May 12, 2013 9:03 PM
Lee POV
Matapos ang masayang araw sa beach ay umuwi na kami pabalik sa bahay ni lola. Uuwi na sana ako kaso nirequest ni tito na magstay ako kahit ilang araw lang dahil birthday na ni Emma bukas. Ipapalano daw namin ung surprise para sa kanya. Ang problema ko is wala akong maisip na pangregalo! URGH! Ang hirap pala umisip ng ireregalo.
Sa ngayon nakahiga lang si Emma sa kama niya habang tinitignan ung mga luma niyang gamit nung bata pa siya.
E: Grabeh! Sabay napaupo sa kama.
"Lee!"
"oh" umupo ako sa kama atyaka niyakap ung lumang teddy bear ni Emma.
"Tignan mo oh"
"Ano yan"
"lumang drawing ko noong 6 years old pa lang ako. May date pa na nakasulat"
"Wow, hhahahah! Ang cute! Galing mo pala magdrawing eh!"
"Talaga?"
"Patingin nga nung iba"
Tinginan ko isa isa ung mga drawing. Mga design ng damit. Ang galing nya magdrawing kase parang pang designer talaga ung mga damit ang naiba lang may mga heart shapes at flowers pero ang ganda talaga ng mga damit. Di mo akalaing galing sa imagination ng 6 years old na batang babae.
"Pwede mo siguro ito ipasa sa mga designing company o kahit ipatahi mo na muna tapos ipresent mo, siguradong maaapreciate nila to kase ang ganda talaga."
"Hahaha! Nakakahiya.. wag ka mag alala. baka dumating den ung time na magkaroon ako ng confidence at eagerness para ipursue ung gusto ko"
"Naniniwala ako sa capabilities mo. Ang galing galing mo kaya!"
:)
Chineck ko pa ung ibang laman ng box. May music box, albums, mga laruan, at mga alahas. Binuksan ko ung album at tinignan ung mga baby pics niya.
"Ugh! Grabe ang taba moooo!!"
"hala! ano yan!"
"Baby pics mo!hahahah!"
"Hala wag kasii!"
Trinay nya agawin pero syempre di ako nagpaawat. Hahahah!
"okay I give up! tignan na nga lang naten.."
"hahah! papayag ka rin pala eh"
"oo sigi na!"
"hahahah!"
Binuksan ko na ung album at dahan dahan na nilipat ung mga pages.
"Galing naman ng lola mo at naitago pa tong mga toh."
"oo nga eh. Siguro kung nasaken toh siguradong wala na tong mga toh."
"Ang ingat ng lola mo sa gamit. Pati tong bahay at mga furniture ang gaganda pa den kahit antique na."
"Oo pati nga itong kwarto ko, kung ano ung itsura niya dati ganun pa den kung kelan ko iniwan. Ung pintura at mga kahoy wala pang bakbak. Sa totoo lang, kasing tanda ng bahay na ito ang pag iibigan nila ni lolo. Binili kasi nila ito ilang araw bago sila magpakasal."
"Ung lolo mo nga pala asaan na?"
"Wala na eh. sa katandaan rin kase. Noon,nagkaroon ng sakit si lolo, naging sobrang makakalimutin niya na kahit si lola di na niya maalala. Ang akala niya bata siya at lola niya ang kanyang asawa. Pero kahit na ganoon doon ko nakita ung tunay na pagmamahal ni lola sa kanya.
One time, gusto ni lolo manghuli ng gagamba kase ipanlalaban nya daw sa kapit bahay. Kinuha niya ung kahon ng posporo tapos pumunta siya sa gubat para manghuli. Ang tagal nawala ni lolo at syempre sobrang kinakabahan naman si lola Esther. Naghanap kami ng naghanap sa gubat, pero di namin siya makita. Naghiwahiwalay na sila sa paghahanap. Ako naman pinabalik na sa bahay kase gabi na rin at may pasok pa daw ako kina bukasan."
BINABASA MO ANG
HALF ASLEEP
RomancePaano na lang kung isang araw gumising ka sa hospital sa di malamang dahilan kasama ang isang lalaking unang beses mo lang makita sa buong buhay mo at lahat ng inakala mong tunay ay wala palang katotohanan. Ito ay ang kwento sa buhay ng isang unika...