DINAGSA pa rin ng tao ang eatery nila Mirela pero marami ang nalungkot dahil wala si Isaiah.
"Bakit wala si Isaiah? Siya pa naman ang dahilan ng paggising ko?"
"Oo nga, ano pang gana ng umaga kung wala siya."
Natawa na lang siya sa malungkot ng reaksyon ng mga bakla at mga babaeng nakapila.
"Kapag nandito ako wala iyon. Pinakiusapan lang iyon ni Manang Dina. Hindi talaga iyon dito." Ani Tata.
"Kunin ko na sana niya kasama ni Tata kaso nag aaral sa gabi." Sabi pa ni Mama Dina.
"Hindi lang para gwapo at mabait masipag pa at nag aaral. Nakakainlove lalo."
Natawa silang lahat.
"May nililigawan na ba iyon dito, Manang Dina?" Tanong ng isang babaeng customer nila.
Tumingin si Mama Dina kay Mirela.
"May binabalakan."
Natigilan siya sa makahulugang sabi ng Mama niya.
"Sana all binabalakan. Aaayy!!!!"
Mala sirenang tilian ng mga bakla.
At lumabas na nga si Isaiah sa gate. Nakasuot ng itim na Sando. Itim na short at rubber shoes. Nakita ito ng mga nakapila sa almusalan.
"Good morning po." Bati ni Isaiah sa lahat.
"Aaayyy!!!" Nagtitilian pa ng malakas ang nagkikiligang mga babae at bading na nakapila.
"Jogging lang ako sandali. Sabay ako kumain sa inyo mamaya." Sabi niya kay Mirela na napatango na lang.
Hanggang sa nag jogging na nga si Isaiah. Lahat ng nakapila ay nakatingin kay Mirela.
"Ganda ni Mirela. Kasabay kumain mamaya. Mirela ano'ng shampoo mo?"
Natawa si Mirela habang nagsasandok ng kanin para sa costumer.
"Syempre head and shoulders bakit?" Sakay ni Mirela sabay hawi ng buhok.
"Ayyy... Mukhang ikaw ang binabalakan ligawan ni Isaiah."
Natawang reaksyon ni Manang Dina sa hinala ng nagsalitang bakla. Siya naman ay napataas kilay.
"Ako pa talaga. Eh halos kalahati na ng edad ko iyong tao. Kayo talaga. "
"Ate, isa ka sa pinakamaganda dito sa Sto Niño at sabi ni Chico ikaw daw ang magiging Reyna Elena at escort mo si Banjo Molina."
"Tama sila, maganda ka. At ipapakita mo iyon sa Araw ng Flores de Mayo."
Sabi ni Banjo na dumeretso na sa harapan.
"Banjo."
"Don't worry hindi ako sisingit. Magpapareserve na lang ako ng Tapsilog. Jogging muna ako."
Umalis na rin ito.
"Iba talaga ang ganda ng anak mo, Manang Dina. Pwede sa Boylet pwede sa Dad bod. Sana all timeless ang ganda ni Mirela." Naaliw na reaksyon ng isang bading.
"Bakit? Kanino ba magmamana?" Proud na reaksyon ni Manang Dina.
At napuno ng halakhakan ang pila.
Pero wala pa sa diwa niya ang nais ipahiwatig ng mga tao.ISAIAH POV
HABANG nagdya jogging ay hindi maalis ni Isaiah ang galak sa tinig ng Lola Vangie niya na bago na itong apo. Masaya rin siya na may pinsan siyang bago.
Kahit hindi pa niya nakikita ang mga ito. Kahit ang ina ng mga ito na Tiyahin niya.
"Kilalanin at bigyan mo ng pagkakataon ang pamilya ng Papa mo. Sila na lang ang pamilya mo....."
Mapait na napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ng Lola Jean niya ilang araw bago ito pumanaw. Ang lola Jean niya ay ang Tiyahin ng Mama niya na matandanh dalaga at tumayong ina sa mama niya noon. Ito ang pinuntahan niya sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa España. Dalawang taon niyang nakasama ito. Naranasan niya rin ang magkaroon ng pamilya dito. Mahal na mahal siya nito at dahil dating guro ay tinutukan siya nito kaya nakabalik siya sa pag-aaral at bago ito mamatay ay nangako siya na magtatapos at bibigyan ng pagkakataon na maging pamilya niya ang pamilya ng papa niya.
Kahit alam niyang hindi siya tanggap ng lola niya sa father side.
"Bakit wala ka sa Eatery?"
Napalingon siya sa nagtanong at nagulat siya na katabi na niya ito.
"Si Banjo?"
"Can't you see nagdya jogging ako."
"What I mean bakit di ka nakaduty. Ang daming tao doon."
"Kapag wala si Tata saka lang ako pinapatawag para tumulong." Iniwan na niya ito pero nasundan pa rin siya nito.
"Sorry kahapon. My immaturity strikes again."
"Apology accepted." Civil niyang sabi at iniwanan na uli ito pero sumabay pa rin ito sa kanya.
"After this doon ka mag aalmusal kina Mirela?"
"Yes."
"Sabay na ako. I will treat you. Peace offering ko na rin."
Ngumisi si Isaiah.
"You know what, I had a jogging buddy. Ganitong oras din kami tumatakbo. At tapos kumakain kina Mirela. The same guy we talked about last time. My great buddy and best friend ko dito sa Sto. Niño. Si Leonard."
Silip manok lang niyang sinulyapan ito. Bakit ba hindi ito nabanggit ng papa niya?
"Hindi man lang kami nagkaayos. Noon hindi ko matanggap na siya ang pinili ni Mirela. Grabe ang immaturity ko noon. I trash all that we had because I can't accept the fact na mas gusto siya ni Mirela."
Huminto siya sabay tanong.
"You still like her?"
Huminto ito na may hingal sabay sabing
"Yes."
Naningkit ang mata niya. Kaya siguro hindi ito nabanggit dahil kaaway ito ng Papa niya. Mukhang hindi ito mapagkakatiwalaan.
"You stop? Why?" Nagtakang tanong ni Banjo.
"Babalik na ako." Wala sa loob niyang sabi. Kapag ayaw niya sa isang tao ay agad siyang lumalayo. Nag jogging na siya palayo.
At nangako na hindi pagkakatiwalaan si Banjo."SALAMAT." masayang sabi ni Banjo matapos kunin ang order niyang Tapsilog kay Mirela.
Napatingin siya sa gate nila Tita Vangie at nilingon din iyon ni Banjo.
"Hinahanap mo si Isaiah?"
"Oo, bumili pa ako ng pandesal. Sabi niya dito siya kakain."
"Kasabay ko siya kanina magjogging. Bumalik na rin siya agad."
"Hindi ko siya napansin ah."
"Baka nakatulog sa pagod. Nauna ata tumakbo sa akin iyon."
"Siguro pero hindi ko siya napansin. Baka kasi lumamig ang pandesal."
Matiim na tumitig si Banjo sa kanya.
"Mukhang close na close na kayo ng batang iyon."
"Hindi mahirap makasundo ang batang iyon. Mabait na matulungin pa."
"Ako ba hindi ba ako mabait?"
Tinaasan niya ng kilay si Banjo.
"Saan na naman papunta ito, Banjo? Huwag mong sabihin nagseselos ka kay Isaiah."
"Alam ko wala akong karapatan pero alam mo na Kahit noon pa man gusto na kita."
"Wala sa isip ko ang ganyan. Kaibigan ko lang si Isaiah. At bata pa iyon. Gaya mo ay pakikipagkaibigan lang ang kaya ko ibigay sa kanya."
"Mabuti nang sigurado dahil kahit gaano pa katagal hihintayin kita, Mirela."
Hinawakan nito ang kamay niya. Saka lumabas sa gate si Isaiah na nakabihis ng puting T shirt, board shorts at tsinelas. Para itong nakakita ng multo at natigilan.
Kita nito na nakahawakan sa kamay niya si Banjo. Agad siyang kumalas.
"Isaiah, tara. Almusal na tayo. Bumili ako ng pandesal."
Lumapit ito sa kanila at kita niyang matalim ang titig nito kay Banjo.
"May mainit na tubig kayo. Dito na rin ako magkakape."
"Sige, kunin ko lang ang thermos sa loob." Pumasok sa loob ng bahay si Mirela.ISAIAH POV
KAHIT na hindi komportable si Isaiah sa nakita na paghawak ni Banjo sa kamay ni Mirela ay binalewala niya ito.
"May T shirt ka ng Barathrum Gym. Doon ka na naggym?" Untag ni Banjo.
"Kahapon lang at binigay ito ni Coach Don. Coach ko sa Calisthenics."
"Mayroon pa palang Calisthenics sa gym. May boxing ba sila o ibang mix martial arts."
"Meron yata."
"Have you ever try na mag audition or mag submit ng VTR? Pwede kang mag artista."
"Thanks but no thanks. Okay na ako sa ganito." Tanggi niya.
"Sayang naman. If ever need ng manager ko ng talent, ipa consider kita."
"I said no thanks." Nairita niyang reaksyon. Mukhang nakuha ni Banjo ang inis niya.
"Don't be mad. Buti nga na appreciate ko ang potentials mo."
"Please don't be nice o make a small talk. I am not as friendly as you. To tell you honestly I discern na mayroon kang kulo na tinatago. I can't help to sense it."
"Grabe ka makahusga? Maghuhula ka ba o detective."
" Sinasabi ko lang ang naiisip ko at nasesense sa iyo. That's why I am making my boundaries. Don't try any access okay?"
"Isaiah!"
Nagulat siya sa sita na iyon ni Mirela.
Nilapag nito ang thermos sa mesa at lumapit sa kanila.
"Kung makipag usap ka ay parang kasing edad mo lang si Banjo. Have some respect."
"I hope he will impose it."
"Naririnig ko, he is trying to be nice. Hindi mo kailangan maging rude kung ayaw mo."
"I am sorry. Ako na ang bastos ako na ang rude. Excuse me!" Inis na bumalik sa bahau nila si Isaiah.
"Isaiah!" Sigaw niya pero hindi siya nito pinakinggan.
"May attitude ang bagets. Mukhang may tinatago. I am just trying to be nice."
"Huwag mo na lang patulan. Alam mo naman na iba na ang mga kabataan ngayon. So entitled. "
"Now you saw his negative side. Mabait pa rin siya."
"But still hindi iyon ang totality kung sino siya. Huwag mo na lang din siya husgahan."
"Ayaw niya ako maging tropa though I tried. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya."
"Pasensyahan mo na lang."
"Ano pa nga ba? Sige na kain lang ako. Bukas balik ako ng Manila to check schedule. Maybe sa week long ng Flores de Mayo nandito ako. Paganda ka para sa akin at sa Flores de Mayo."
Kiming ngiti niya pagkaalis nito.
Hindi na rin siya nakatiis at tinungo na si Isaiah sa bahay nito para kausapin."ISAIAH!" Pumasok siya sa loob. Binuksan ang pinto ng kuwarto nito. Nagulat siya dahil nakahiga ito sa kama. Hubad baro at boxer na itim ang suot.
Tulog ito at nasa gilid ang suot nitong T shirt at short kanina.
"Dios mio?" Na shock siyang napatakip bibig.
Hindi niya inasahan na madadatnan niya ito na halos hubo't hubad na at tulog na tulog. Nakadama siya ng init na lumukob at nanuot sa buong katawan niya na noon niya lang naramdaman.