Chapter 11 : !!pikit mata!!

12 2 0
                                    

Emma POV

Shems! Eto nanaman ung puso ko. Ang OA masyadooo!! Emma, relaksss! hinawakan ka lang niya kase kinakabahan siya! Wag ka masyado magpadala anu ka ba! Cge pikit ka muna. Relaks! Hindi pa rin sya bumibitaw. Maya maya minulat ko na ung mga mata ko.

Lee: Buti naman gising ka na. Ang tagal mong nakatulog. Tapos na ung movie.

HA! Tapos na! Nasa kalagitnaan palang kami ng storya kanina! Tapos na agad! Ganun ba ako katagal nakapikit. Siguro sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang bumilis rin ung oras. Di ko akalain to grabe.

Emma: Oo nga eh! Hahaha! Napakamot ako sa ulo ko. Syempre palusot ko lang yon no. Alangan naman sabihin ko ung totoo sa kanya. Magmumukha akong timang non hahahah!

Lumabas na kami ng sinehan. Nagulat ako gabi na rin pala. Iba talaga ung takbo ng oras pag masaya ka.

E: Hehehehe..

L: Natatawa ka nanaman mag-isa. Baket may dumi ba ako sa mukha?

Napatawa pala ako ng malakas kala ko sa isip ko lang.

E: Wala! natatawa lang ako kase ang duwag mo kanina.

L: Ako? duwag? parang hindi naman.

E: sa takot mo nga sigaw ka nang sigaw tapos hinawakan mo pa ako!

L: naisip ko lang na baka natatakot ka na kaya hinawakan kita! nakapikit ka nga buong movie eh sinong mas natakot sa ting dalawa?

E: hmp! bahala ka nga.

L: halika na nga ihahatid na kita sa inyo.

E: o sige. baka nagaalala na ren sila mama at papa pero okay lang kase tinext ko naman si mama na nagsine kami ni lee. Kung nagtataka kayo kung paano ako uuwi kung sa manila ako nakatira may bahay ang lola ko dito sa Cavite at doon muna nagstay sila mama at papa kaya doon na rin muna ako uuwi.

L: o sige tara. Paano ba papunta don?

E: sasakay lang tayo ng jeep tapos bababa sa gate ng Crystal. Crystal Aire ung pangalan ng subdivision kung saan nakatira si lola.

L: ah okay tara!

Pumunta na kami sa terminal ng jeep. grabe ang haba ng pila punuan ung mga jeep. natagalan kami bago makasakay kaya lalo pa kaming ginabi. 

L: yess malapit na tayo.

Nagbayad na kami kaso nung sasakay na kami tinanong kami nung condoktor kung okay lang ba daw na sumabit kami kase last trip na daw yon atyaka puno na ung jeep. May choice pa ba kame eh last trip n nga divaaahhh..

L: oh ano sabe ni kuya?

E: Sabit na lang daw tayo.

L: oh talaga?!

E: bakit parang ang saya mo pa?!

L: syempre first time ko toh! whooooo!!!

E: hayzzz... hahahah! tara na nga!

Nung sasabit na sana ako sa jeep biglang pinababa ako ni lee at sabi niya don na lang daw ako sa hagdan umupo. Nilabas niya ung panyo niya tyaka niya nilatag don sa sahig at doon daw ako maupo para daw di ako madumihan. HARHARHAR! <3 tapos sumabit na siya. Nakatayo siya sa gilid ko. Tapos umandar na ung jeep.

L: WHOOOWWW!!!!

HAHAHAH! Grabe enjoy na siya ang bagal pa lang ng takbo ng jeep. tapos maya maya bumilis na. Grabeh! Tumatalon talon pa siya sa tuwa. Mamaya mahulog siya diyan eh! Ako ung natatakot para sa kanya!

HALF ASLEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon