Madaling natapos ang week na to. Gods! Unang week pa lang ng pasukan parang masusuka na ako sa dami ng mga kailangang gawin at ipasa. Assignments dito, projects doon, reports dito, presentation doon, research dito, practical test doon. Whoops not keri! Ganito nga siguro talaga kung sa isang unibersidad na subsidized ng gobyerno ka nag-aaral. Hay! Sa ngalan ng quality education, kakayanin ko to.
Friday na nga pala ngayon. Masyadong magulo pa yung utak ko sa mga nangyari these past few days. Ayun nga, yung tungkol sa away ni Joshua at Kenjie. Mabuti nalang walang professor na nakakita nung araw na yun. Dinagdag pa yung text tungkol sa wallet ko, bakit ba kapag naiisip ko kung sino yung Carlo na nakapulot nun, kinakabahan ako. Hindi ko pa rin pala narereplayan yung Carlo, bukas na nga lang. Geez abnormal nga yata talaga ako. Kay Joshua naman, ok na rin naman kami sabi niya nag-sorry na naman daw siya. Sana lang hindi na maulit pa yung nangyari.
Dahil friday ngayon, walang pasok. Ito rin yung maganda dito kasi free cut tuwing friday, pero lahat naman ata ng activities sa friday nilalagay. Medyo ok na rin atleast hindi mapupuno ng acads yung buong week ko dito, kung hindi mababaliw na siguro ako.
Nandito ako ngayon sa school, hinihintay ko yung unggoy. Ewan ko nga kung paano niya nakuha yung number ko. Hindi naman pwedeng si Joshua yung nagbigay, alam ko naman na nag-sorry lang siya para sa akin. Aba! Marunong din pa lang makipagplastikan ang mga lalaki, dinaig pa kaming mga babae.
Hay! Ang tagal naman ng unggoy na yun may traffic din siguro sa forest hindi man lang ako na inform edi sana hindi ako naghihintay ngayon.
Nakailang game over na ako sa Zombie Tsunami wala pa ring unggoy na nagpapakita. Aba matinde! Feeling ko walang babaeng magtatagal sa kanya. Haleer! Sino ba namang babae ang gustong pinaghihintay siya ng lalaki diba? Hay naku, kung sana naging individual lang yung pamimili ng requirements na to, edi sana tahimik at maaliwalas ang araw ko. Badtrip naman kasi yung Professor Lobrador na yun, masyadong madaling alam. Pamimili ng requirements by pair pa at tsaka dapat daw my documentation na kasama nga namin yung partner namin sa pamimili. Grrrr!
Itetext ko na sana siya kaso wala na pala akong load. Feeling ko naghihirap na talaga ako. Haha
Pinaghintay na nga niya ako alangan naman maglalakad pa ako papuntang canteen para makapagload at matext siya. NO! NO! NO! NO WAY!
Focus na focus ako sa paglalaro ng Zombie Tsunami nung may itim na Everest XYZ ang pumarada sa harap ko. Oh my gods! Baka masasamang tao ito, baka hold up to, o di kaya baka ito yung naririnig ko sa mga balita na tinatangay at kinukuha yung mga lamang loob. Naku po Madam Bertud I don't wanna die a virgin. Gusto ko rin naman po maexperience yung langit na sinasabi nila. Wag po ninyong hayaan na mamatay ako ng napakaaga.
Ang dami ko pang naiisip sa utak ko nung unti-unting bumukas yung bintana sa drivers seat. Inihanda ko na yung sarili ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung bag ko para hindi ko maiwan kapag tatakbo na ako. At yun nga tuluyan nang bumukas yung bintana at napasigaw ako sa nakita ko.
"AYY UNGGOY!!" Fail na naman yung mga naiisip ko. Epekto na siguro ito ng panonood ng movies. Naku naku Audrey!
"Anong sabi mo?" Sabi nung unggoy habang tinatanggal yung aviators niya. Aba! Nag-aaviators na rin pala ang mga unggoy, uso na rin pala ito sa forest. Oh beat that.
"Sigaw na nga yun hindi mo pa narinig? May hearing impairment ka siguro. Pacheck up mo na yan hanggang maaga pa." Haha natatawa ako sa mukha niya. Yung expression niya? Priceless! Hahaha
"Sasakay ka ba o maglalakad ka?" Halatang naiinis na siya. Dapat lang pinaghintay niya kaya ako ng mahigit 30 minutes dito. Hindi ko na siya sinagot, tumakbo na ako palapit sa sasakyan niya at pumasok. Hirap ng maiwan, ayokong maglakad noh.
BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Roman pour AdolescentsMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -