaking yun at dahil dun dali dali naman akong naglakad papuntang CR. Wala naman masyadong tao kasi lunch time na. Pumasok ako sa isang cubicle at tinignan kong ano ba yung sinasabi ng lalaking ugok na yun.

What the Fish to the 4th power. Kaya pala medyo masakit yung puson ko kanina. Ito naba ang tinatawag nilang simula ng aking pagdadalaga? Pinakalma ko muna ang sarili ko at nag isip kong anung mabuting gawin. Wala akong napkin, hindi ko naman kasi alam na ngayon siya darating, wala rin akong extra shorts. Bahala na, hinubad ko ang aking cardigan at itinali sa aking bewang medyo ok na to at hindi masyadong obvious pero parang awkward kasi naka sleeveless lang ako bahala na talaga ngayon lang naman to.

Inayos ko ang aking sarili at lumabas na nang CR. Sana makita ko si Joshua pero bigo ako kaya umuwi nalang akong mag-isa babalik nalang ako mamayang hapon para sa orientation.

Sino kaya yung taong ugok na yun? Magpapasalamat ba ako? Pwede rin kasi naman tinulungan niya ako. Pwede ring hindi kasi sinabi niya na hindi ako maganda. Hindi talaga katanggap tanggap yun. Ito na nga ba ang sinasabi ko na malas. Yung kwintas na yun dapat makita ko na.

At si Joshua siguraduhin lang niya na katanggap tanggap ang paliwanag niya. Kukutusan ko talaga yun. Sana lang mamayang hapon hindi na ako malasin. Pls po madam bertud plsss.

xoxo
- amaziingdrey -

Follow me on I.G @amaziingdrey

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon