Goodmorning Pilipinas!
Let's face this day with possitivity :)#GM
#Gettingready4school(sent to Kai, Melo, Best_Joshua)
Nakakatawa magGM na sa tatlong tao lang nakasend yung message mo. Eh sa ganon talaga mga sampu lang naman siguro yung laman ng contacts ko, number ni Mama, roaming number ni Papa, number ni Kuya Mark at Kuya Marcus, yung sa tatlong friends ko at yung iba sa mga pinsan ko. Eto pa matinde nagGM ka ngunit walang reply. Wow! Saklap!!
After kong ihanda ang isusuot ko ay agad na akong naligo. Wala si Mama ngayon nag iwan lang siya ng note sa ref yung dalawang Kuya ko naman as usual mahimbing pang natutulog yung feeling na nasa iisang bobong lang kayo pero minsan lang kayo nagkikita-kita. hay naku!! Lumabas na ako ng kwarto para magbreakfast. Total malamig ang panahon ngayon naka Anchor pullover ako, faded skinny jeans at gladiator sandals. Mas simple mas ok konting pulbos lang at lip gloss feeling ko maganda na ako. Eh maganda naman na talaga ako. Opps yabang!!
Ang ganda ng ambiance pagdating ko ng school para bang goodvibes lang ang gaan sa pakiramdam kapagka ganito palagi. After magpark ni Joshua ay pareho na kaming pumunta sa kanya kanya naming building sabi niya hindi daw niya ako mahahatid mamaya kasi may try outs sila sa basketball sa College niya. Alam ko naman na makakapasok siya, magaling kaya yang bestfriend ko.
Nag ha hum pa ako habang umaakyat sa hagdan papuntang classroom. Pagdating ko binati ko yung mga classmates ko na nakalimutan ko na kung anu yung mga pangalan nila, si Joanna lang ata at yung seatmate kong absent yung natatandaan ko.
"Audrey samahan mo ko, CR tayo sira kasi yung lock ng cubicle eh".
"Yeah sure Joanna, wait lang". Inayos ko yung bag ko at inilagay sa upuan ko bago tumayo upang samahan si Joanna. Were just talking some random things hanggang sa makabalik kami sa classroom.
"WHAT THE FiSH". Kinabahan ako bigla ng makita ko kung sino yung lalaking nakaupo sa tabi ng upuan ko.
"Bakit siya nandito"
"Anong ginagawa niya dito"
"What the fish"
Napansin ata ni Joanna na parang hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya tinanong niya kung my problema ba sabi ko nalang na ok lang ako.
Padabog akong pumunta sa upuan ko at ng magtama ang aming mga mata ay sabay kaming nagsalita ...
"IKAW NA NAMAN?"
Napasigaw kaming dalawa kaya nakuha namin ang atensyon ng mga kaklase kong nasa loob ng classroom. Ang bait kong tao bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Sa lahat ba naman ng magiging kaklase ko siya pa? and worst seatmate ko pa talaga.
"What's your name btw?" Wow ha after niya akong sigawan may gana pa siyang magtanong kung anong pangalan ko. Duh! Manigas siya!
Hindi ko siya sinagot umayos nalang ako ng upo dahil nakita kong paparating na si Prof Labrador.
"Tss siya na nga tong my atraso siya pa ang may ganang magtaray. Mga babae nga naman". Yung totoo bakla ba tong katabi ko? Ang daldal eh.
"Nagsorry naman na ko ah tsaka magkano ba yung iniinom mo?" Hindi parin ako tumitingin sa kanya nakakairita kaya yung itsura niya. Babayaran ko nalang yung precious cokefloat niya para matapos na to. Ang aga aga nabibwisit ako.
I heard him chuckled. Kita ko from my pheripheral vision na tinitingnan niya ako pero ako hindi makatanginin sa kanya. Oh WTFish!
"Im not asking you to pay for it". Anong dinadrama nito ayaw niya naman pala na bayaran ko edi sana tumahimik nalang siya. Hindi na ako sumagot para tumahimik na siya at baka mahuli pa kami ni Prof na nag-uusap ayokong ma detention.
BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Teen FictionMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -