HINDI na lumabas ng Kwarto si Mirela nang gabing iyon. Nakaupo lang siya sa kama. Naiisip pa rin niya ang naging tanong ni Isaiah sa kanila.
"Well Good to me na nakikita niyo sa akin ang dating may ari ng kuwarto na tinutulugan ko. Mabuti ba siyang tao?"
Kung sasagutin niya iyon masasagot niya ba iyon? Mabuting tao ba si Leonard? Kahit nobyo niya ito ay hindi niya ito nakasama nang matagal. Hindi niya ito ganap na kilala. Paano niya masasagot iyon.
Hanggang sa may kumatok. At bumukas iyon.
Si Mama Dina.
"Sabi ni Tata Masama raw pakiramdam mo."
"Opo. Pahinga ko lang ito ayos na. Nakainom na rin ako ng gamot."
"Bumalik na pala sa Sto. Niño si Banjo. Sabi ni Tata dumaan daw dito. Pati sila Manang Galena at ang leader ng Youth sa Parokya. Ano sadya nila?"
"Gusto nila ako maging Reyna Elena."
Biglang nagliwanag ang mukha ng mama niya."
"Ay go! Sige. Tara daan tayo ng Divisoria. Bili na tayo ng gown mo."
"Agad agad?"
"Huwag mo sabihin na tumanggi ka?"
"Hindi po. Napilitan na lang ako pumayag. Mapilit sila. Lalo na si Banjo. Siya pala ang mag escort sa akin."
"Mainam iyan at makita nila ang anak ko na pinakamagandang babae sa buong Sto. Niño. Noon at kahit ngayon."
"Talagang supportive ka Mama."
"Syempre. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak. Gusto ko na maging masaya ka at tuluyan nang mawala ang lungkot sa mga mata mo. Ipakita mo na magniningning ka na para diamante sa kalangitan."
Naisip niya rin na ipakita na ang sarili hindi lang sa mga customer nila pati na sa lahat. Maibalik ang confidence niya na nahigop mula nang mawala si Leonard.
Panahon na para tuluyan na siyang bumangon at magniningning.
At ang paglahok sa Flores de Mayo ang kanyang magiging daan upang makalawa sa sakit, lungkot at pagluluksa.SI MIRELA na ang nagsara ng Eatery. Nakita niya na palabas ng Gate sa katapat na bahay si Isaiah. Natigilan siya nang lapitan siya nito.
"Bukas pasamahan kita kay Tata sa Kabilang Barangay. Sa San Isidro. Para makapag Gym ka na...."
"Bakit bigla kang umalis kanina? May nasabi ba akong di maganda?"
Natigilan siya sa tanong ni Isaiah.
"Kung mayroon man sorry..."
"Wala....wala kang kinalaman. It happens lang na... iyong tao na may ari ng inuupahan ko malaki ang naging impact sa akin...."
Nagsimulang kabahan niya at manginig ang kamay niya. Nag-init na rin ang mga mata niya hanggang sa naiyak na siya. Hinawakan ni Isaiah ang kamay niya. Napasinok siya at napatitig dito. Ang init ng kamay nito. Tila may lakas ito na wakasin ang lamig ng takot niya.
Ang isang kamay naman nito ay inalis ang luha niya na nagbabantang pumatak.
Hanggang sa niyakap siya nito ay inalo. Ramdam niya ang init nito na binabasag ang takot niya. Hanggang sa napahikbi siya na siya at niyakap na rin ito.
"Si Leonard....ang aking first love. Mahal na mahal ko siya. Hinintay ko siya. Bata pa lang ako alam ko mahal ko na siya at hanggang sa maging boyfriend ko siya. Siya ang inspirasyon ko. Siya ang dahilan kung bakit ako naging matatag. Siya. Kaya nang mawala siya pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Magkasama kami nangarap. Na balang araw....magiging isa kami at bubuo ng pamilya."
Humigpit ang yakap ni Isaiah at pag alo sa kanya.
"Pero niloko niya ako.....ang tagal niya akong niloko....hindi lang ako ang babae sa buhay niya...ang sakit Isaiah. Naghintay at iningatan ko ang sarili ko para sa kanya tapos ano...sa ibang bansa nagkaroon siya ng pamilya na kahit pamilya niya hindi alam."
Sa paghigpit at pag-init ng katawan ni Isaiah ay nagkakalakas siya ng loob na sabihin ang lahat ng bagay na matagal nang nasa loob niya. Hanggang sa kumawala ito. Nakita niyang naluha na rin ito.
"Ngayon nailabas mo na. Mayroon pa ba?" Basag na tinig na tanong ni Isaiah.
"Umiiyak ka rin."
"Nararamdaman ko ang sakit mo. Paraan ko para makibuhat sa sakit mo. Para gumaan ang mundo mo. Kaya sabihin mo lahat lahat!"
Naghihikbi niyang niyakap si Isaiah.
"Gusto na kitang kalimutan, Leonard. Mula ngayon babangon ako at tuluyan nang lalakaran ang landas na malayo sa anino ng alaala mo. Ngayon masasabi ko mas mamahalin ko na ang sarili ko kaysa sa minahal kita!"
His touch and hot embrace. Tila vaccuum iyon na hinigop ang apat na taong sakit at tinik sa puso niya. Nakahinga siya nang maluwag. She was touch nang muling hinawi ng mga palad ni Isaiah ang luha niya.
"Now you are relief."
"Thanks."
Muli niyang niyakap si Isaiah at tila ba gusto na niya marelax doon. Ang tanging tao na naging daan para makawala siya sa bigat na matagal niyang dinala.