Chapter 3

7 1 0
                                    

PASARA na si Mirela ng puwesto nang biglang lumapit si Isaiah.
"Pwede pang kumain?"
"Kagigising mo lang?" Pansin niya mababa ang boses nito. Bedroom voice. It pumps her blood because of that.
"Ako una nagtanong."
Natawa siya.
"Wala nang luto sorry...."
Kita niya ang pagpalis ng ngiti nito.
"Pero magluluto ako ng hapunan. Gusto mo sumabay?"
"Nakakahiya naman. Nakikain na ako ng almusal tapos ngayon pati hapunan tapos ako pa binayaran niyo kanina?"
"Wala iyon. Kulang pa iyon sa pagtulong mo sa amin sa pagtitinda ng almusal. Bakit pala ang galing mo mag assist at Kahit magligpit ng mga pinagkainan? Dati ka na bang serbedor."
"Oo sa restaurant sa Madrid..."
"Madrid?"
"Ah, pangalan ng Restaurant iyon."
Nahinto sila sa pag-uusap nang lumabas si Mama Dina at nakagayak.
"Oh, Isaiah andito ka pala."
"Naghahanap po ng makakainan kasu sarado na pala."
"Ay, may natira akong kalderetang baka doon. Samahan mo na kumain si Mirela."
"Po?" Nagulat na reaksyon ni Isaiah.
"Sige na, malas ang tumanggi sa grasya." Udyok niya.
"Ang hirap tumanggi."natatawang sabi ni Isaiah.
"May prayer meeting kami sa Church ikaw na bahala dito. Kontakin mo na si Tata kung papasok bukas. Aba ay kung di dahil kay Isaiah ay nalunod na tayo sa dami ng Costumer."
"Dumaan siya dito, sinugod sa ospital ang nanay niya. Na Mild stroke buti okay naman daw. Papasok daw siya bukas."
"Mabuti kung ganoon. Sige na. Kumain na kayo."

SA HAPAG KAINAN ay Magsalo sina Mirela at Isaiah.
"Ang sarap nito pwede pang magkanin."
Ganadong sabi ni Isaiah."
"Sige lang." Si Mirela pa ang nagsandok ng kanin para kay Isaiah.
Dumating si Tita Vangie na agad na inalok ni Mirela.
"Tita, Kain po."
Napatingin si Tita Vangie kay Isaiah.
"Nandito ka pa. Mabuti dahil isa ka sa ibibilin ko kay Mirela."
"Bakit Tita?"
"Pupunta akong Cebu. Nanganak na si Athena. Kailangan ako dahil marami siyang asikasuhin habang nagpapagaling siya sa pagkapanganak."
"Babae ba ang anak niya?"
"Oo, nakadalawang babae na siya. May pag-uusapan din kami tungkol doon sa anak ni Leonard."
Biglang napatingin sa kanila si Isaiah.
"Tinuloy pa rin ba ni Athena na ipahanap sa  anak ni Leonard?"
"Oo, matigas ang ulo. Bakit kung mahanap ba siya ay mababalik niya ang buhay ni Leonard."
Galit si Tita Vangie sa anak ni Leonard. Ito Ang sinisisi sa pagkamatay ni Leonard.
"Mabuti at hindi siya ipinakilala sa akin nang tuluyan. Dahil sa kanila ng ina niya nasira ang buhay ng anak ko sa Spain."
Napatayo ng marahas si Isaiah at pansin niya ang natalim na titig nito kay Tita Vangie.
"Excuse me, May klase pa pala ako!"
Nagmamadali ngunit may tila padabog itong umalis.
Bagay na ikinagulat nila.
"Teka, hindi mo pa tapos ang kinakain mo?"nagtakang sabi ni Mirela.
"Ano'ng nangyari doon? Ganoon ba ang nagmamadali parang galit."
"Hayaan niyo na at talagang nagmamadali. Pinilit kasi ni Mama na dito kumain."
"O siya pati siya ibibilin ko sa iyo. Ikaw na rin ang bahala kay Isaiah. Baka magpapasok ng kung sino sino. Hindi sana ako aalis kung di lang talaga importante. Babalik din naman ako."
"Sige po, Tita Ako na ang bahala. Ingat po kayo doon ah."
Naglalambing na yumakap siya dito.

ISAIAH POV

Nagpipigil ang galit na umaalimpuyo sa dibdib ni Isaiah. Sa pagpasok niya sa bahay ay gusto niya iyong pakawalan. Talagang narinig pa mismo niya ang masakit na salita mula sa kanyang lola.
Talagang hindi siya nito matanggap.
Kahit siya ang una at lalakeng apo.
Nagtaka siya noong una niya itong makaharap ay hindi siya nito nakilala. Marahil ay hindi naman talaga ito nagkainteres sa kanya. Kaya hindi siya kilala nito. Mabuti na rin iyon at baka hindi niya ito matantiya.
"Magsisisi ka na hindi mo ako kinilala. Magpapakilala ako sa inyo na parang bomba na sasabog sa inyo. te arepentirás!"
Padabog siyang pumasok sa kuwarto at binuksan ang laptop.
Nakawallpaper ang picture nila ng Mama niyang si Lydia, ang Papa niyang si Leonard Mendoza. It's the last picture of them. His graduation in highschool.
"es imposible qui me acepte. Menos mal qui no me conoce. ( Impossible na matanggap nila ako. Mabuti at hindi niya ako kilala) Mabuti na rin pero tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa iyo Papa."
Hindi na niya napigilan na maiyak.
Natigilan siya sa nagnotify sa kanya na application.
From Adonis Bate.

Dear Model Squall

After we review your appeal. We realize that our decision to ban you in our app was a mistake. Many fans are still looking for you. Most of them want to back to the scene. As our way to say sorry for what we did we will give you 10000 dollars and re activate your account.....

Hindi na itinuloy ni Isaiah ang pagbabasa at tuluyan nang dinilete ang app sa laptop niya.
Nasa Paypal account pa niya ang 10000 dollar na naka convert na sa peso na nagkakahalaga nang higit da 500000. Hindi niya iyon ginagalaw. May pera pa naman siya. At wala na siyang balak galawin iyon.
Dahil ang Naging eksena niya sa Adonis Bate ang naging dahilan kung bakit tuluyan nawala sa kanya ang kanyang pamilya.

"Magsisimula ako ng bagong buhay dito. Malayo sa gulo at makamundong eksena."
Nakarinig siya ng buhos ng ulan kaya agad niyang tinungo ang bintana para isara. Natigilan siya nang makita doon si Mirela na natatarantang kinuha ang mga sinampay nito.
That woman.
From the moment she met this woman alam niya na iba ito. Kahit noon sa Spain ay hindi siya in-approach ng mga babae. She is so hospitable and warm. Hindi man yata ito attracted sa kanya. Nasanay na siya na kung titigan siya at kausapin ay para siyang hinuhubaran. Napakabait pa nito. At napakaganda. Pansin niya na walang lalake na umaaligid dito. Marahil ay single ito.
Papatol kaya sa kanya ito.
Mahirap na. Baka ang namumuo nilang pagkakaibigan ay masira. Wala naman sa plano nila ang umibig sa pagpunta niya ng Pilipinas.
And because of this woman. Hindi niya naramdaman na isa siyang dayuhan at tanggap siya nito.
He is looking forward for more of their friendship.

Mirela's POV

"Oh, Isaiah ngayon ka lang mag aalmusal." Bungad ni Mama Dina.
Napalingon si Mirela matapos magbilang ng pera. Nagkangitian sila ni
Isaiah.
"Meron pa po ba?"
"Ayan meron pang tortang isda at longganisa." Turo ni Mama Dina sa mga natira sa istante.
"Nakahabol ka ba sa klase mo kagabi?" Tanong niya.
Tumango siya sabay turo sa longganisa.
Si Mirela na ang nagserve sa kanya.
"Thanks."
"Kumain ka nang marami. Sayang tuloy pagkain kagabi umalis ka agad."
"Sorry..."
Bumalik na siya sa kaha.
"Nakaalis na ba si Mareng Vangie?" Tanong ni Mama Dina sa kanya.
"Madaling araw flight niya. Baka nandoon na ngayon iyon. Kailangan siya si Athena. May sinabi rin siya na may development na raw sa paghahanap sa anak ni Leonard."
"Iyon ba ang pinunta sa Cebu ni Mare. Hindi ba ayaw niya makilala ang apo niyang iyon."
"Oo pero sinabi ko na bigyan na ng chance ang apo niya. Wala namang kasalanan iyon. Kung wala na si Leonard at ang Mama niyon, tiyak mag-isa iyon. Deserve niyon na may makasamang kamag anak. Lalo na mag isa siya. Oo nangako ako na gaya mo ay aalagaan ko siya at babantayan pero iba ang alaga ng kadugo."
Bigla silang nagkatinginan ni Isaiah pagkasabi niya niyon. Agad din itong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
"Tama, may pamilya na si Athena at ang layo dito. Payuhan mo lang at nakikinig naman iyon sa iyo. Buksan niya ang puso niya sa bata at tanggapin. May idea ka ba kung ilang taon na iyon at nasaan?"
"Wala po, si Athena po ang naghahanap doon nahinto lang nang mabuntis at manganak sa una tapos nanganak uli. Mabuti nga ngayon may pag-usad sa paghahanap. Sana mahanap na nila ang anak ni Leonard at tumira diyan. Isa ako sa mag aalaga sa kanya."
Napansin niyang napangiti si Isaiah nang sabihin niya iyon.
Mukhang nasarapan ito sa fried rice o sa longganisa.
"Sarap ng ngiti mo diyan ah!" Puna niya.
"Masarap kasi itong sinagag."
"Ano'ng sinagag, nabubulol ka na naman. Si-na-ngag!" Natatawang pagtatama niya dito.
"Gusto mo pa ba, ubusin mo na itong nasa kaldero para mahugasan. At may isa pang longganisa. Magsasara na kami muna at mamaya ay pangtanghalian na ang tinda namin."
"Sige po." Excited na lumapit si Isaiah dala ang plato at siya mismo ang nagsandok kay Isaiah.
"Subukan mong di ubusin uli ito."
"Sorry na. Uwu."
Pigil ang tawa niya sa pabebeng pagsorry nito.
"Bakit ganyan magsorry?"
Napangiti si Isaiah.
"Wala, napanood ko lang sa mga soc med."
"Kayo talagang mga kabataan ang daming natutunan na kalokohan sa socmed."
Nakamot uli na bumalik sa mesa si Isaiah habang hindi pa rin napalis ang ngiti. Nagtataka siya dahil ang ngiti at galak nito ay tila bumabaybay sa kanyang puso patagos ng kanyang kaluluwa.
This guy really have a charm that she can't resist.

That Boy Is MineWhere stories live. Discover now