E: Tara na!
L: Saan?
E: Saan pa nga ba?!
E: sa kusina! ano banaman to nakalimutan mo agad!? hahhaha!
L: "Ay oo nga pala. HAHAHAHHA!" Ano ba yan baka naobvious ata ako na lutang ung utak ko kakaimagine! shunga mo lee!
Nakarating na kami sa kusina tapos binuksan namin ung ref kung ano meron.
E: Sopas na lang para madali. Oh ito lee ichop mo ng pacube ito naman pa stripes.
Tapos inabot niya saken ung mga gulay nagsimula na akong maghiwa habang siya naman nagpapakulo ng tubig tyaka nagprito ng giniling. Nung kumulo na ung tubig nilagay niya na ung macaroni. Nagluluto lang siya habang ako naman kinakalikot ko ung cellphone ko. Walang wifi. Vinivedeohan ko siya habang nagluluto pero parang hindi niya ako napapansin tapos tinignan nya ung cellphone niya at nagpatugtog ng uptown funk. Hahah! sumasayaw na siya habang nagluluto!! parang nagcacramping pa hahahahh!! ang kyot kyot!
Vinivideohan ko siya habang sumasayaw. Tawang tawa talaga ako. Pinatong ko ung cp ko sa mesa ng medyo nakaslant para mavideohan ko paren siya. Tapos bigla siyang tumingin nang masama saken ng malaman. Tapos unti unti siyang lumalapit saken habang sumasayaw. Ako naman gulat na gulat sa kinauupuan ko! grabe ang ganda nya... Ui lee! tama na yan.
Tapos bigla niya akong hinila. Anong gagawin nya saken?!!!
E: Tara sayaw tayoo!! whhoooo!!!
L: HAHAHAH!! Tapos nakisayaw na lang ako. Tapos biglang lumipat na ung music sa watch me whip. Tapos biglang sabay na sabay ung steps namen ang galing hahahah!! Feel na feel talaga namin ung sayaw! ung facial expressions namin mala gangsta! hahahah! ineenjoy lang namin sumayaw tapos biglang narinig namin ung pagkulo ng tubig. Napatakbo si Emma pabalik sa kalan.
E: AAAHHHH!
L: Nadulas nanaman si Emma! Buti na lang nasalo ko siya kung hindi mauumpog talaga sa kanto ng island ng kusina.
E at L: hu! hu! hughh...
L: Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Naririnig ko ung paghinga niya. Arghhh!! ang ganda niya talaga. Nakatitig lang siya sakin. Nakatitig lang din ako sa mga mata niya. Maya maya biglang lumaki ung mata niya at pinilit bumangon sa pagkakasandal sa braso ko. Tumayo sya tyaka pinagpag ung damit niya. Tapos sabay kami napakamot sa ulo.
E: ay! ung sopas!
L: oo nga pala!
Tumakbo kami papunta sa kalan.
E: Wala na! tuyot na! ang onti na lang ng sabaw! paano pa natin to makakain di na to masarap.
L: Parang naiinis siya ha.. siguro nagugutom na kase.
E: ikaw kasi eh ayaw mo pa ko bitawan kanina! Antagal tagal bago mo ko itayo!
L: Ako pa talaga ha! tyaka di naman matagal ung pagkakahawak ko sayo ha!
E: Antagal kaya!
L: Ikaw kase! sasayaw sayaw ka pa jan! :P binelatan ko sya.
E: aba! :PPPPP binelatan nya din ako. Mejo natawa ako sa ginawa niya.
L: Hmp! akin na nga ako na lang kakaen! Hinawakan ko ung kaldero.
L: ARAY!
E: Ayan! Kita mong mainit pa hinawakan mo agad!
Hinawakan niya ung kamay ko tapos tinutok niya sa gripo. Tapos sinindi niya ung tubig. Tinitignan ko lang siya habang siya naman nakatingin lang sa kamay ko na kanina nya pa hawak.
E: ano okay na ba? di na ba masaket?
L: di na masyado. :) thank you.
E: (oh shemay ang cute nya!) o siya! kumain na nga lang tayo.
L: Bigla siyang tumalikod tyaka kumuha ng pot holder at naghain. Bumalik naman ako sa mesa tapos nakita ko don ung cellphone ko. Nakalimutan ko pala toh hindi parin nagstastop ung pag record.
Tapos na maghain si emma kaya binulsa ko na ung cellphone ko. Umupo na kaming dalawa. Tapos kumain na kami. Grabe ang tahimik walang imikan. Bakit ganto. Ang awkward ng atmosphere pero pakiramdam ko ang saya saya ko pa den sa loob loob ko.
Matapos namin kumain ako naman ung naghugas. Tapos siya naman nanonood lang ng tv. Tahimik parin kami tulad ng kanina. Pero ang saya saya parin sa pakiramdam. Sya naman tawa lang ng tawa sa pinapanood niya.
Sa wakas natapos na din ako maghugas ng pinggan. Pupunta na ko sa sala para makinood ng tv. Nakita ko si Emma nakaupo sa sahig tapos nakatabingi ung ulo. ang hilig nya talaga umupo sa sahig.
L: Emma!
Tatabi na sana ako sa kanya nang biglang
*qrrrrrkkkk qrrrrkkkk*
Aba nakatulog na pala nang nakaupo hahha! luffet! Anong gagawin ko dito?! Pinatay ko ung tv tyaka kinarga ko si emma kaso biglang nalaglag ung cp niya. Napansin ko di nya paren pala pinapalitan un wallpaper hahahah! Gwapo ko talaga! hahahhaha! jukkk! kinuha ko ung cp tapos binulsa ko tyaka kinarga ulet sya. Grabe tulog na tulog na siya. Ang lakas ng hilik nya. Ung ulo niya lagapak na lagapak tapos ung buhok niya nakalaylay lang.
unti unti kong inakyat ung haggdan. Medyo challenging kase may pagkamabigat rin si Emma. Pero salamat sa Diyos at di kami nalaglag.
Tinulak ko ung pinto ng kwarto niya gamit ung likod ko tyaka ko siya hiniga sa kama at kinumutan.
E: Lee... mmhhmm.. nya nya.. thank you.
L: Hala! nagsasalita si Emma habang tulog? Pinakinggan ko lang siya sa pagsasalita.
E: Lee.. Leeeeee..Leeebagin! hahaha.... *qrrrrkkk qrrrrkkk*
L: ano daw?! Libagin?! Chineck ko ung kili kili ko. Wala naman! Hay nako emma.
Matutulog na nga ren ako. Naantok na ko buti na lang may nakahanda ng kuchon sa lapag.
Pinatay ko na ung ilaw tyaka humiga at nagkumot.
E: Lee...
L: hmm??
E: hindi ka na aalis...
L: Oo Emma pangako..
E: *qrrrrkkkk qrkkkkk*
L: hahaha...
![](https://img.wattpad.com/cover/23025592-288-k858657.jpg)
BINABASA MO ANG
HALF ASLEEP
RomancePaano na lang kung isang araw gumising ka sa hospital sa di malamang dahilan kasama ang isang lalaking unang beses mo lang makita sa buong buhay mo at lahat ng inakala mong tunay ay wala palang katotohanan. Ito ay ang kwento sa buhay ng isang unika...