Chapter 7

5 2 0
                                    

NAKAHIGA na sa kama si Mirela. Nagcheck siya ng Facebook account niya. Na curious niyang i search si Isaiah. Nag type siya sa search box.
Isaiah Mendoza.
Maraming lumabas na Isaiah Mendoza pero wala ang mukha ni Isaiah. Naaalala niya ang nasa ID nito na nakita ni Tita Vangie.
"Juan Isaias Mendoza pala name niyang buo."
Iyon nga ang kanyang tinipa sa search box pero wala ang mukha ni Isaiah.
"Wala siyang FB?"
Sinubukan niya sa google. Mas naloka siya dahil bukod sa maraming Juan Isaias ay wala ang mukha o maglilink kay Isaiah.
"Wala siyang social media? Bakit?"
Hanggang sa nakatulugan na lang niya ang tanong na iyon.

NASORPRESA si Mirela nang magising siya nang madaling araw nang makita niya na nasa sala nila si Isaiah.
"Good Morning, Mirela."
"Good morning, Bakit nandito ka?"
"Pinuntahan ko sa kanila, marami tayong pamimili dahil may order. Di natin kaya magbuhat nang marami " sabi ni Mama Dina.
"Nakakahiya naman."
"It's okay. Weekend naman at walang klase. Hindi ko naman first time tumulong."
"Sige. Hilamos at toothbrush lang ako."
Mabilis siyang tumungo sa banyo. Habang nasa banyo ay naririnig niya ang pag-uusap ng Mama niya at ni Isaiah sa salas.
"Ikaw ba, Hijo. May girlfriend na."
"Wala po."
"Sa hitsura mo bakit wala pa. Pihikan ka ba?"
"Kailangan po maging pihikan. Sa panahon ngayon mahirap na rin ma inlove. Hindi lang puso ang bumibigay pati utak."
"Tama ka diyan. Bata ka pa naman. Guwapo at masipag. Mabait at magalang. Ano ba gusto mong babae? Kasing edad mo o mas matanda sa iyo."
Huminto siya sa pagsepilyo. Nakinig siyang maigi sa isasagot ni Isaiah.
"Iyong mas matanda po sa akin gusto ko ."
Muntik na niyang malulon ang pinagsepilyuhan. Agad agad siyang nag mumog at lumabas.
"Mama, ano bang tanungan iyan. Isaiah pa mysterious ka naman kahit konti!" Nasuyang saway niya.
"Bakit? Ano'ng masama sa tanong ko?  Ayos lang ba mga tanong ko, Isaiah?"
"Ayos lang po. Tanungin lang po ako ay handa akong sumagot."
"Alam ko nakikisama ka lang. Hindi mo kailangan sagutin ang mga iyan lalo na personal."
"Sige na, di na ako magtatanong. Ano aalis na ba tayo."
"Tara na."
Pilyo ngiti ni Isaiah na napatingin sa mama niya.
Mukhang may inintindihan na ito na ayaw niyang inintindihin.
At ayaw niyang i-entertain.
Umalis na sila papuntang palengke.

SA PALENGKE nga ay sumama na nga si Isaiah. Pansin siya na kahit na nasa gilid lang ito ay napapansin ito ng mga suki ni Mirela na nagtitinda ng baboy.
"Sino iyan, Mirela?" Tanong ni Mar. Ang matadero.
"Si Isaiah kapit bahay namin. Kinuha muna ni Mama para tulungan kami mamalengke."
"Parang Artista, Mirela. Gwapo." Ani Manang Jhoy na may Ari ng Pork Stall.
Pansin niya rin na tumitingin din ang ilan mga babae na dumadaan at mga tindera.
"Kunin na namim Ang order." Aniya. Mukhang sanay na si Isaiah na ang lahat halos ay nakatingin sa kanya. Hindi man lang ito nako conscious. Siya tuloy ang nako conscious para dito.
"Tara na!" Yaya niya.
"Akin na yan." Kinuha nito ang pinamiling Karne at nilagay sa bayong.
"O eto ba ang mga manok at gulay." Dumating ang mama niya at inilagay ang ilang pinamili.
"Nandito na ba lahat?" Tanong niya.
"Oo lahat ng nakalista nasa bayong na." Sabi ng mama niya.
"Tara na, lahat na sa atin dito na ang tingin. Di Ako sanay." Suya niyang reaksyon.
"Ah alam ko na, may kasama kasi tayong saksakan ng pogi." Ani Mama Dina.
Napangiti at napakamot ulo lang si Isaiah.
"Kumpleto na lahat tara na at para makarami." Sabi niya na nakadama ng kakaibang pakiramdam dahil sa tagal nilang pamamalengke ngayon lang nila nakuha ang atensyon ng lahat ng naroon.
Dahil kay Isaiah.

NAKAUWI NA nga sila Mirela at naghanda na ng mga gagamitin sa pagluluto.
"Isaiah, marunong ka ba maghiwa ng mga bawang at sibuyas?" Tanong ng mama niya habang hinuhugasan niya ang mga karne sa lababo.
"Yes po"
"Pasuyo naman. Magsasaing lang ako at magdudurog ng kanin."
"Okay po."
Lumapit si Mirela sa mama niya matapos niya isalang sa kalan and kalderong baboy.
"Marunong kaya siya magluto?" Curious niyang tanong
"Tanungin ko?"
"Huwag na. Kasi mukhang sanay na siya sa kusina, palengke at pati sa dining."
"Isaiah!"
"Po?" Sagot nito.
"Marunong ka ba magluto?"
"Hindi po, hanggang ganito lang kaya ko. Maghiwa, mag-gayat at magsaing. Hindi po nagka chance matuto magluto."
"Bakit naman?" Lumapit siya dito.
"Bakit tuturuan mo ba ako?" Nakangiti nitong tanong habang naghihiwa.
"Hindi ako magaling magturo."
"Okay lang mukhang di rin ako matututo. Mas gusto ko lang kumain."
He is getting more mysterious. And she suggested it. Pero bakit nais niyang alisin ang mga mystery nito.
"Teka, bakit ganyan ka makatingin? Mukhang binabalakan mo akong kainin." Sabi nito na may halakhak.
"Hindi ako cannibal ako. Sige na kunin ko na itong mga bawang. Magsasangag na ako. Maghiwa ka pa nang marami. Marami akong lulutuin."
"Yes Madam!"
"Madam ka diyan!"
Alam niyang nagbibiro lang si Isaiah sa mga banat nito pero bakit tila may epekto sa dibdib niya ang mga salita at galaw nito.
Ayaw niyang palawigin pa iyon.
Kaibigan lang niya ito at iyon ang kanilang boundary.

AT muli na namang dinumog ang almusalan. Nangangarag na si Mirela at Mama Dina sa pagse serve at pagsukli pero si Isaiah kontrolado ang pila ng mga tao at maliksing kumilos. Lahat ay nakakausap nito at naaassist.
"Sana laging wala si Tata para mag duty sa inyo si Pogi." Kinikilig na sabi ng isang babae na bumili sa kanila ng Tapsilog.
Kiming ngiti lang ang reaksyon ni Mirela habang nag seserve.
"Minsan lang yan dito si Isaiah. Wala Kasing pasok kaya pinakiusapan ko na tulungan kami." Si Mama Dina ang sumagot.
"Isaiah pala name niya. Tunog pogi at macho gaya niya." Impit ang kilig na sabi ng bading na sumunod na bumili ng almusal.
Napailing niyang ngiti at sinulyapan si Isaiah na mabilis na nag linis ng mesa para sa susunod na kakain.
Lahat ng costumer ay halos babae at bading na kilig na kilig kay Isaiah pero si Isaiah kiming ngiti lang sa kanila at pokus sa task nito.
Hanggang sa dumating si Banjo at dumeretso sa kanila.
"Mirela."
"Banjo!"
"Isa ngang Tapsilog. Miss ko na ang Tapsilog mo."
Biglang humarang kay Banjo si Isaiah at matalim na tumingin.
"Doon ka sa dulo. Pumila ka!"
Pagak na natawa lang si Banjo.
"Mirela is my friend."
"Well, I don't care. Naghirap pumila ang mga tao. Have sensitivity and courtesy."
"Yabang mo ah!" Marahas na tinapik ni Banjo ang dibdib ni Isaiah at bahagang napaatras ito. Lumapit na si Mirela at pumagitna na sa dalawa.
"Please Banjo, pumila ka na lang."
"Angas ng boy niyo. Hindi niya ba ako kilala?" Nairitang duro ni Banjo kay Isaiah.
"Pumila ka, kanina pa kami tapos sisingit ka."
"Oo nga porke artista singit na, di ka naman sikat!"
"Sige na Banjo. Ang aga aga."
"Pa reserve na lang ako. Balikan ko mamaya!" Naiinis na umalis si Banjo. Matalim na titig ang pinukol kay Isaiah bago ito tuluyan umalis sabay nag-boo ang mga nakapila.
"Yabang akala mo kung sino parin. Hanggang extra extra lang sa mga palabas. Ang angas!" Sabi pa ng isa sa nakapila.
"Mas gwapo ka doon Isaiah. Mukha pa lang at katawan walang wala sa iyo iyon. Mas mukha ka pang artista sa hambog na iyon!"
Napangiti nalang si Isaiah sa sinabi ng isa sa nakapila.
"Sige na, balik ka na sa pagserve." Kalmadong sabi ni Isaiah.
Salamat at hindi na lumala ang eksena kanina. Kausapin na lang niya si Banjo at siya na ang maghahatid ng Tapsilog nito.



That Boy Is MineWhere stories live. Discover now