Chapter 15

6 0 0
                                    

Featured song: Iris by Goo goo dolls .

NAGING NAPAKASAYA at makulay ang Flores de Mayo na natapat sa kaarawan ng butihing kura Paroko ng Sto Niño na si Father Buquid. Lahat ng nga bumubuo ng Flores de Mayo at mga kamanggawa ng Simbahan ay naroon sa Church Covered court. At ang unang nagtanghal sa nasabing celebration ay mga pumarada sa Flores de Mayo.
At sa circular formation ay sina Mirela at Isaiah mismo ang magkapareha na nasa bilog.
"Mirela, di ko alam ito...." Na tense na reaksyon ni Isaiah.
"Ako ang bahala ..." Kinuha niya ang mga kamay nito. Siya na ang naglagay ng kanang kamay nito sa baywang niya habang maghawakan ang kanilang mga kamay sa kaliwang direksyon nito.
"Mirela ...."
"Tapusin natin ito nang magkasama."
Nakatingin lang si Mirela sa mga mata ni Isaiah. Alam niyang kinakabahan ito pero halos kontrolin na niya ang galaw nito na para bang anino niya ito.
Pigil ang tawa niya habang patuloy ang pag sway nila. Pasilip manok pa si Isaiah na nakukuha na ang step sa mga kapwa nito lalakeng escort. Natuwa niya na nakakasabay na ito kahit paano.
Madali lang naman ang mga steps at hindi na sila umalis ng puwesto nila. Pasimple na lang siyang nagsabi sa mga kasama nila.
"Dito na kami sa gitna, di na kami sasali sa rigudon."
"Rigudon?" Clueless na tanong ni Isaiah.
"Basta..."
Napangiti na lang ito na lalong nagpacute dito.
Napapabilib siya sa mabilis na paggaya nito sa mga steps.
Nang bahagyang bumilis at tumaas na ang tugtog at naglapat na ang kanilang dibdib at nayakap niya ng buong higpit si Isaiah. Mata sa matang nagtama ang. Paningin. Tila nawala ang mga tugtog. Ang ingay ng Paligid. Nahinto sila habang matagal na nakatitig. Dama niya ang matinding pintig ng dibdib nito na sinasabayan ng malakas na tibok ng kanyang puso. Tila iyon lang ang ingay na naririnig nila. At iyon ang tugtog na sinabayan nila habang magkayakap at nakatitig sa isa't isa. Lumipat na ang magkabilang kamay nila sa batok nito at ang mga kamay nito sa  baywang niya na lalong dinikit pa sa nanlalambot na niyang katawan.
"Mirela....."
Musika sa kanya ang pagsambit nito sa pangalan niya. Pakiramdam niya na siya na lang ang babae sa mundo kung titigan siya nito at yakapin. At sila lang ang nasa kanilang mundo.

I just want you to know who I am....

Huminto na ang kanta.
Tila alarm clock iyon na nagpagising sa kanila at nagpabalik sa tunay nilang mundo. Lumakas ang palakpakan ng lahat. Dahan dahan siyang napakalas kay Isaiah. Mabuti na lang at kaya pa ng make up niya sa mukha niyang tiyak na namumula na dahil nag-iinit iyon na para siyang sinilaban.
Si Chico mismo ang naghatid sa table nila na katabi mismo ng table ni Father Buquid. Nagsalita na nga ang emcee ng party para sa pag overview ng programme.
"Where's Banjo?" Tanong ni Father Buquid kay Mirela.
"Hindi ko po alam Father."
Napatingin si Father kay Isaiah.
"Salamat sa Dios at may archangel na pinadala para samahan ka, Reyna Elena.  Mukhang bago siya sa dito? Ano'ng Pangalan mo, Hijo?"
"Isaiah po, Father." Magalang na sagot ni Isaiah.
"Isaiah, isa sa mahusay na propeta sa Bibliya."
"Doon po ako ipinangalan ng Papa ko."
"Mainam. Salamat sa paghalili sa inaanak ko. Mukhang may hindi inaasahang pangyayari. Sana mauwanaan mo, Mirela."
Hindi na lang umimik si Mirela. Masama pa rin ang loob niya sa pag-indyan sa kanya ni Banjo. Hindi man lang ito nag text o tumawag sa anong dahilan at di ito nag escort. Mabuti na lang Isaiah saved her.
And he is a blessing in disguise not for this time but most of the time. At konti na lang ay mababasag na ang solid glass na humaharang sa kanya para tuluyang mahulog dito.

NAKAUWI na sina Isaiah at Mirela kasama sina Mama Dina at Tata. Matapos kumain ay umalis na si Tata para makapagpahinga dahil maaga pa sila bukas. Nagpahinga na rin si Mama Dina pagkaaalis ni Tata. Naiwan sila sa pwesto. Pagod na nakaupo si Isaiah at nakasampay sa balikat nito ang tuxedo. Hindi kumukupas ang kakisigan nito kahit gabi na.  Nagbihis na siya ng pambahay. Hinain niya ito ng mainit na gatas na may chocolate.
"Thanks." Nilagay nito ang tuxedo sa mesa at dahang dahang hinigop ang hinain niya.
" Hindi ko talaga akalain na ganito ang pakiramdam na natupad ko ang isa sa masasabi kong bucket list ng isang Filipina. Ang maging Reyna Elena. Ito pala iyon. You're right. It's empowering."
"Prof ko nagsabi niyon hindi ako."
"I almost not experience it and thanks for saving me."
Ngumiti lang si Isaiah.
"Ano ba kasing nangyari doon kay Banjo? Hindi ka na ba kinontak?"
Umiling siya. Ngayon na siya nagka focus na mainis. Wala man lang sinabi ito kung bakit ito hindi sumipot. Wala siyang idea.
Hanggang sa may umilaw sa labas. Ilang sandali ay may kumatok.
"Mirela! Si Banjo ito."
Napaatras siya. Mukhang hindi pa niya handa na kausapin ito. Si Isaiah na ang nagbukas ng pinto at nagulat na lang sila na dali dali itong pumasok.
"Mirela..I am so sorry."
Nawalan na siya ng control at sa galit niya ay nasampal niya ito.
Nagulantang ito.
"Bakit di ka sumipot? Anong balak mo ipahiya ako sa buong Sto Niño? Mabuti na lang at nandiyan si Isaiah at siya ang pumalit sa iyo at iniligtas ako sa kahihiyan dahil sa di mo pagsipot."
Tiim bagang na lumingon si Banjo kay Isaiah.
"That boy? Huh?" He became sarcastic.
"Not just a boy but man enough to stand with me. Unlike you!"
"Pwede ba akong magpaliwanag and you boy get out!" Inis na binalingan nito si Isaiah.
"Banjo?!" Saway niya nang lapitan nito si Isaiah.
"Galit ka sa akin? You should thank me for doing you a favor?" Defense ni Isaiah.
"It's better to be ingrate than to be grateful to you. Yes, ang totoo. I don't like you and maybe it's your scheme para magalit sa akin si Mirela!"
"Scheme? Sa iyo? Ano'ng mapapala ko? Yes, I feel the same thing. Tandaan mo, in this situation, ikaw ang may atraso and don't blame to me what is your shortcoming. Hijo de puta!"
Nanlaki ang mata ni Banjo sa galit na aambahan ng suntok si Isaiah pero malakas niya nito nakabig palayo at muling sinampal.
"Enough!" Nangigigil na si Mirela.
"That bastard! Walang galang!"
"Isaiah, iwan mo muna kami."
Maayos na sumunod si Isaiah na marahas na kinuha ang tuxedo bago umalis.
"Now, talk!" Pinili niyang pakinggan na ito Kahit naiinis na siya.
"I am sorry. I know that I commit this day with you. Ako pa ang nagyaya sa iyo sa Event na ito. But something happened and I can't help it not to attend to it."
"Tell it straight!"
"Tumawag ang Manager ko. An urgent audition para sa isang big project. It's my big break na ilang taon ko na hinintay. And I got it. But .....to get it i have to...."
"Leave me without an escort. Bakit di mo sinabi? Pinagmukha mo kaming tanga lalo na ako?"
"Honestly it's confidential. I can't say any details but in order for you to understand me I have to tell this. I knew I did wrong that's why I am here to say sorry."
"Akala mo ba hindi ko maiintindihan. Banjo, magkaibigan tayo, kapatid na ang  Turing ko sa iyo. Alam ko na ang tagal mo hinintay na magkaroon ng malaking break sa showbiz pero sana sinabi mo agad. And worst ang tao na gumawa ng task na iniwan mo ay siya pang inaway mo instead of thanking him."
"Hindi mo kilala ang batang iyon. Alam kong di niya ako gusto and I feel the same thing. Bakit siya? Wala na bang iba? O baka gusto mo siya?"
Napaiwas siya ng tingin.
"Gusto mo ang batang iyon?"
"Hindi ako ang may kasalanan dito. Hindi ako ang literal na nang iwan sa ere. Don't worry, hindi naman ako napahiya and congratulations. You got your big break. Maging masaya ka na lang. Magpakita ka na lang sa akin kapag kaya mo na maging pasensyoso at magkaroon ng palabra de honor."
"Mirela..."
"Umalis ka na. Nakakapagod ang gabi. Gusto ko nang magpahinga."
Umalis na nga si Banjo at sinarahan na niya ito ng gate.
Kaya naman niya palampasin ang ginawa nito pero ang ginawa niya kay Isaiah ay lalo siyang napoot.
Ngunit ang pag-iwad niya sa tanong nito na gusto ba niya si Isaiah ay tila may bahagi ng dibdib niya na gustong sumigaw.
Pero naisip niya na huwag.
Dahil baka na overwhelmed lang siya sa ginawa nitong pag saved sa kanya sa pagiging escortless.
At kahit nagka tension dahil kay Banjo ay may galak sa dibdib siyang matutulog dahil natapos  rin ang Flores de Mayo at isa siya sa nakilala ng lugar nila na minsang naging Reyna.
It's empowering.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Boy Is MineWhere stories live. Discover now