PAGKAUWI ni Isaiah ay naisip niyang maligo. Init na init siya kahit hindi naman siya galing sa pawisan.
Nang makita siya ng bakla kanina sa convenient store bumalik sa kanya ang lahat. Ang bagay na kahit kalimutan niya ay patuloy siyang minumulto.
Hiling niya na sana maalis ng malamig na tubig sa shower ang dumi na dumikit sa buo niyang katawan na sumira hindi lang sa kanyang kainosentehan kundi sa buo niyang pamilya. Namalayan na lang niya na napapahikbi na lang siya at sumasabay na ang mga luha sa mga mata niya sa buhos ng shower sa kanyang mukha at katawan.
The flashes of memories.
Nasa harap siya ng laptop at ring light. Nang aakit sa camera. Nag eenjoy sa libo libong viewers na hinihintay siyang makita na walang saplot.
Bawat hubad at malaswang aksyon, dolyares ang kapalit.
Ang trabaho na naisip niya na mag aahon ng mabilis sa kanila sa hirap sa Spain na hindi naglaon ay sumira sa pinakamamahal niyang pamilya.
"Aahhah!" Napasigaw na siya sa sakit. Sa kahihiyan. Sa panghihinayang. Sa pandidiri sa sarili.
At ngayon nag-iisa siya. At tanging sarili ang karamay sa tuwing naalala ang kanyang karumihan.Nahiga lang si Isaiah maghapon. Nakakatulog. Tulala na nakatingin sa kisame. Hinahayaan malalag ang nangingilid na luha sa magkabilang mata.
Bakit ba ako isinilang? Anong dahilan mo? Alam mong hindi ko ginusto ang maging si Squall. Nais ko lang makatulong sa pamilya ko. Ngayon wala na sila. At kahit may pamilya ako sa father side malayo pa rin ako kahit na malapit lang ako. At nang makaramdam na ako na may puso ako para umibig. Pati iyon parang imposible. At kapag nalaman niya kung sino ako ay walang dahilan para mahalin niya ako o kahit kaibiganin.
Nayakap niya ang unan at napahikbi na parang bata.
"Papa ... Mama....ang hirap mag-isa. Sana sinama niyo na lang ako."
Natigilan siya nang mag-ring ang phone niya.
Si Lino.
Marahas siyang huminga bago ito sagutin.
"Hello?"
"Pare, matutuloy na ang demolish dito. Wala na akong ibang malapitan. Hihiram sana ako ng pang down sa upa ng bahay. Malayo pa ang suweldo. Babayaran ko rin agad. Kailangan ko na mahanapan ng titirhan ang mag-ina ko."
"Magkano ba? Send ko na lang sa ATM mo." .
"Salamat, pare. Babalik ko rin kahit paunti unti. Hindi ba sa Sto. Niño ka, baka mayroon diyan na paupahan."
"Punta ka na lang dito. Hanap tayo. Siguro kapag nakahanap ka na dito saka ko na lang ibibigay ang hihiramin mo."
"Pare, bakit basag ang boses mo? Masama ba pakiramdam mo?"
Naantig siya sa pag-aalala ni Lino.
"Ayos lang ako. Sige, tawagan mo ako, samahan kita maghanap ng paupahan dito."
"Sige, pare."
He is all alone. Like Mirela, ang pamilya ni Lino ang nagparanas sa kanya na hindi siya nag-iisa.
But still nag-iisa siya. Miserable at hindi niya alam kung magtatagal siyang ganoon.
Papa....nasaan ka man. Sana magkaroon ka ng chance na kunin ako. Sabihin mo sa Dios na pagod na pagod na ako na laging mag-isa.
Hanggang sa makarinig siya ng katok.
At ang laging kumakatok sa pinto niya ay si Mirela.
Agad siyang nagpunas ng mukha at inayos ang sarili. Dala ang pananabik sa dibdib na binuksan ang pinto.
"Mi...."
Nadismaya siya dahil hindi ito ang taong inaasahan niya.
"Isaiah, Hijo kumusta ka."
Si Manang Dina.
Giniya niya ito sa salas.
"Bakit po kayo napasugod?"
"Nag alala ako. Di ka lumabas kahapon at ngayon. May sakir ka ba?"
"Wala po. Nagbawi lang ng tulog. Pagod at puyat po sa school."
"Ganoon ba? Ako na sumilip sa iyo dito. Busy si Mirela sa preparation nya sa Flores de Mayo."
"Ayos po. At least magiging maayos pa siya lalo na at nagpaparticipate siya sa mga ganyang activity. Napacheck up niyo na ba siya uli."
"Naka schedule na kami kay Doc Ilustre pagkatapos ng Flores de Mayo. May pasok ka ba sa araw na iyon. Samahan mo si Mirela."
"Wala na po akong klase. Sige po."
"Yan ang gusto ko sa iyo. Mabilis ang sagot. Di ko kasi pwede isara ang tindahan. Sayang ang kita."
"Walang anuman po iyon. Tita."
"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng hapunan."
"Sige po. Hindi ko tatanggihan iyan."
Sa paglabas nila ay may sasakyan na huminto sa tapat ng eatery. Bumaba si Banjo at si Mirela. May dalang mahabang box. Nakakita na siya ng ganoong box na lagayan ng mga gown.
Agad na lumapit si Tita Dina at naiwan siya sa tapat ng gate.
"Mama, nasa akin na ang gown. Eto na po."
Kita niya ang sigla at excitement ni Mirela. Masaya siya na nakita niyang msaya ito pero nang mapansin niya si Banjo ay para siyang nakaamoy ng mabaho.
Hanggang sa magtama ang mga mata nila ni Mirela.
"Isaiah, nandiyan ka pala."
"Isaiah."bati ni Banjo sa kanya. Civil siyang kumaway.
"Dalhin ko na itong gown. Bukas sarado tayo dahil makikita ng buong Sto. Niño ang inyong ganda. Proud na ako sa inyo ngayon pa lang."
"Ako na Tita." Nagprisinta siyang buhatin ang box at pumasok na sila sa loob.MIRELA'S POV
NAIPASOK na nga ni Isaiah at Mama Dina ang kanyang gown na gagamitin sa Flores de Mayo bukas.
"The glam team will be here tomorrow morning. And I will make you that they will do everything to bring out the best and the beautiful you."
"Sobra na ito, Banjo. Glam team talaga. Eh iyong gown pa lang napakamahal niyan sigurado. Thanks sa iyo at napapayag mo ang sikat na designer na si Pete Saquez. Feeling ko tuloy artista na rin ako dahil mga artista ang sumusuot ng mga gown niya."
"Pete is a friend of mine. Kaya nakuha natin yan. Just let him vlog the event especially kapag suot mo na Ang gown. Can't wait to see you shine tomorrow. "
"Kumain ka muna. Nagluto si Mama."
"Thanks pero busog na ako. Sleep early and be the most beautiful women of Sto. Niño."
Masaya silang naghiwalay. Pumasok na siya ng bahay at nakita niya nasabay kumain ng hapunan ang mama niya at si Isaiah.
"Nalagay niyo na sa kuwarto ang gown." Tanong niya sa mama niya.
"Oo. Hindi ko na sinilip para suprise. Excited na ako na makita ang ganda mo ng mga tao. Nagsisisi ako noon na hindi ako pumayag noon na magsagala ka."
"Ayoko rin that time. Alam nyu na kapos tayo. Ngayon, iba ang saya na kahit na pa kwarenta na ako, puwede ko pa maranasan ang ganito. Pero kahit excited ako kinakabahan ako."
"Bakit ka kakabahan hindi naman pageant ang sasalihan mo, anak?"
"First time ko nga Mama. Paano kung hindi ako magmukhang reyna Elena."
Tumayo si Isaiah na tapos na kumain. Humarap ito sa kanya.
"Ano ba para sa iyo ang reyna?"
Napalunok siya sa tanong ni Isaiah.
"Ang reyna iba yan sa prinsesa. Ang prinsesa alagain, dependent and fragile. Ang reyna, may power. Hindi lang basta maganda , makapangyarihan at matatag. Hindi ba sa chess mas maraming galaw at nararating ang reyna dahil power piece sila."
"Isaiah ....." Nakadama siya ng empowerment sa sinabi ni Isaiah.
"Queen is not just the beauty but a powerful character. Kaya be strong and powerful like a true queen."
"Paano mo nalaman iyan?"
"Sa Art prof. Ko. Dati raw siyang Miss Queen Cosmos. Professor Agnes Del Rosario."
"Prof. Mo iyon, Magaling na beauty queen iyon. Iba ka, Isaiah." Napahangang reaksyon ni Mirela.
"Tama. I am not that whining woman. Hindi ako prinsesa. Marahil isang social and church event to pero gaya ng nakita mo, it will give me a power and confidence na kulang ako that makes me weak. Thanks, Isaiah ngayon palang pakiramdam ko nanalo na ako ng Miss Universe."
"And be a winner."
How this guy is so motivating. Everything time he is with her she felt so energized.
"Nasabi ko na pala kay Isaiah na samahan ka sa check up mo kay Doc. Ilustre. Pagkatapos ng Flores de Mayo. "
"Sige. Ayaw ko na rin na atakihin ako ng kabaliwan ko. Gusto ko nang mabuhay uli ng maayos. Nang walang gumugulo sa isip ko. Oo, tingin ko ayos na ako pero gusto makasiguro pa. Salamat, Isaiah."
He smile like he open the gates of heaven. Sana kasing edad niya lang ito. At sana kasing matured na siya nito.
"Paano, maaga ka magpahinga. Alis na rin ako. Salamat uli sa libreng hapunan."
Umalis na si Isaiah.
"Anak, pwede ba siya na lang ang escort mo bukas?"
Napairap siyang tumingin sa mama niya .
"Mama, alam mong si Banjo na ang escort ko. Ano na naman ba iyang naiisip mo?"
"Wala lang baka pwede lang."
"Hindi. Tigilan niyo na ang iniisip niyo. Kaibigan ko lang si Isaiah. Ireto niyo siya sa kaedad niya. Kayo talaga. Dati ayaw niyo ako padikitan sa lalake ngayon kung ipilit nyo ako at sa bagets pa."
"Iba nga kasi ito at saka di ka pabata. At sa edad mo dapat bata ang makuha mo at perfect si Isaiah."
"Ma, last mo na yan. Tama na. Sige na, magpahinga na tayo. Maaga pa ako bukas."
Malaki ang bahagi ng utak niya na ayaw ang idea ng kanyang mama pero may spot sa loob ng kanyang dibdib na nagsasabi na posible ang nais ito.
Pero natatakot siya na umibig uli.
Ayaw niya pa. Hindi pa siya handa. Lalo na kaibigan niya si Isaiah.
Ayaw niyang mawalan ng kaibigan.
Kahit may bahagi na ng puso niya na impit na sumisigaw para dito.