Chapter 5 ~ Freshmen Orientation

20 1 0
                                    

Mamaaaaa! Bakit walang sumasagot bukas naman yung gate pagpasok ko ah. Siguro nasa kusina si Mama amoy ko na kasi yung niluluto niya siguro adobo parang adobo yung amoy eh.

"Ma andito na po ako"

"Oh anak akala ko ba sa school kayo maglulunch ni Joshua? at bakit naging ganyan yung damit mo? Jeprox masyado Nak ah" Haha Jeprox daw? Parang naging jejemon naman yata yung nanay ko. Kaloka talaga.

"Ma ah eh kasi po yung ano .... tss meron na po ako ma ngayon lang" Nahihiya ako pero mama ko naman to tsaka dapat siya naman talaga ang unang makaalam ng mga ganitong bagay diba?

"Merong ano Nak? Naku wag mo sabihing meron kanang boyfriend? Hindi kapa nga nadadatnan ng buwanang dalaw magkakaboyfriend kana? Anak naman." Yung totoo bakit ba ganito ka OA at slow ang Mama ko? What the fish buti nalang kagandahan niya lang ang namana ko. Haha

"Ano kaba ma wala po akong boyfriend walang lalaking makakapasa sa standards ko. Ang sinasabi ko lang po dumating na yung menstruation ko. Natagusan nga po ako ma kaya tinakpan ko nalang ng damit ko nakakahiya naman kasi pag may makakakita"

"Naku anak Im so happy dalaga na ang bunso ko" Tuwang tuwa siya na nagkamenstruation na ako? Baliw siguro tong mama ko.

"Cge ma magbibihis lang po ako" Marami pa siyang sinasabi pero tinalikuran ko na siya. Medyo bastos ako eh pero love na love ko yang nanay ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Hinanap ko yung kwintas na siyang dahilan kong bakit ako minalas kanina. Siguro mga 15minutes din yung paghahanap ko bago ko nakita. Salamat talaga Madam Bertud. Haha Naligo muna ako at nagbihis magpapaload nalang ako mamaya para matext ko si Joshua. Ay hindi nga pala kami bati si Kai na nga lang yung itetext ko sabay nalang kami mamaya kasi sa UP din naman siya mag-aaral.

Mga bandang 12:45 ng umalis ako ng bahay 1pm yung orientation wala namang attendance ok lang naman siguro malate ako. Sana lang hindi ko makasalubong yung tarantadong lalaki na tinawag akong pangit. Hindi niya naman direktang sinabi na pangit ako pero ganun na din yun sabi niya kasi hindi daw ako maganda. Duh? Kabanas yung pagmumukha niya. Grrrrr I hate him.

"Audrey" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sakin. Andito kasi ako sa labas ng subdivision namin dito kami magkikita ni Kai.

"Kai" Tumakbo ako palapit sa kanya. "I miss you" niyakap ko siya ng mahigpit ngayon lang kasi kami ulit nagkita buong bakasyon kasi doon siya sa Daddy niya sa London. Classmate ko si Kai simula first year hanggang third year close friend ko rin siya kasi halos magkasundo kami sa lahat ng bagay. Nickname niya lang po yung Kai actually nanggaling yun sa initials niya Kashmir Anika Ide kasi yung name niya kaya Kai yung tawag namin sa kanya mas kilala nga siya sa ganyang pangalan.

"I miss you too Audrey. Im glad to see you again. Finally magkakasama na ulit tayo sa UP" Ang ganda parin talaga ni Kai bagay sa kanya yung bago niyang look. Yung mahaba niyang buhok dati naging short na at tsaka may color na. Mas naging sexy pa siya ngayon. May boyfriend na kaya to? Dati kasi parang MU sila ni best akala ko nga magiging sila na. Hmmm hindi po ako magseselos kung magkaroon man ng girlfriend yang bestfriend ko. Bestfriends Zone lang po talaga. Promise :)

"Uo nga eh, si Melo ba nagtext sayo? Hindi kasi nagrereply eh pero sure ako sa UP din siya nakita ko kasi sa FB status niya"

"Uo sabi niya kita nalang tayo sa orientation. Si Joshua nga pala bakit hindi mo kasama? Miss ko na siya Audrey, namiss ko yung makulit na bestfriend mo" I smell something fishy talaga. Haha If im not mistaken hindi parin talaga nakakamove on si Kai sa bestfriend ko. Move on ba talaga yung correct term eh hindi nga naging sila. Hay ewan.

"Ah eh nauna na siya. Tara na Kai malalate na tayo" Hinila ko na siya papuntang sakayan ng Jeep. Ayoko pag usapan si Joshua hindi kami bati manigas siya hindi ko siya papansinin.

--------------------

Joshua's POV

Dadaanan ko nalang si Audrey total dala ko naman yung sasakyan ko. Galit kaya sa akin yun? Siguro nga galit kasi hindi nagrereply eh kanina ko pa nga tinetext. Hindi pa naman nakukuha sa sorry yun. Bahala na.

ding .. dong .. ding .. dong ..

"Hi po tita Yolly si Audrey po?" Buti nalang naabutan ko si tita Yolly madalas kasi pag pumupunta ako dito lagi siyang wala busy siguro sa negosyo.

"Oh Joshua ikaw pala. Nakaalis na si Audrey eh sasabay daw siya kay Anika".

"Ah sige po tita salamat po hahanapin ko nalang po siya sa school".

"Cge Joshua ingat ka" Tumango nalang ako saka nagdrive na papuntang school. So, Kai is back? at sa UP din siya? Wow, may kukulitin na naman ako nito. Total hindi nagrereply si Audrey at wala naman ata siyang balak na sagutin ang mga tawag ko si Kai nalang ang tatanungin ko. Ang lawak pa naman ng Auditorium baka hindi ko sila makita mamaya. Itetext ko nalang si Kai.

("Kai kasama mo ba si Audrey? Nasa Auditorium na ba kayo? Anung row kayo nakaupo")

Sending to Kai_kulit
+6309461825268

(Check Operator Services)
(Message save to drafts)

Tss ngayon pa talaga naubusan ng load kapag minamalas ka nga naman. Bahala na hahanapin ko nalang sila. Kaya mo yan Joshua. Mission hanapin at magsorry sa Mahal na Prinsesa. Yohoho!

--------------------------

Audrey's POV (Part 1)

Nandito na kami ni Kai sa Auditorium kung saan gaganapin ang University Freshmen Orientation. Madami dami na din yung mga tao pero may mga vacant seats pa naman. Si Joshua nga pala naguiguilty na ako kanina pa kasi nagtetext yun baka naman mahirapan yun sa paghahanap samin. Nandito na kaya siya? Magstastart na kasi. Itetext ko na sana siya ng may pamilyar na boses na nagsalita mula sa stage.

"What the Fish to the 5th power. Siya na naman? Madam Bertud naging mabait, masunurin at matapat naman po ako. Bakiiiiiiiiit po?"

------------------

Medyo late po ang UD kahapon pa po sana to kaso may review po ako. Sabay sabay po tayong manalangin na sana makapasa po ako sa LET. Yohohoho!

KAI character/name is dedicated to Lou Margarett, friend ko na sobrang adik ky Kai ng EXO. Maganda po siya Promise kasing ganda ng Kai sa story na to. Hahaha :)

May Special Dedication po para sa mga magcocomment. Ano pa hinihintay nyo magcomment na po kayo Vote na rin po para mabusog naman ako. Haha

Keep reading/supporting Every Girl needs a Boy Bestfriend para masaya tayong mga Pilipino. Yohohoho! (Linya ng MyLoves ko the one and only Epey Herher)

Every Girl needs a Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon