May 13 na. That means birthday ko na. I feel so glad. Kinakabahan ako. Mga ilang minuto naren akong nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Gising na kaya si Lee? Wala sya sa baba ng kama ko. Baka bumaba na sya. "haayyyy! " nag-unat unat ako tyaka nagdasal. Thank you Lord sa panibagong araw at taon ng buhay ko. Matapos non tinignan ko ung oras. Hmm! Himala ang aga ko naggising. Mag e-8 pa lang. Ang aga pala bumangon ni Lee. Pumunta ako sa banyo para maghilamos at magpalit. Buti naman wala na ung pimple ko. Pagkatapos non bumaba na ako.
Wala na ring tao sa bahay. Ang aga naman. Buti may pagkain sa mesa. Uy! Itlog na maalat na may kamatis, tinapa, sinangag at kape. Namiss ko to. May bulaklak pa at sulat.
Dear birthday girl,
Siguro nagtataka ka kung bakit mag-isa ka ngayon well wag kang magaalala papunta na jan si Jasmine. Siya na bahala sayo. The party is at 6 pm so fix yourself. The theme is Bohemian or coachella and i already bought you the clothes you like, its up to you which one you will use. Good luck! See you.
Sincerely,
MomOkay.
*ding dong*
Sakto, anjan na si Daniela. Di ko na yan pagbubuksan ng pinto pumapasok naman sya mag isa eh.
"hi babeeee! Happy birthday! "
Yooww! Thanks! Kumain ka na?
"di pa nga eh"
Tara kain!
"osige"
Si Cy dadating ba?
"oo otw na daw"
Maya maya dumating na si Cyreen.
"hi Emma Happy birthday! "
Thank you!
Cy: Maligo ka na Emma at aayusan ka na namen.
"ehhhh ayoko pa ang aga pa mag 10 pa lang."
JD: Alam mo namang mahirap ka ayusan diba?
"oo na eto na maliligo na"
After 1 hour tapos nako maligo at nakapili na ren ako ng susuotin.
"yan! Ready na! "
JD: lika na make up na.
"okay! Wag masyadong makapal ha"
JD: okay. Pumuwesto ka na.
Habang minemakeupan ako si Cyreen naman nagbabalat ng mga mangga tapos sinasawsaw namen sa bagoong.
* After 15 minutes*
JD: Voala!
Tapos tinignan ko ung sarili ko sa salamin. Shemay! Ako ba to? May igaganda pa pala ako hahah!" Thank you Daniela! "
JD: oh bilib ka nanaman saken! Hahahhah!
Cy: hoy mga panget alas dose na! Kain muna tayo. Ito tapos na ung pizza na niluto ko.
JD: yes naman Cy gumagaling ka na sa pagluluto haaa!
Cy: syempre naman! Masarap magluto lalo na pag may inspirasyon!
E: sus! Sino naman kaya yan? Di ka nagkekwento ha.
Cy: basta kasamahan ko sa cooking class. Tyaka na ung ibang mga detalye.
JD: pabitin pa! Pero infernece sarap ng pizza mo!
E: oo nga! Baka naman pinadeliver mo lang to! Hahahaha!
Cy: baliw ka talaga!
*tenenenenen tenenenen*
Nagriring ung phone ko. Si mama tumatawag.
"oh hello po ma! Bakit po? "
M: anak? Naka ready na ba kayong tatlo?
"opo ma! Bihis na po kami"
M: ganon ba? Pinapunta ko na si Steve jan para sunduin kayo.
"talaga po Ma?! Si kuya Steve dadating"
M: oo kaya magready na kayo jan ha.
"okay po babye! "
"JD! Si kuya Steve daw dadating!!"
JD: AAAAAHHHHH!! Ang pinakahihintay ko! Emegesh emegeshhhh!
Cy: Landi mo! Hahhaha!
*beep beeeeeppp*
JD: anjan na! Anjan na!
Aba't nag-ayos ayos pa ang babaita! Hahhah! Kase naman highschool pa lang kami crush na crush na ni Jasmine ang pinsan kong ubod ng appeal kaso lagi silang nagkakasalisi. Pag single si JD may ka love team naman si kuya at pag single si kuya may umaaligid naman kay JD. Hay! Ewan ko ba!
Steve: oy! Hi Emma! Hi Cy! Hi Jasmine! Ano ready na ba kayo? Tara na!
JD: hi din Steve! Tara!
"JD dun ka na lang sa harap. Tabi kayo ni kuya, tabi na lang kami ni Cy."
JD: okay madali naman ako kausap eh.
Maya maya nagstart nang umandar ung kotse.
"so kuya san ba tayo pupunta? "
"basta mag intay na lang kayo makikita nyo den, oo nga pala Emma, since 21 years old ka na pwede ka na uminom diba"
"oo naman kuya basta sabi ni Daddy nasa lugar daw, hindi ung kung sino sino lang kasama"
"yes naman, hahahha? Mature ka na nyan? Hahahah! "
"ano ka ba kuya matagal na kong mature"
"mature, nanonood ka pa nga den ng cartoons"
"baket ba? Hahahah! "
"hahahah! Para ka paring bata! "
"ikaw? Kamusta ka naman Jasmine? Tagal na natin di nagkikita ha! Lumaki ka na den pala. "
"ikaw talaga! Syempre naman! Magandang dilag na den ako no hahahha! "
"weeehhh? Hahahah! "
At yun na nga. Nag asaran lang ung dalawa sa kotse kahit halatang halata naman na namiss nila ang isa't isa. Maya maya nakarating na kami sa destination namin.
"andito na tayo"
sabay pinagbuksan ni kuya ng pinto si JD. Hay! Talaga naman! Hahaha! Mga galawang breezy. Hahhaha!
Bumababa kami sa Enchanted Kingdom! Yes! Matagal ko nang gustong pumunta ulit dito!
"pero bakit tayo nandito eh sa resto ang Celebration ha? "
"di pa ba obvious? Dito tayo magcecelebrate! "
"eh asan sila mama? Si Lee? Ung mga bisita? "
"di ko alam? "
"ha!? Di mo alam?! "
Tapos biglang may bumalot na blind fold sa mga mata ko.
"huy! Ano nangyayare? Wait lang! Ano nanamang trip to? Taon taon na lang! "
Tapos hinila na nila ko at dinala sa ewan na lugar. Maya maya tinanggal na nila ung blind fold ko.
"Surprise!!!"
"woooaahhh! "
Ang daming tao! Mga college friends ko, pinsan, kamag anak, ilang highschool friends at si Lee.
Nakangiti lang saken si Lee habang kumakanta ang paligid. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Naooverwhelm ako. Bakit ganon? Di ko maalis ung tingin ko kay Lee. Puro Lee ang nasa utak ko!
"Emma halika dito ka uupo" sabi sakin ni Kuya Steve.
BINABASA MO ANG
HALF ASLEEP
RomancePaano na lang kung isang araw gumising ka sa hospital sa di malamang dahilan kasama ang isang lalaking unang beses mo lang makita sa buong buhay mo at lahat ng inakala mong tunay ay wala palang katotohanan. Ito ay ang kwento sa buhay ng isang unika...