Chapter 10: Kabig ng dibdib

14 2 0
                                    

May 11

Lee POV

Takte! Yayayain ko ba siya magsine?! Malapit lang naman ung sinehan dito. Mamaya isipin niya tinetake advantage ko na siya. Kanina hinolding hands ko siya tapos sinalabay ko pa siya. Concern lang naman talaga ako sa kanya atyaka para mabilan ko siya ng sapatos sayang den un.. Arrgghhh!! Baka hindi naman.Tinignan ko ulit si emma habang nakaupo kami dito sa bench. Ang ganda niya talaga! Napakainosente parang bata. Sige na nga! yayayain ko na siya magsine. Napagod sya kakahabol saken tapos papauwiin ko lang siya. Kasama ko na siya ngayun susulitin ko na hangga't kaya ko pa.

Lee: Emma sine tayo!

Emma: Sige ba!

Hahahaha! Yesss pumayag agad sya. Ang saya ng mukha niya.

Lee: Ano bang movie maganda panuodin?

Emma: Showing na ata ung Incideous.

Lee: Gusto mo ba yon? Nkakatakot yun ha!

Emma: Oo naman!

Lee: sure ka na ba? Baka maginarte toh sa sinehan.

Emma: Oo naman! baket natatakot ka?

Lee: Hindi ah! tara na nga! Ako pa nasabihang natatakot! hahah! tignan lang naten.

Maya maya mukhang magsisimula na ung movie. Parang naiihi ata ako kaya nagpaalam muna ako kay Emma na ccr muna ako. Pero bigla niyang hinawakan ung kamay ko. Takte napangiti ako. Siguro natatakot to maiwan mag isa hahha! Humarap ako sa kanya at grabe ung tingin niya sakin. Slightly nakangiti tapos ang laman ng titig nya sakin. Napalaki lalo ung mata ko nung hinila niya ako papalapit sa kanya. Takte! naninigas ung katawan ko. Ung puso ko parang sasabog. Napakapit ako sa dibdib ko. Tapos inilapit pa niya ung bibig niya sa tenga ko. Nararamdaman ko ung init ng hinga nya. Ang sarap sa pakiramdam. Mukhang bubulong siya. Ano kaya ibubulong niya. Grabe ganto na ba ako kagwapo. Hahaha! lakas ng kabig sa sarili.

Emma: May mumu sa banyo.

Ha! un lang yon?! Kala ko! Assuming kase amputtsss! Napaupo na lang ako na parang nanghihina ang bilis pa ren ng tibok ng puso ko! Tapos siya naman tumatawa lang.

Lee: Natatawa ka nanaman mag-isa jan ha! Kainin mo na lang toh.

Tapos ayun nagsimula na ung palabas. Umpisa pa lang napapasigaw na ako. Grabehan pala tong palabas na toh! sobrang suspense. Ano ba toh bakit ang init dito sa loob. Pawis na pawis na ako. tapos ayun may lumabas nanaman na nakakatakot. anu bayan sunod sunod nanghihina na ako.

Lee: AAAAHHHH!!

Napahawak ako sa hawakan ng upuan ko. Sobrang higpit ng hawak ko. Kinakabahan talga ako sa palabas na toh. Teka bat ganun? Ang lambot tapos ang liit pagtingin ko kamay pala ni emma ung nahawakan ko. Napatingin ako sa kanya. Bakit siya nakayuko? Nakapikit pa!





HALF ASLEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon