12

10 1 0
                                    

When we got to his unit ay deretso kaagad siya sa kanyang kwarto. Sinundan ko naman ito dahil baka bigla na lang itong mahimatay ng wala sa oras.

"Magpalit ka na muna ng damit bago ka matulog."
Agad kasi itong humiga sa kama. Ni hindi man lang ito nag abala na tanggalin ang suot nitong coat at sapatos. Subalit hindi man lang ako pinansin. Tulog na ata. Malamang ay kanina pa nito gustong humiga. Sabagay may sakit eh, pagbigyan na lang.

Huminga ako ng malalim at tumungo sa kinaroroonan niya. Sinilip ko siya at nakita kong talagang himbing na himbing na ang tulog nito. Mukha talang siyang baby tuwing natutulog. Ang sarap niyang pang gigilan.

I went to the bathroom for awhile para kumuha maliit na batya na mayroong maligamgam na tubig at bimpo na ipampupunas ko dito. Pumunta rin ako sa walk in closet niya at naghanap ng pampalit na damit. Kumuha ako ng isang plain white shirt para mapalitan siya. Baka kasi matuyuan ito ng pawis dahil sa doble dobleng init niya.

Nang bumalik ako ay hindi man lang nag bago ang posisyon nito.
Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang sapatos, pati na rin ang suot nitong medyas. In fairness, mabango ang mga paa niya.

Matapos iyo ay tinanggal ko na rin yung coat niya. Napalunok ako. White long sleeve polo, yan na lang ang natitira niyang pang itaas. Wala akong balak na palitan pati pantalon niya. Hello? Hindi ko na kering gawin yun.

I removed his black necktie and I started to unbotton his polo.
1st, 2nd and 3rd buttons are now opened.
Damn, ang lapat ng dibdib niya.
Oo, hindi ito ang unang beses na pagkakita ko sa katawan niya pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mabother sa katawan nito.

"Sheesh, Mia. Mag hunus dili ka."
Bulong ko naman sa sarili ko.
Tinapos ko na rin yung pag kakabukas ng kanyang suot na damit. At tama nga ako, tagaktak ang pawis nito sa dibdib hanggang sa abs, I mean sa tiyan.
Mas lalo siyang naging hot sa paningin ko pero ipinag walang bahala ko na lang ito.

Kinuha ko na yung bimpo at marahan na pinunasan ang noo nito, hanggang leeg at sa kanyang perfectly chiseled chests and abs.

Matapos ito ay binasa ko na ang isa pang bimpo na nandoon.
Nakita ko kumunot ang noo niya pero yung mga nito ay nanatiling naka pikit.

After sometime ay natapos na rin naman ako. Walag akong balak na patagalin ang pagpupunas sa kanya. Baka kasi lumala ang sakit niya at maging pulmonya pa.

I gently put on his shirt onto his head. Mukhang alam naman niya ang ginagawa ko kaya hindi ako nahirapan na isuot sa kanya yung damit.

Hay, salamat sa Diyos, natapos na rin. Nakahinga na ako ng maluwag.

Inayos ko ang pagkakahiga niya itinaas ang kumot hanggang leeg niya. Tinaasan ko rin yung heater sa loob na kwarto niya.

Mamaya ko na siya papainumin ng gamot kapag naka kain na siya.

Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng shirt and cotton shorts.
Then I went to the kitchen para mag luto. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako marunong magluto. So ano?Nganga? E kung magpadeliver na lang kaya ako ng pagkain para hindi na ako mahirapan?
Pero parang mas maganda kung ako na lang yung mag luluto para talagang todo effort.

Hay, hawak hawak ko yung ulo ko at naisipan ko na lang na igoogle ang problema ko. Nagbasa ako ng ilang recipes at pinili ko ang isang simpleng chicken soup.

How hard can it be?
Para Math lang naman ata ito. Kailangan ko lang na pag aralan amg equation para makuha ko ang solution.

I got some of the ingredients, hiniwa ko naman yung mga kailangan. Oo, hindi ako marunong magluto pero magaling akong mag hiwa nuh. And I followed the instructions.

I am Yours to KeepWhere stories live. Discover now