Joshua's POV
Ang aga natapos ng first class ko. Parang walang kwenta, bading kasi yung Professor, puro tungkol sa kalalakihan pinag-uusapan. Hay naku!Total wala naman akong ibang kakilala dito, naglakad nalang ako papuntang second subject. Syempre excited kaklase ko si Audrey eh.
Nagsusulat ako ng draft about sa presentation ng isa sa mga major subjects ko ng mapansin kong papasok na si Audrey sa classroom. Anyare? Parang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon ah, hindi siya yung usual Audrey na nakikita ko.
"Uyy Audrey bakit ganyan yang mukha mo?" Kung hindi ko lang siguro kilala to masasabi kong baliw to. Walang kinakausap pero parang nagmumura nakataas pa yung kilay niya. Pero syempre kahit ganyan yan maganda pa rin yan sa paningin ko. Si Audrey kaya yan. Tss nababading na naman ako.
"Kasi best anu ... ahhh ehh kasi .. hmmm remember mo yung nangyari kahapon sa ButtersGrill?" Aba syempre sinu ba naman ang makakalimot nun, parang magkakaheart attack na nga ako kahapon sa pangangamba kung bakit umiiyak siya. Tss I know hindi na naman maganda to. Tumango lang ako sakanya ayoko magconclude pakikinggan ko nalang muna ang mga sasabihin niya.
"Kasi best anu ... nakita ko siya ... hmmm magkaklase kami." Ay putangina! Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng lugar na magkita sila, dito pa sa school at magkaklase pa talaga sila o nabibingi lang ako? Tss tadhana nagbibiro ka ba? Naiinis ako! Magshift kaya ako sa course ni Audrey? Pwede pa naman kasi kakastart palang ng pasukan.
Nag-iisip ako kung anong irereact ko ng biglang hinawakan ni Audrey ang kamay ko. "Don't worry best ok na ako." Ikaw ok ako hindi, parang gustong-gusto ko ng suntukin yung lalaking yun.
Kung magkaklase sila it means magkaklase rin kami. Aba matindi! Kumalma muna ako. Ayoko na mapansin niya na naiinis ako, makulit to eh baka mamaya hindi pa siya makapagconcentrate sa klase. Hingang malalim Joshua. "Nandito ba siya?" Nagsalita ako ngunit hindi ko tiningnan si Audrey.
It takes few seconds bago siya nagsalita. "Uo. Si Kenjie." Sagot niya sabay turo sa direksyon kung saan nakaupo yung asungot na yun. Mabuti nalang nasa harap siya at nasa likuran ako kung hindi baka di ako makapagpigil masuntok ko na yan dito.
Tumango lang ako sa kanya at nagsimulang makinig sa pangit na Prof na nasa harap ko. Pasensya na po sir nadamay pa kayo, naiinis ako eh. Haha
Ito na ata ang pinakamatagal na 1hour and 30minutes sa buong buhay ko. Pangit na Prof magdismiss kana please. Lintiks ang dami pang binigay na assignment dinaig pa yung major subjects ko.
3 2 1 .... Kriiiiiing! Oh yeah dismisal!
Agad kong hinablot yung bag ko at nagsimula ng tumakbo pababa ng hagdan aabangan ko talaga yung asungot na yun. Makikita niya."Hoy asungot!" Sigaw ko kay Kenjie ng nakita kong magkalapit na kami. Wala naman masyadong tao sa labas ng Quezon Hall at wala din naman siyang kasama.
Humarap siya sa akin at itinuro ang sarili niya. "Ako ba yung tinawag mong asungot pare?" Ay tanga wala namang ibang taong dumaan edi syempre malamang siya nga yung tinawag ko.
Humakbang ako palapit sa kanya. Magkasingtangkad lang din naman pala kami. Nang magkaharap na kami hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinuntok ko siya kaya tumilapon siya sa gilid ng basurahan kaya nakalikha ng ingay at pinalibutan kami ng mga nakakitang estudyante. Wala akong pakialam kung madetention ako o maguidance. Bahala na!
Agad siyang tumayo at tinignan ako ng masama. Humakbang siya palapit sakin ngunit sinuntok ko ulit siya. "This! sa paninigaw mo sa bestfriend ko."
Nanginginig yung buong katawan ko sa galit. Magsasalita pa sana ako kaso lang siya naman yung sumuntok sa akin. "Bestfriend?" Bigkas niya. Aakma na sana ako para suntukin ulit siya pero may humatak sa akin palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Teen FictionMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -