MANGIYAK NGIYAK na tumakbo si Mirela palayo ngunit agad siya nakabig ni Isaiah na nanginginig at umiiyak din.
"Hindi ko alam na ikaw iyon. Pero kahit ikaw iyon hindi magbabago na mahal kita. Mahal na mahal kita Mirela."
Mahapdi at mata niyang kumalas.
"Alam ko na sa umpisa pa lang na mali ito, Isaiah. Pero pinili ko kahit mali kasi mahal kita pero hindi pwede dahil hindi tama. Maraming dahilan para hindi natin dapat ituloy ang anumang namamagitan sa atin."
Parang piniga ng barb wire ang puso niya sa sinabi niya na nagpahikbi pa lalo kay Isaiah. Sumasakit pa lalo ang kalooban niya sa pananakit niya dito.
Hanggang sa lumuhod na ito at niyakap siya.
"Mahal na mahal kita, Mirela gagawin ko ang lahat huwag mo lang ako iwan." He cried desperately. Pero kahit masakit tiniisin niya iyon.
"Please don't make it hard for me!" Marahas siyang kumalas. Hinabol siya uli nito at nakita niyang may inilabas ito baril at itinutok sa sentido nito.
Ikinagimbal niya iyon.
"Isaiah huwag!"
"Kapag hiniwalayan mo ako, sasabog ang ulo ko sa harapan mo!"
She was shocked and everything went blank. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa dumami na ang mga tao napaatras si Isaiah. Lalong nanginig at umiiyak.
"Isaiah please huwag... "
"Babalik ka sa akin o makikita ng lahat kung paano ako mamatay."
Ano ang gagawin niya? Hindi madali ang hinihingi ni Isaiah.