MAAGA naubos ang tinda nila Mirela. Agad niyang tinungo ang bahay nila Banjo para ihatid ang pinareserve nitong Tapsilog.
"Mirela." Ang ina ni Banjo na si Manang Tricia ang sumalubong sa kanya.
"Si Banjo po."
"Nandoon nagto toast ng tinapay. Pasok ka."
Pumasok siya at nakita niya na naghain sa mesa ng mga tinapay si Banjo.
"Thanks. Gutom na talaga ako. Akala ko pauubusan mo ako."
"Hindi pwede iyon. Minsan ka lang dito at alam ko na super favorite mo itong Tapsilog ni Mama."
"Sobrang favorite ko iyan. Tara, nag toast na man ako ng favorite mong Bread toast na may Strawberry Jam."
"Ikaw talaga. Hindi mo talaga nakalimutan iyan. Thanks."
"Bad trip ako sa boy niyo. Ang angas pala nun. Sabagay unang kita ko pa lang doon ay di ko na trip. Kung sumagot ay kala mo magkasing edad kami."
"Pasensyahan mo na si Isaiah. Talagang strict iyon sa pila. Ikaw naman kasi dumeretso ka agad at kita mo na may pila. Kahit wala si Isaiah doon maraming maiinis sa iyo."
"Eh, close tayo di ba? Kahit di na ako pumila."
"Kahit na. At saka. Promising actor ka. Kahit na taga rito ka sa Sto. Niño hindi dapat familiar mga kilos mo gaya noon. Artista ka na at isa sa puhunan mo ay image. Learn to protect and preserve your image. Buti walang mga kumuha ng video at kung sakali mag viral iyon at magbigay sa iyo ng bad publicity."
"You have a point. I appreciate it. Talagang concern ka sa akin." Napangiti reaksyon ni Banjo
"Kasi kaibigan kita."
Biglang napalis ang ngiti ni Banjo.
"Sige na, kain na tayo."
"Pwede i take out ko na lang. Sabi ko kay Mama Sandali lang ako. Bawi ako next time."
"Sige, you owe me one."
Umalis na siya at mga ilang hakbang ay nasa eatery na siya.
Naaabutan niya si Isaiah na palabas ng bahay nila.
"Doon na sa loob nagbilang si Tita Dina. Ang tagal mo naman."
"Napakwentuhan lang sandali."
"Sige na, ako nang bahala dito samahan mo na magbilang ng benta si Tita."
"Bakit pala sa loob siya nagbilang di na rito sa labas?"
"Ako na nagsabi sa loob na. Ang dami niyong benta. Mainit sa mata iyan. Iba ang nag iingat."
May punto ito. And she was touched. Ngayon lang uli na may lalake na naging concern sa kanila.
"Salamat Isaiah." Pumasok na siya sa loob ng bahay.MATAPOS magbilang ng benta ay nakapag Almusal na sila Mirela, Mama Dina at Isaiah.
Nagulat siya nang ang tinapay na binigay sa kanya ni Banjo ang kinain ni Isaiah.
"Akin iyan!"
"Kakain lang natin ng kanin. Okay na sa akin ito."
Ilang nguya lang ni Isaiah ay bigla nitong nadura ang kinain at mabilis na uminom ng tubig.
"Bakit, anong nangyari? " Nag-aalalang reaksyon niya.
"Ang tamis. Hindi ako mahilig sa sobrang tamis na palaman."
"Strawberry jam iyan. Ano, inagaw mo pa sa akin ang bigay ni Banjo."
"Iyong line crasher na iyon ang nagbigay sa iyo niyon. Gusto yata na magkaroon ka ng Diabetes."
"Ang OA naman sa diabetes."
"Black coffee without sugar na lang ako."
"Bili ako ng pandesal para may tinapay ka."
"Huwag na."
"Sige na. Diyan lang sa kabilang street ang pandesalan." Umalis na si Mirela para pumunta sa pandesalan.ISAIAH POV
Naiwan si Isaiah at Tita Dina sa eatery.
"Isaiah, tutal dalawa lang naman tayo tapatin mo nga ako. May gusto ka ba sa anak ko?"
Matamang tinitigan niya sa mata si Tita Dina.
"Halata na ba?"
"Gusto mo nga ang anak ko."
"Iyong totoo po. Opo. At hindi siya mahirap magustuhan."
Natawa na natapik ng mama ni Mirela ang balikat niya.
"Sabi ko na nga ba. Iyan mga galaw mo. May kahulugan. Pero ang bata mo para sa anak ko. Ayos lang ba sa iyo iyon?"
"Sa inyo ayos lang ba?"
Natawa uli ang mama ni Mirela.
"Ibang klase ka rin. Tanong din ang sagot mo. Pero para sagutin iyan, hindi na mahalaga kung mas bata o matanda basta alam ko na maligaya siya sa kung sinuman na iyon at handa siyang makasama habang buhay."
Biglang sumeryoso ang anyo ni Tita Dina.
"Matanda na ako, Isaiah. Papunta na ako sa terminal. Hindi ko alam kung sino ang mauuna sa amin ni Mirela."
"Ang morbid naman terminal agad." Na gets niya agad ang ibig sabihin ni Tita Dina.
"Iyon ang realidad, Isaiah. Lahat tayo mamamatay. Pero kung ako mauuna gusto ko safe na si Mirela. May makakasama siya kapag nawala ako."
"Change topic po.Ayoko ng ganyang usapan."
Matamang tinitigan siya ni Tita Dina.
"Iba ang pakiramdam ko sa iyo. Kung gusto mo ang anak ko. Nasa iyo ang basbas ko. Gawin mo ang lahat ng dapat na gawin para magustuhan ka ng anak ko. Sinasabi ko sa iyo may challenge. Dahil hanggang ngayon nasa nakaraan pa ang puso niya. Kung magawa mo na maialis siya sa nakaraan at ikaw ang makita niya bilang kasalukuyang, mapapanatag ako sa kanyang hinaharap ."
Masaya siya na may blessings na siya kay Tita Dina pero ang tanong magugustuhan ba siya ni Mirela.
Tama ito, ang nakaraan nito ang kalaban niya.
Ang nakaraan na nagngangalang Leonard Mendoza.
"Eto na pandesal." Dumating na si Mirela.MIRELA POV
NAGTAKA Si Mirela dahil kita niya na may luha sa mata ang mama niya na biglang napapahid.
"Umiiyak ka 'Ma?" Nag aalalang sabi niya matapos ibigay kay Isaiah ang binili niyang pandesal.
"Wala, pinagpawisan lang mata ko."
"Eme, bakit umiyak ang mama, Isaiah?"
"Hindi ko alam. Hindi ko iyan pinaiyak."
Natampal niya ang balikat nito.
"Tse! Wala akong sinabi na pinaiyak mo siya."
"Natuwa siya dahil malaki ang benta nyo. Pinakamalaki sa lahat."
"Oo nga, kaya Isaiah kapag wala ka uling pasok, part time ka sa amin ah. Kapag ikaw ang nasa dining di magka umayaw ang tao lalo na ang mga bakla. Kahit busog sa umaga napapabili ng Almusal."
Pagak na natawa si Isaiah.
"Magpapahinga ka na ba? Sige okay na kami. Kaya na namin. Magluluto pa kami ng order sa birthday pagkatapos kumain.
"Maliligo lang ako tapos kumain. Tapos mag gym na ako sa kabilang Barangay. Nakita ko na Ang gym na may Calisthenics. Barathrum Gym ang pangalan. Miss ko na rin ang mag work out."
"Mabuti naman. Salamat sa pag duty habang wala si Tata. Baka bukas andito na iyon."
"Basta available ako ayos lang."
Napangiti siya habang minasdan na humigop ng kape si Isaiah. Talagang blessings ito sa kanila ngayon.
Napahinto siya nang mag ring ang phone niya. Video call mula kay Tita Vangie.
"Nanganak na si Athena. Babae."
"Talaga. Congratulations po sa kanya at sa inyo dahil lola na uli kayo." Natuwa niyang reaksyon.
"Di pa kami nakakatulog. Tagal niya mag labor."
"Mabuti at ligtas ang panganganak niya."
"Magtatagal pa ako dito, ikaw na muna bahala diyan. Ang boarder ko kumusta, hindi ba pasaway?"
Napatingin siya kay Isaiah.
"Nandito siya, tinulungan kami sa pagtitinda. Wala uli si Tata."
"Mainam kung ganoon. Ikaw na muna ang bahala sa bahay at sa boarder ko. Baka magpasok ng babae at gumawa ng himala."
Kita niya ang pagsimangot ni Isaiah habang kumakain.
"Sige na po, update niyo na lang po ako."
Matapos kausapin si Tita Vangie ay nagsalita na si Isaiah.
"Dios ba ako para gumawa ng himala?"
"Hayaan mo na si Tita. Minsan pasmado bibig.
"Salamat po sa kape at pandesal. Maghahanda na po ako papuntang gym." Paalam ni Isaiah.
"Si Mare talaga, tuloy tuloy ang bibig." Nasuyang reaksyon ng mama niya.
Naawa tuloy siya kay Isaiah. Sana pala sinarili na lang niya ang video call nang hindi marinig ni Isaiah ang malisyosong bilin nito.CEBU
AGAD namang naiayos papunta sa ward si Athena matapos itong manganak. Naroon na rin ang asawa nito na buong araw na rin sa hospital. Umuwi muna si Vangie para tingnan ang bahay at kumustahin ang panganay ni Vangje na nasa pangangalaga ng yaya nito.
"Mabuti Ma'am Vangie andito na kayo may naghahanap po kay Ma'am." Salubong ng isa sa mga maid na si Vidal.
"Magandang araw po, Kayo po si Mrs. Evangeline Mendoza, mama ni Ma'am Athena."
"Ako nga. Ano'ng maipaglilingkod ko?"
"Ako po si Gustavo Soberon, ang investigator ni Ma'am Athena. Nandito ako para sabihin na may mahalaga na akong impormasyon na nakuha mula sa Spain tungkol sa Apo niyong si Juan Isaias Mendoza na anak ng panganay niyong si Leonard Mendoza."
Parang narinig niya na iyon. Hindi niya lang maalala kung saan.
"I am sorry pero bumalik ka na lang sa ibang araw. Nanganak ang anak ko at marami pa kaming inaasikaso."
"Pero."
"You heard me right. Bumalik ka na lang at sasabihin ko na lang kay Athena na nagbalik ka na. Hindi kita mahaharap ngayon."
Nadismayang umalis ang imbestigator. Mukhang alam na nito kung nasaan ang anak ni Leonard.
Hindi pa siya handang makilala ito.
Dahil ito ang dahilan kung bakit nawala si Leonard.
Huwag muna ngayon!