Lee POV
Naglakad na kami ni lola Esther at napunta sa plaza. Parang alam ko na kung saan kami pupunta.
"iisa lang ang hiling ko sayo Lee."
Ano po yun?
"wag mo ipagsasabi tong lugar na pupuntahan natin, parte na kasi ito ng pagkatao ko at ikaw ang una kong mapagsasabihan ng lugar na to. Maaasahan ba kita? "
Opo! Mapagkakatiwalaan nyo po ako.
"mabuti naman. Nandito na tayo. "
Nasa harap kami ng puno.
"simulan mo na maghukay"
Okay po.
Naghukay na ako maya-maya nakita ko na ung kahon at inabot ko kay lola Esther.
"siguro naman alam mo na ang istorya sa likod ng kahon na ito? "
Opo. Pano nyo po nalaman??
"eh kase lahat ng makilala ni emma,pinagyayabang nya ang storya namen ng lolo nya"
Ahh. Ganun po ba hahaha!
Binuksan na ni lola ang kahon at don ko nakita kung gano kadami ung sulat. Isipin nyo masmatanda pa sakin tong mga sulat na to pero maganda parin ang lagay ng lahat ng papel. May laman den na mga alahas at bulaklak ung loob ng kahon. Tinanggal ni Lola ung mga lumang bulaklak at pinalitan ng panibago.
"kunin mo na ung kwaderno, para makaalis na tayo. "
Sigurado po ba kayo? Ayos lang sa inyo kung kukunin ko ito??
"oo naman at lalo akong matutuwa kung magagaya mo ang mga laman nyan. Ibalik mo na lang kapag tapos ka na. "
Okay po. Maraming salamat po! Gagawin ko po ang best ko!
Tapos binaon na namin ung kahon at naglakad na pabalik.
Lola gutom na po kayo?
"hindi pa. Gutom ka na ba? "
Opo eh. Libre ko po kayo! Kumakain po ba kayo ng Isaw?
"oo naman"
Eh balot po?
"oo masarap yun paborito namin kainin ni Ernesto yun"
Ahh talaga po? Tara kain po muna tayo.
"osige"
"alam mo Lee naaalala ko sayo si Ernesto. "
Talaga po.
"oo naman! "
Bakit po?
"di ko nga alam eh. Basta. "
Kayo talaga Lola. Hahahahha!!
Matapos non umuwi na kami.
E: Lola san po kayo galing??
"nagisaw at balot kami ni Lee sa may plaza. "
E: talaga po?! Bakit di nyo kami sinama? Daya.
"eh biglaan lang eh. Pasensya kana apo. Eto binilan naman kita eh"
E: yeheyyyy! Thank you po Lola.
Mahilig din pala si Emma sa mga ganong pagkain.
Nung gabing yon di ako natulog dahil isa isa kong prinactice ung mga magic na napili kong gawin para bukas. Tulog na si Emma kaya kailangan tahimik lang ako. Sa tingin ko naman kaya kong maggawa tong mga magic bukas konting practice na lang. Pipicturan ko na lang ung ibang pages ng notebook para maibalik ko na den kay lola.
Teka! Asan cellphone ko? (Kapa kapa) hala wala talaga! Di ko naman dala un kanina eh. Nakita ko ung phone ni Emma sa kama."emma peram muna ha" di sya naggigising. Kinuha ko na ung cellphone nya at tinawagan ung cellphone ko.
*quiiirrrkkk quiiiirrrkkk*
Ayun! Nakita ko umilaw ung cellphone ko kaso nasa bulsa ni Emma. Di naman sya naggigising kase hilik nya ren naman ung ringtone ko. Kaso pano ko kukunin??
Unti unti kong hinatak ung cp ko sa bulsa nya. Hallaaa! Parang naaalimpungatan sya!
E: uuugghh... Hala may nag misscall sa cellphone ni Lee. Lee oh cellphone mo. Ay tulog na pala si Lee iwan ko na lang dito. Back to sleep.
*quiiirrkkk quiiiirrrkk*
Tulog na sya agad ilang segundo pa lang. Buti na lng di nya nahalata na nagtutulug tulugan ako. Napicturan ko na at naitago ko na den ung mga ebidensya ko. yesss!makakapagpahinga na den sa wakas. Goodnight Emma. Happy birthday. :)
BINABASA MO ANG
HALF ASLEEP
Roman d'amourPaano na lang kung isang araw gumising ka sa hospital sa di malamang dahilan kasama ang isang lalaking unang beses mo lang makita sa buong buhay mo at lahat ng inakala mong tunay ay wala palang katotohanan. Ito ay ang kwento sa buhay ng isang unika...