HABANG umiinom ng Juice si Isaiah ay nag-usap muna sina Mirela at Tita Vangie.
"Babae sana gusto ko umupa. Pero nahihiya naman ako tanggihan."ani Tita Vangie.
"Mukha na namang matino. At saka mukhang pagod na rin. Parang hihiga na nga sa sofa. Gusto nang magpahinga."
"Sige, subukan ko siya kahit dalawang buwan. Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya Mirela."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ewan parang nakita ko na siya. Medyo hawig siya sa Tatay ko nung kabataan niya. Sayang wala na akong picture ni Tatay."
Pagak siyang natawa.
"Tatay niyo talaga. Well sige na ayusin niyo na ang usapan niyo. Antok na antok na yata."
Lumapit na sila kay Isaiah at biglang napatayo ito.
"Salamat sa Juice. Sarap ng lasa. Kung titira ako dito sana makalibre uli."
Natawa sila.
"Fresh orange juice iyan Hijo. Gawa at piga mismo ni Mirela. Malapit na namin ibenta sa madla."
"Ay ganon ba. Sige po, isa na po ako sa mga costumer niyo."
May iba rin siyang nakita at naramdaman kay Isaiah. Ang paraan ng pagngiti nito ay may katulad.
Si Leonard.
At bakit si Leonard pa ang naalala niya sa kung paano ito magsalita at ngumiti.
"5000 monthly ang upa. Di pa kasama ang kuryente at tubig. Pag usapan na lang natin iyon kapag nakapag bill na ikaw ng isang buwan. Gaya ng gawi, one month deposit one month advance."
"May wifi po dito ano?"
"Oo pero di ko na magamit. Gusto mo ikaw na magtuloy."
"Sige po."
"Sige, mukhang pagod ka na at gusto mo na magpahinga."
Binigay na nito ang mga susi.
"Susi ng gate iyan at kuwarto. Tayo lang ang mayroon niyan. Welcome sa aking bahay. Basta ayoko ng maingay at magbayad sa takdang oras."
"Yes po. Pwede ko ba kayong tawaging Lola."
Nagkatinginan sila ni Tita Vangie.
"Okay. 75 na ako at Madami nang uban. Lola Vangie na lang. Sa hitsura mo papasa ka nang apo ko. Sige na, puntahan mo na lang ako sa Bahay nila Mirela kapag may problema at concern ka."
Iniwan na nila ito. At tumungo na pabalik sa puwesto nila.
"Magalang at mabait na bata. Mukhang nakakasundo ko siya."
Hindi na lang niya sinabi na hawig ni Isaiah sa ngiti at boses si Leonard. Baka mag trigger uli ang sakit ng dulot ng pagkamatay ni Leonard. Kapag si Leonard ang topic nila ay grabe ang emosyon ni Tita Vangie. Hindi na ito maawat sa pag-iyak. Talagang matindi ang sakit na dulot ng pagkawala ni Leonard.
"Tara na po, baka may mga customer na." Yaya niya kay Tita Vangie pabalik ng Eatery.Alas tres ng madaling araw. Maaga namamalengke si Mirela kasama ang kanyang mama. Sakay ng taxi ay binaba nila ang kanilang mga biniling mga Karne at gulay. Nagulat siya nang buksan niya ang compartment ay may lalakeng tumulong sa kanya na ilabas ang mabibigat niyang paninda.
Si Isaiah.
"Isaiah?"
Ngumiti lang ito matapos ilapag sa harap ng bahay nila ang mga pinamili.
"Anak, sino siya?" Tanong ng kanyang mama.
"Isaiah po, nangungupahan po dito kay Lola Vangie." Magalang na pakilala ni Isaiah.
"Ay que guapong lalake. Artista ka ba?"
Napahangang reaksyon ng kanyang mama.
"Hindi po. Ah, naghahanap pa lang ng trabaho."
"Bakit gising ka pa?" Nagtakang tanong niya.
"Nagising lang po at naghahanap ng makakainan."
"Mamaya pa alas singko ang bukas namin pero sumalo ka muna sa amin mag almusal. Tutal tinulungan mo kami buhatin ang mga pinamili namin." Alok ng mama niya.
"Nakakahiya na naman po." Napakamot ulo na reaksyon ni Isaiah.
"Sige na sumabay ka na sa amin mag-almusal."
Tumulong pa si Isaiah na buhatin ang mga pinamili nila at dinala sa loob ng kanilang bahay. Particular sa kusina. Agad siyang nag suot ng apron at dinala si Isaiah sa hapag.
"Ang ganda ng katawan mo. Ang kinis ng Balat. Bakit hindi ka mag artista?"
Sa halip na sagutin iyon ni Isaiah ay napasinghot ito nang maamoy ang bawang na ginisa na niya kasama ng carrots at grain corn.
"Anong niluluto mo?" Interesadong tanong ni Isaiah na namalayan niyang nasa likod niya.
"Ah, Sinangag."
"Sinagag?"
Natawa siya sa pagkabulol nito. Ang cute naman nito mabulol.
"Si-na-ngag." Dahan dahan niyang sabi
"Si-na-ngang."
Sabay na silang natawa.
"Tulungan mo na lang ako ibuhos ang kaldero na may kanin dito sa tulyase."
Natawang napakamot ulo si Isaiah at sinunod siya. Matapos niyon ay nagprito siya ng itlog at tapa sa kabilang kalan. Nang isasangag niya ang kanin gamit ang dalawang siyanse sa magkabilang kamay ay namangha ito."
"It looks like you juggle the rice. Amazing!"
Natuwa siya dahil ngayon lang yata may na-amaze sa pagsasangag niya.
"Can I try?"request nito.
"Sige."
Binigay niya ang siyanse dito at nagulat siya dahil agad na natuto ito at ang lakas ng braso at kamay nito
"Iba talaga kapag lalake ang nagsasangang mas mapuwersa." Natuwa niyang sabi at agad na inahon na sa kawali ang pinirito na tapa at itlog.
Nang matapos na ang pagsangag ay kumain na silang dalawa.
"Mauna na kayo kumain at naghihiwa pa ako ng pang sopas at pancit." Paalam ng Mama niya.
"Enjoy mo ang Tapsilog namin. Iyan ang best seller dito sa Eatery."
"Tapsilog?" Curious na tanong ni Isaiah.
"Tapa, Sinangag Itlog. Make them short. Tapsilog."
"Ah, I get it."
"Huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakakain ng Tapsilog?"
"Actually oo. Wala Kasing ganito sa amin."
"Bakit saang probinsya ka ba?"
"Probinsya? You mean country?"
"Probinsya is province. country is bansa . Fil-am ka ba? May lahi?"
"Kain muna ako gutom na ako mamaya na ang sagot."
Natawa siya at kumain na sila. Ang serious routine niya tuwing umaga ay biglang naging light dahil sa hindi inaasahang presensya ni Isaiah.BUKAS na ang Eatery at dinumog agad sila Mirela ng mga suki nila sa mga Almusal meal nila.
At nakita na lang nila na kasama na si Isaiah sa pagseserbisyo sa mga costumer. Napansin niya na marunong nito magligpit ng kinain ng mga costumer at mag order take. Pati sa crowd control. Napansin din niya ang dami ang kinikilig at tumitingin kay Isaiah.
"Ang guwapo guwapo naman ng serbedor mo, Dina. Sino siya?" Natuwang sabi ni Aling Thilda.
"Si Isaiah nangungupahan diyan kina Mareng Vangie ."
Humahangos na dumating si Tita Vangie na agad niyang sinalubong.
"Pasensya na napasarap tulog ko."
Nagulat ito dahil ang tenant niya ay tumutulong sa kanila na nag order take.
"Ano'ng ginagawa niyan dito?"
"Mamaya na ang Q and A Tita. Tulungan niyo na lang ako kunin ang isa pang kaldero ng sinangag at tapa. Daming kumain at nag take out. Dahil siguro kay Isaiah."MATAPOS humupa ang mga hindi magkaumayaw na tao na kumain ng Almusal sa Eatery ay natuwa si Mirela na bigyan ng sweldo si Isaiah na agad na tinanggihan nito.
"Hindi na. Tulong ko iyon. Hindi ako nagpapabayad."
"Sige na, hindi biro ang tulong mo. Kung hindi dahil sa iyo hindi namin maseserve lahat ng mga luto kong almusal." Pilit niya.
"Sige na Hijo, tanggapin mo na. Infairness ngayon lang kami dinagsa nang ganoon at salamat sa iyo." Pasasalamat ng Mama niya.
"Tanggapin mo na Hijo. Deserve mo yan." Si Tita Vangie na ang kumuha ng pera kay Mirela at nilagay sa palad ni Isaiah."
"Okay sige. Talo ng tatlo ang isa." Napilitan na tanggapin ni Isaiah ang pera.
"Hijo may tanong lang ako." Lumapit si Tita Vangie.
"Ano po iyon?"
"Sa iyo ba ito?"
Pinakita ni Tita Vangie ang isang school ID.
Agad na kinuha iyon ni Isaiah.
"Nakita ko iyan sa sofa. Mukhang nahulog mo kahapon. Di ko nasoli agad dahil sarado ang kuwarto at mukhang tulog ka na."
"Thanks."
Pansin niya na biglang nabalisa si Isaiah at agad na binulsa ang ID.
"Pasok na po ako. Salamat sa oras at sa pera."
Dali dali itong tumungo papasok sa gate.
"Bakit umalis agad iyon?" Takang tanong niya.
"Kaparehas namin siya ng Apeliyido. Ang buong pangalan niya ay Juan Isaias Mendoza. Hindi kaya kamag anak namin siya.
"Mendoza? Madaming Mendoza sa buong mundo." Sabat ni Mama Dina.
"Sabagay, maraming magkaka Apeliyido pero di magkamag-anak. "
"Ma, idlip muna ako pakigising na lang ako kapag mag luluto na ng pananghalian." Paalam niya. Sa second floor ng kuwarto niya. Sa pagpasok niya ay nakita sa bintana ng kabilang bahay si Isaiah.
Nagkatinginan sila at napangiti ito sa kanya bago isara ang bintana.
Saka lang siya napangiti na ngayon niya lang uli nagawa.
Ganoon sa kanya noon si Leonard. Sa bintanang iyon gumagaan ang mundo niya dahil pampagana ng buong araw na makita si Leonard. At ngayon ay may isang tao uli sa kanya na magpangiti at magkaroon ng gana ang buo niyang araw.