Nagising ako sa pagtawag ni Kuya Marcus sa pangalan ko. Urrrgh! Ang sakit sakit ng ulo ko. Dinaig ko pa yung may hang over eh. Bakit ba ganon na lang yung epekto sa akin ng kung sino man iyong Carlo'ng yun. Buong magdamag akong hindi nakatulog, parang baliw nga ako eh. Nakapikit yung mata ko pero lutang yung isip ko.
"Baby ..." Pagtawag ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko. Inaantok pa talaga ako pero nakaramdam agad ako ng gutom, hindi nga pala ako nakapaghapunan kagabi.
"Pasok ka Kuya hindi nakalock yan." For sure may kailangan na naman sa akin itong manyak kong kapatid.
Nakahiga pa rin ako habang hinihimas himas yung ulo ko dahil masakit talaga siya. Nilingon ko yung orasan ko sa bedside table, 9:30 na pala.
Parang nagseparate yung kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa biglang pagtalon ni Kuya Marcus sa kama ko. Hindi ba naituro sa school nila ang good manners and right conduct? Kita na nga niya na nakahiga pa ako bigla bigla na lang siyang tatalon-talon at seriously? Lintik na Pag-ibig pa yung music na tumutunog galing sa cp niya? Kailan pa nakinig sa mga ganung music itong manyak na to?!
Nang makahiga na siya sa tabi ko, pinagsusuntok ko siya. Kainis eh! "Anu ba Kuya, masakit yung ulo ko tsaka patayin mo nga yang music mo." Hindi man lang natinag itong manyak na to, ngingisi-ngisi lang siya, parang tanga.
"Soundtrip tayo, namiss ko yung baby ko eh." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Mag eend of the world na ba? Bakit ganito yung Kuya ko? Hindi naman nagkakaganito to ah.
"Nagbreak kami."
"Ha?" Nakatingin lang ako sa kanya pero siya nakatingin sa cp niya. Ganun pa rin yung music, lintik na pag-ibig.
"Sabi ko, nagbreak kami." Hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
"Nino?"
"Ni Manang Fe siguro?! Haha Baby naman, malamang nung girlfriend ko." Tinignan niya lang ako saglit tsaka marahang tumawa.
Yung girlfriend niya? Yun yung nakita ko kahapon na kalandian ni unggoy ah. Oh my gods! That malandi girl mabuti nga nagbreak sila.
"Bakit?" Mahinang tanong ko. Hindi ko na lang siguro sasabihin kay Kuya yung tungkol sa nakita ko total break na din naman sila.
"Ewan! Biglang nakipagbreak eh. Siguro nakakita nung mas gwapo." At tumawa na naman siya. Hay naku! Masaya ba siya o malungkot na nagbreak sila? Eemo-emo tapos biglang tatawa. Baliw talaga.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Ok lang yan Kuya nagbreak lang naman kayo hindi ka naman mamatay." Totoo naman diba? Kapag naghiwalay, edi hanap ulit. As simple as that. Wag mong sayangin yung luha mo kakaiyak sa taong nang iwan sayo. Sabi nga ng iba kapag kayo, kayo talaga.
Niyakap ako pabalik ni Kuya Marcus tsaka huwiwalay at tumayo na. "Baby ka pa nga talaga. Labas ka na kain tayo." Pinisil niya muna yung ilong ko bago tumalikod.
"Yes Kuya." Lalabas na rin naman ako gutom na ko eh. Haha
Tinignan ko lang muna si Kuya hanggang sa makalabas siya. Bago niya buksan yung pinto nilingon niya muna ako bago nagsalita.
"Baby .." Nag sign siya na lumapit ako sa kanya kaya agad naman akong tumayo papunta sa kanya.
Hinawakan niya yung mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Huwag ka munang magboboyfriend ha? Ayokong masaktan ka." at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.
That very moment I saw pain shot through my brothers eyes. Pakiramdam ko hindi siya yung Kuya Marcus na kilala ko. Hindi naman kasi nag oopen up sa akin yun at tsaka dati naman pag nagbebreak sila ng girlfriend niya hindi naman siya nag-eemote, kinabukasan nga meron na naman siyang bago, pero ngayon iba eh, nasasaktan pala talaga siya. Nasasaktan siya pero wala akong naitulong para mapagaan ang loob niya. Makapangyarihan nga siguro ang pag-ibig dahil kaya nitong baguhin ang tao. Dalawa lang naman yan eh, either maging positive or negative ang epekto nito sayo. Hay naku pag-ibig.

BINABASA MO ANG
Every Girl needs a Boy Bestfriend
Teen FictionMasarap magkaroon ng Bestfriend. May taong poprotekta sayo, may taong magpapasaya sayo, may taong handang makinig sa lahat ng problema mo, pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan? - amaziingdrey -