Chapter 4 ~ Three Heads

26 1 0
                                    

Joshua's POV

Naghiwalay kami ni Audrey ng makapasok na kami sa Roxas Bldg. Tinawag ko naman siya na dito ako sa kaliwa kasi andito yung sa BS Economics pero hindi niya ata narinig hinayaan ko nalang magkikita naman kami siguro sa labas.

Nagsumiksik ako sa pila para mahanap ko agad yung section ko bahala na hindi uso pagentlemen gentlemen ngayon. Nang makalimang page na ng bond paper ay nakita ko na sa wakas ang pangalan ko. Aalis na sana ako para hanapin si Audrey pero my lalaking nagsalita sa likod ko at tinapik ako.

"Brad BS Economics freshmen ka?" Sabi nung lalaking kasingtangkad ko pero nasa higher years na siguro to kasi meron siyang tshirt na nakasulat ESC (Economics Student Council)

"Uo brad" Naki brad nadin para feeling close agad.

"Fill upan mo muna tong form tsaka punta ka sa Econ. Dept. ipasa mo lang sa assistant na nasa Deans Office need na kasi to para sa mga mag iincoming first year" Tumango lang ako sakanya at kinuha yung form at agad na finil upan lahat ng blangko syempre binasa ko rin hirap na magkamali. Bibilisan ko nalang maglulunch break na kasi dapat magkasama kami ni Audrey.

"Ahh thanks brad btw Joshua nga pala" Inilahad ko sakanya ang kamay ko pagkatapos kong mafill upan yung form.

"Carlo brad. Sige pasa mo na yan sa office" Hindi na ako sumagot pa dahil nagmamadali din naman ako baka nagtatampo na si Audrey wala pa naman akong load. Mahirap pagsinusumpong ng tampo yun she's just a blurr message hindi mo talaga mabasa kung anu ang nasa isip niya.

Ok na naipasa ko na isa nalang yung gagawin ko hanapin ang mahal na prinsesa. Hahaha pinuntahan ko siya dun sa Bldg na una naming pinasukan kanina pero wala siya. Saan na kaya yon? Tss puntahan ko nalang sa P.E Department baka may ipinasa rin siya. Audrey took Bachelor of Science in Physical Education major in Movements. Bagay naman sakanya kasi dancer siya simula nung nasa elementary pa kami at dahil sa talent niya marami na siyang napuntahan na lugar at scholar rin siya magaling talaga si Audrey kaya nga maraming nagkakagusto sakanya pero hindi pa yan nagkakaboyfriend. Bakit ko alam? Lahat kaya sinasabi non wala siyang tinatago sakin.

Wala namang tao dito siguro naglulunch na sila. Hinanap ko siya sa lahat ng parte ng department nila pero walang Audrey na nagpakita. Hay Nagugutom narin pala ako pero baka gutom narin si Audrey maglakad lakad nalang muna ako baka makita ko siya.

30 minutes na akong palakad lakad pero hindi ko mahanap si Audrey baka naman umuwi na siya. Uuwi nalang muna ako susunduin ko nalang siya mamayang hapon para sa orientation. Sana lang hindi nagtatampo sakin yun mahirap pa namang makipag bati sakanya.

Nagpasundo ako sa driver namin para mabilis akong makarating ng bahay tsaka ang init, hindi dapat naeexpose sa matinding init ang gwapo kong mukha. Haha sabihin na nilang mayabang ako e totoo naman na gwapo ako nasa dugo na ng mga Javellana yun. Yohoho!

------------------------

Carlo's POV

Hey kaw muna magremind sa mga freshmen na nakapila about dun sa form na kailangan nilang ipasa sa deans office kasi pinapatawag ako sa OSA (Office of Student Affairs) sabi ko sa kasamahan ko sa student council.

Tumango lang siya kaya umalis na ako. Naglalakad ako papuntang OSA ng mapansin ko ang babaeng nasa harapan ko nakatalikod siya sakin. Hindi yung katawan niya o yung buhok niya o yung legs niya o kung ano man yang iniisip nyo ang napansin ko. Haha kinalabit ko siya.

"What?" Aba mataray at masungit tong babaeng to ah. Siya na nga tong tutulungan ko.

Tignan natin at makikita mo. "Wag ka ngang mataray concern lang ako tsaka uunahan na kita hindi kita type hindi ka naman maganda" Nakita ko yung pag iba ng mukha niya mukhang galit na ewan. Haha sinabi ko lang naman yun kasi tinarayan ako hindi niya ba ako kilala? Siguro nga hindi dahil kong kilala niya ako hindi magtataray yun baka magmakaawa pa nga na ibigay ko yung number ko. Hindi naman sa mayabang pero ganun talaga ang buhay sikat ako dito sa UP at maraming naghahabol. Kainis ba kung sakin mismo nanggaling? Sorry naman pero yun ang totoo. Haha

"Concern? Bakit? tsaka hindi rin kita type nuh wag ka nga" Kitams, wala palang alam to eh. Meron pala ang pagiging mataray yun ang alam niya.

Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa walang kwenta kausap tong babaeng to at tsaka baka hinahanap na ako sa OSA. Kahit na medyo mayabang ako may lambot din naman ako sa puso ko kaya tutulungan ko nalang to.

"Go to the CR and change your jeans or should I say your underwear? and anyways your welcome" Natatawa talaga ako hindi dun sa sinabi ko kundi sa mukha ng babaeng kaharap ko kanina lang matatay, tapos galit ngayon naman tulala.

Hindi ko na hinintay na magthank you siya obvious naman na hindi magtathank you yun kaya inunahan ko na. Grabe hindi ba niya alam na natagusan na siya? masyadong inosenti. Siguro freshmen palang yun. Tsk

Naglakad ulit ako papuntang OSA. Hindi mawala sa utak ko yung expression ng mukha niya. Natatawa parin ako. Naoffend kaya yun nung sinabi ko na hindi siya maganda? Paki ko ba hindi ko naman siya kilala at ang taray niya ha. Joke ko lang naman yun yung totoo maganda siya marami namang magaganda dito pero parang iba yung sakanya parang ang transparent ng mga mata niya. Napaka inosenti pero bagay naman sa kanya, matangkad siya siguro nasa 5'7, maputi at medyo wavy yung buhok hindi siya nakangiti kanina pero kita ko yung malalim na dimples niya. Kakaiba din yung kamandag ng babaeng yun bakit ko ba siya iniisip eh hindi ko nga siya type. Haha gusto ko siyang makilala dun sure ako. See you ulit Miss.M&M (Mataray & Masungit). Kapag nagkita tayo ulit sana lang wala kanang tagos. Lol tsaka hihingin ko na number mo Im sure naman na ibibigay mo sa gwapo kong to? Haha

AN
Thank You po sa lahat ng nagbabasa first story ko po to suportahan niyo po ako. Yohoho Anu kaya ang susunod na mangyayari? Magtatampo ba si Audrey ky Joshua? Makakasalubong ba ulit ni Carlo si Audrey? at pag nangyari yun hihingin niya ba talaga number ni Audrey? Lastly, ibibigay din ba ni Audrey yung number niya ky Carlo? ABANGAN.

xoxo
- amaziingdrey -

Follow me on I.G @amaziingdrey

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon