Chapter 4

9 1 0
                                    

HABANG naghahanda ng mga sahog sa kanilang ititindang Meryenda ay napag-usapan ni Mirela at Mama Dina si Isaiah.
"Iyong umuupa kay Mare, lumalabas lang kapag kakain. Nasabi ba sa iyo kung may trabaho siya?"
"Estudyante siya. Gabi yata ang klase niya." Sagot niya.
"Pansin mo na may punto at medyo bulol siya magtagalog. May ibang lahi ba ang batang iyon?"
"Hindi ko alam pero halata niyo rin pala. Natatawa ako na nabubulol siya sa Sinangag." Natawa niyang sabi.
"Parang si Leonard nung bumalik dito nagkapunto ang Tagalog niya. Ganoon daw kapag galing Spain nahahalo daw sa paraan niya ng pag sasalita."
Iyon nga ang nakikita niya. Natumbok lang ng mama niya. Eksaktong si Leonard ang nakikita niya sa aurahan ni Isaiah.
"Ngayon lang din kita na nakakangiti at nakakatawa."
"Ano'ng ibig niyong sabihin Ma?"
"Anak, Nanay mo ako. Kilala kita sa mga kilos at galaw mo. Mula nang mawala ni Leonard hindi ka na nakakatawa at kahit pilit na ngiti. At bukod sa amin ni Mare ay kami lang ang sinasamahan mo at kinakausap. Ngayon lang may sinamahan ka at kinausap nang matagal."
Na-realize niya na tama nga ang mama niya. After na mawala si Leonard ay nawalan na siya ng gana na mag socialize. Kung hindi dahil sa business nila ay baka nabaliw na siya sa sobrang dalamhati.
Lumapit sa kanya ang mama niya at bakas sa mukha nito ang galak.
"Mainam iyan ,anak. Nagsisimula ka na maka-move on."
"Paano kung sabihin ko na nakikita ko sa kanya si Leonard?"
"Nakikita mo ba sa kanya si Leonard?"
"Hindi ako sigurado pero masaya naman siya kausap. Naaalala ko lang noon kung paano kami mag-usap ni Leonard. Seryoso tapos may kurot ng biro. Pero hindi siya si Leonard. Tama kayo I have to move on at leave his memory behind by socializing. Ilang taon na rin akong ganito."
Natuwang niyakap siya ng mama niya.
Nakarinig siya ng katok.
"Wait ma, may tao."
Pagbukas niya ay napangiti siya.
"Isaiah."
Napakamot batok ito.
"Nahihiya ako pero wala ako malapitan."
"Bakit ano problema?"
"Magpapasama sana ako bumili ng drawing tablet."

SINAMAHAN na nga ni Mirela si Isaiah. Namangha siya sa mahal ng presyo ng binili nito.
"Thirty thousand plus yan. Para nga saan iyan? Curious niyang tanong matapos lumabas sa Computer Hardware Shop ng Mall.
"Mas madali kasi mag drawing dito."
"Iba ba magdrawing diyan kaysa sa papel. Hindi ko akalain na artist ka."
"Bakit mukha ba akong ano?"
Nakangiti na minasdan niya ito.
"Ah...model."
"Model? So nagagwapuhan ka sa akin?"
Nakadama siya ng pagkainit ng pisngi pababa sa kanyang dibdib na nagpainit ng kanyang kalamnan.
"Oo, gwapo ka naman. Hindi ba?"
Napangiti na umiling si Isaiah. Ang ngiti ito ay talagang lalong nagpaligalig sa nag-iinit na niyang dibdib.
"Dahil diyan at sa pagsama mo sa akin. Kain tayo. Kahit saan. My treat!"
"Naku, huwag na. Nakakahiya."
"Sige na, treat ko na rin sa pagsama mo sa akin. At saka gutom na rin ako. Kaya tara na!"
Hinila siya nito. His hot hand ignites her more. Tila may mga binubuhay itong dead area ng katawan at kaluluwa niya.
Dinala siya nito sa Jollibee.
"Mas panalo raw ang Jollibee dito."
"Panalo? Bakit sa ibang branch ba talo?"
"Dito kasi sa Pilipinas ang original na Jollibee."
Napataas kilay siya sa sinabi ni Isaiah.
"Original?"
"Tara na, hanap muna tayo ng table sabay order na ako. Ano ba gusto mo?"
Parang bata, may pa original original, may fake bang Jollibee?
Naghanap na nga sila ng bakanteng mesa at si Isaiah ay pumunta na ng counter para umorder.
Napansin niya ang ilang mga babae na napalingon kay Isaiah at napangiti na may kasamang kilig.
"Girls can't resist his charm. Iba siya. At mukhang dead ma lang siya."

MATAPOS kumain ay umalis na sila at pumunta sa daan patungo sa terminal ng tricycle.
"Nag aaral ka ano? Ano nga course mo uli." Tanong niya.
"Fine arts. Sa Montreal. Kaya nga ako bumili ng bagong Drawing tablet. I need it so much."
"It's obvious na mastery mo ang pagdo drawing. Magkano kapag nagpadrawing ako sa iyo ng portrait. Picture ng papa ko."
"Well, give the picture at mag-usap tayo after I made it done."
"Basta huwag libre alam ko na mahirap din yun Kahit expert ka pa."
Napangiti lang si Isaiah sa sinabi niya.
"Where is your parents?" Tanong niya uli.
His eyes is piercing hanggang sa napahinto ito sa paglalakad at marahas na huminga.
"They were both dead. Car accident. That's why I am alone."
Nalungkot siya para dito. Agad namang bumalik ang ngiti nito at nagpatuloy sa pag lalakad.
"I'm sorry. Wala ka bang ibang kamag anak."
"Hmm ...Iyong lola ko sa mother side she took care of me. Actually kapatid siya ng tunay kong lolo. My grandparents were also dead many years ago. Nung namatay si Lola. Umalis na ako and now I am here."
"How about your relatives sa father side?"
Pagak lang itong natawa.
"Huwag na natin pag-usapan. Mukhang hindi nga nila alam kung buhay pa ako at kung paano ako nabubuhay."
"Sorry, mukhang nagiging tsismosa na ata ako. Sige hindi na ako magtatanong Tungkol sa pamilya mo pero...ngayon consider mo na ako na maging pamilya mo."
Huminto sa paglakad uli si Isaiah at seryosong tumitig sa kanya.
"Thanks."
"Basta kung may maitutulong ako at kung kailangan mo ako, kami nila mama. Lapit ka lang."
Napasinok siya sa gulat nang bigla siyang niyakap ni Isaiah.
He is so warm as geothermal. It penetrates her heart down to her soul. Tila ang init nito ay pumako sa kanya that made her stunned and alive. May ngiti sa labi itong kumalas sa kanya
"Kaya magaan ang loob ko sa iyo. Salamat."
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa makasakay sila ng tricycle.

NAKABALIK na si Mirela kasama si Isaiah. Mismong sa Eatery sila bumaba. Saktong naabutan nilang nagsara na si Mama Dina at Tata. Lumapit si Isaiah at may inabot na take out food nila sa Jollibee.
"Ay salamat, nag-abala ka pa Hijo."
"Mapilit si Isaiah. Gusto ka po bigyan ng pasalubong "
"Sweet naman ni Isaiah. Hindi lang ubod ng pogi thoughtful pa."
Napangiti si Isaiah sa appreciation ni Mama Dina.
"Sige po, may gagawin pa po ako. Salamat uli, Mirela."
Pumasok na sa bahay si Isaiah.
"Ate, nililigawan ka na ba ni Isaiah?" Nanglalakab na tanong ni Tata.
"Hala, walang ganoon at saka ang bata pa niya. Umayos ka, Tata!" Natatawang tanggi niya.
"Bakit? Sa panahon na iyon hindi na issue kung mas bata ang jowa mo!"
"Ma, pati ba naman ikaw?"
"Bakit? Hoy Mirela, Pa, kwarenta ka na. Aba mamimili pa ba ako kung bata o matanda ang maging jowa mo. Basta maging masaya ka at gusto ko na magkaapo ano?"
"Mama, walang ganoon. Comfortable lang si Isaiah sa atin dahil tayo lang ang naka close niya sa lugar na ito. Ganoon lang. Huwag kayong advance mag-isip. Sige na pumasok na tayo. Kainin niyo yan dala ni Isaiah at makapagpahinga na. Maaga pa bukas."
Ayaw niya isipin ang naiisip ni Tata at mama niya pero may impit na kilig na lumiligalig sa loob ng dibdib niya na kanya lang pinipigilan.

That Boy Is MineWhere stories live. Discover now