PAGKATAPOS ng klase ay agad na tumakbo si JB papunta sa coffee shop. Dahil naging abala siya sa school projects nitong nakaraang dalawang linggo kaya palaging gabi na siya nakakadaan doon. Hindi tuloy siya mapakali. Pero kahit abala siya sa ginagawa ay hindi niya nakakalimutan na i-text si Yerin ngunit hindi ito sumasagot gaya ng dati. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Kahit na nag-aalala siya ay inisip na lang niya na busy din ito gaya niya.
Kaya ng araw na iyon nang matapos ng maaga ang klase nila ay agad siyang pumunta doon sa coffee shop kung saan paboritong puntahan ng dalaga. Nagbabaka sakali siya na matagpuan doon si Yerin. Ngunit nalaglag ang balikat ni JB nang pagdating doon ay wala siyang Yerin na naabutan. Nagdesisyon siyang pumasok at nagtanong sa isa sa crew doon.
"Miss, excuse me. Pumupunta ba dito 'yong babaeng maganda, straight 'yong buhok na hanggang balikat tapos maputi. Mga ganito ka—"
"Ah si Miss Yerin ba? Wala eh! Hindi siya napapadaan dito, isang linggo na," sansala nito sa sinasabi niya.
Nagtaka siya kung bakit nito kilala ang dalaga. "Kilala mo si Yerin?" tanong pa niya.
"Oo, regular customer kasi namin siya. Ewan ko nga eh, nitong mga nakaraan araw hindi na siya pumupunta dito," sagot ng crew.
"O sige, salamat ha?" usal niya.
Walang nagawa si JB kung hindi lumabas ng coffee shop na iyon ng dismayado. JB miss her. Gusto na niya ulit itong makita. Napahinto siya sa paglalakad ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon ng makitang si Lloyd ang tumatawag.
Kinuha niya ang cellphone at sinubukan ulit tawagan ito. Parang tumalon ang puso niya sa tuwa ng sagutin iyon ni Yerin. Napawi ang pag-aalala niya ng marinig ang malamyos nitong tinig.
"Hello, Yerin?"
"JB," sagot nito.
"Yes, it's me. Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko," sabi niya.
"Pasensiya ka na ha? Busy ako nitong mga nakaraan linggo, may inaasikaso kasi ako eh," paliwanag nito.
"Hindi, okay lang. Puwede ba tayong magkita mamaya? May sasabihin sana ako sa'yo," sa halip ay tanong din niya.
Hindi ito agad sumagot, bagkus ay narinig na lang niya itong bumuntong-hininga.
"O sige, may sasabihin din ako sa'yo," sagot ni Yerin.
"Yes!" masayang bulalas niya.
"Magkita na lang tayo doon sa park na huli natin pinuntahan, mamayang alas-siyete ng gabi," sabi pa nito.
"Sige," mabilis niyang sagot.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay agad siyang tumakbo pauwi sa dorm nila para maligo at magbihis.
"Date with Yerin again?" nakangising tanong ni Lloyd.
Ngumiti lang siya dito saka muling binalik sa repleksiyon ang tingin niya.
"Pare, payong kaibigan lang. Huwag mong masyadong paasahin ang sarili mo, dahil baka masaktan ka lang," paalala ni Lloyd.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
Nagkibit-balikat si Lloyd. "Basta si Ate Yerin na lang ang tanungin mo," sa halip ay sagot nito.
"Okay," balewalang sagot niya. Hindi naman siya siguro sasaktan ni Yerin, alam nitong may gusto siya dito. Pero kahit na ano pang mangyari. Magtatapat pa rin siya sa dalaga.
ISANG MATAMIS na ngiti ang binungad ni JB kay Yerin pagdating nito. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib niya ng ngumiti din ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Puppy Love, First Love At True Love
Romance"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hind...