Chapter 1

11 1 0
                                    

"Excited naman. Daming hinanda!"
Napangiti si Mirela nang dumating sa bahay nila si Bela. Ang matalik niyang kaibigan at kababata.
"Lahat ito favorite ni Leonard. Gusto ko na makain niya ito dahil hindi niya nakain ang mga ito sa Spain." Sabi niya habang hinahain ang mga niluto niyang Kare kareng baka. Lechon kawali at sinigang na hipon.
Anim na taon na niyang nobyo si Leonard. Isang Mechanical Engineer sa Spain. Bata pa lang ay crush na niya ito. Sa katapat na bahay nila ito nakatira at magkaibigan ang kanilang pamilya. Hanga lalo siya dito dahil lakas loob itong mangibang bansa para itaguyod ang pamilya nito. Kinailangan kasi na mapagamot noon ang kapatid nitong inooperahan sa puso na ngayon ay maayos na. Niligawan siya nito noong 20 years old na at patapos na sa kursong business management.kahit na 12 years ang pagitan nila ay hindi kumupas ang kaguwapuhan ni Leonard.
Noong nagbakasyon ito at lagi na itong nasa eatery nila at naglakas loob na ligawan siya. Tuwang tuwa siya dahil matagal na niyang gusto si Leonard. At mga ilang linggo at sinagot niya ito. Pero matapos ang 2 linggo ay naipasya nitong bumalik uli ng Spain.
"Babalik ako....at sa pagbalik ko papakasalan kita."
Iyon ang pangako ni Leonard sa kanya. At umabot nga ng sampung taon ang LDR relationship nila.
"Bilib na ako talaga sa iyo,mare. 10 years na kayo si Leonard. Excited na rin ako at mukhang tutuluyan ka na niya."
"Sana na, Bela. Naiinip na rin si Mama. Gusto na magkaapo."
"Handa ka na ba sa bakbakan."
"Anong bakbakan?"
"Ano ka ba? First boyfriend mo si Leonard at alam natin na virgin ka pa. Kung hindi ka pa siguro niligawan ni Leonard baka naging madre ka."
"Hay naku ang halay mo. Darating kami sa bakbakan na iyan at sa amin na lang iyon. At alam ko na tutuparin niya ang Pangako niya. Ang makasal kami at huwag kang mawawala dahil ikaw ang maid of honor ko."
"Talagang hindi."
Dumating na ang Mama Dina niya at nagmano siya.
"Ano bang oras darating si Leonard?"
"Sabi niya ngayon tanghali. Tulungan niyo na po ako at dahil na natin doon sa kanila."
"Sige mauna ka na at magbabanyo lang ako." Nauna na nga siya na dalhin ang Kare kare. Doon sa bahay ni Leonard dadalhin ang mga niluto niya dahil doon nila ise-celebrate ang bienvenido party. Tatawid lang siya sa harap at naroon na siya sa bahay nila Leonard.
"Tita Vangie." Pumasok na siya sa bukas na gate at nadaan pa siya sa garahe. Pumasok na siya sa pintuan at natigilan siya dahil may kausap sa phone si Tita Vangie, ang mama ni Leonard.
"Hanggang kailan mo ililihim kay Mirela ang lahat. Uuwi ka rito na may kompromiso ka. Sabay kahit kami pinaglihiman mo na may pamilya ka diyan."
Napatda siya sa narinig. Malinaw ang narinig niya na tila may ahas na tumuklaw sa kanya at nanigas siya.
"Hinintay ka ni Mirela ng sampung taon. Akala niya binata ka. Inilagay ka niya sa pedestal. Ngayon nangako kang uuwi tapos hindi na dahil naglayas ang anak mo."
Tila piniga ang puso niya at nanginig ang laman niya. Dama niya ang unti unting pagtakas ng lakas niya sa narinig.
May anak si Leonard!
"Ikaw magsabi kay Mirela. Pati kami ilalagay mo kami sa alanganin. Tandaan mo ito hindi ko matatanggap ang kinakasama mo ngayon lalo na ang bastardo mo!"
Hindi na niya kinaya kaya nabitawan niya ang kalderong may kare kare at napatulala habang umiiyak na parang ulan.
Nagulat ang ina ni Leonard hindi dahil sa nahulog na kaldero kundi sa presenya niya.
"Mirela?!"
Nagmadali siyang tumakbo palabas pero na abutan siya ni Tita Vangie.
"Hija, magpapaliwanag ako..."
"Tita, ano iyong narinig ko sige magpaliwanag kayo!"
Dumating din doon ang Mama niya at si Bela dala ang mga niluto niya.
"Anong nangyayari?"nagtakang tanong ng Mama niya.
"Now, tita. Anong ipapaliwanag mo?"
"I am sorry Mirela.... sorry!"
Impit ang iyak niya niya. Gusto niyang sumabog.
"Ano'ng nangyayari anak? Mare?" Inis na nailapag na ng mama niya ang dala nito ganoon din si Bela.
"Hindi matutuloy sa pag uwi si Leonard. Naglayas ang anak niya....."
Nagulantang na nagkatinginan sina Bela at Mama niya.
"Kelan nyo pa ito alam tita?" Pinilit niyang kumalma para malaman pa ang buong katotohanan.
"Three years ago. Nagkausap kami at ang batang iyon ang nakasagot. He called me Lola. Then inagaw ni Leonard ang phone at doon na nga inamin niya na may anak siya. At may asawa siya doon na OFW din doon....wala rin siyang balak sabihin sa amin until I found out."
"At three years nyong tinago sa akin...."
"Hija, ayaw kong maggaling sa akin. Kung narinig mo ang usapan namin ayokong sa kanila. Gusto ko si Leonard mismo magsabi sa iyo pero ngayon na na alam mo na....."
"Sabihin niyo sa anak niyo huwag nang magpapakita sa akin!" Nangigigil niyang sabi. Hanggang sa muling mag ring ang phone ni Tita Vangie.
Agad namang iyong sinagot.
"Yes Vince? Ano?"
Nagulat sila na biglang nasapo ni Tita Vangie ang dibdib at impit na naiyak. Tinalo pa ito ang iyak niya.
"Tita?" Maagap niya itong nasalo.
"Mare ayos ka lang?"
Napatingin sa kanya si Tita Vangie.
"Mirela.....naaksidente si Leonard kasama ang asawa niya. Nabangga ng malaking gas tank. Patay na sila....."
Para siyang binagsakan ng nagbabagang bato at yelo dibdib. Niyakap siya ni Tita Vangie.
Ngayon paano pa masasabi ni Leonard ang katotohanan.

That Boy Is MineWhere stories live. Discover now