DAHAN-DAHAN minulat ni Yerin ang mga mata niya. Biglang nawala ang antok niya ng ma-realize niya na nasa isang estrangherong silid siya. Wala sa loob na bigla siyang napabalikwas ng bangon.
"Aray ko," daing niya ng biglang sumigid ang kirot sa ulo niya.
Pilit inisip ni Yerin ang huling ginawa niya kagabi bago siya mawalan ng ulirat. Ang natatandaan niya, paglapag pa lang ng eroplano na sinakyan niya from New York ay agad siyang nagpahatid sa taxi papunta sa condo unit ng fiancé niya. Hindi niya alam kung anong klaseng masamang hangin ang pumasok sa isip niya at bigla na lang niyang naisipan umuwi ng Pilipinas. Pakiramdam ni Yerin ay parang kumuha lang siya ng batong pinukpok sa ulo niya. Kahit may ideya na siya sa maaaring datnan ay sumige pa rin siya. At least, she's trying to save her pride. Save herself from shame. Pero sa mga sandaling iyon, gusto niyang pagsisihan ang ginawang pag-uwi. Lalo na ng masaksihan mismo ng mga mata niya ang katotohanan na noon ay isang simpleng hinala lang. Her fiancé is cheating on her. Ang mas malala pa, pinagpalit siya nito sa kapwa lalaki nito. Yes. All these time, Yerin didn't know that her fiancé is gay. Kaya kahit dala pa ang mga maleta, sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa isang bar kung saan nagpakalasing siya. Ang huling naalala niya bago siya mawalan ng malay ay nasa mesa pa siya ng bar na iyon.
Napalingon siya sa may pinto ng marinig niya ang tunog na parang nagluluto. Bigla siyang napatingin sa damit niya, noon lang niya napansin na iba na ang suot niya. Napayakap si Yerin sa sarili niya. Isang kulay puti na oversize t-shirt, bukod doon ay nakapang-ibabang underwear lang ang suot niya sa loob.
"Oh my God! What happened to me?" kinakabahan tanong niya sa sarili.
Gulat na napaatras siya sabay takip ng sarili niya ng kumot ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang lalaking matangkad at guwapo. Gaya niya ay nakasuot din ito ng kulay puti na t-shirt at naka-jogging pants itong itim. Pero parang pamilyar ito sa kanya, hindi lang maisip ni Yerin kung saan at kailan sila nito nagkita.
"Oh good, you're awake! Good Morning! Breakfast is ready," nakangiti pang bati sa kanya ng lalaki na tila matagal na siya nitong kilala.
"Si-sino ka? Nasaan ako? What did you do to me?" sunod-sunod na tanong niya. Habang nagsasalita siya ay hindi mawala ang kaba at takot sa dibdib niya.
Lalo niyang siniksik ang sarili sa headboard ng kama ng maglakad ito palapit doon at umupo sa gilid. Nahigit niya ang hininga ng biglang nilapit nito ang mukha sa kanya.
"Ang dali mo naman nakalimot," sabi pa nito.
Napakunot-noo siya saka wala sa loob na naibaba ang kumot na binalot niya sa katawan.
"Do I know you?" tanong pa niya.
Umangat ang isang sulok ng labi nito saka biglang bumaba sa dibdib niya ang tingin nito. Wala kasi siyang suot na panloob sa itaas at medyo manipis pa naman ang suot niya. Napasinghap siya sa ginawa nito kaya agad niyang tinakpan ang sarili.
"Seriously, babe. I'm starting to feel sad and disappointed. Akala ko pa naman totoo ang sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako makakalimutan dahil ako ang pinakamatapang at pinakabatang nagtanggol sa'yo," sabi pa nito.
"Will you please stop calling me babe? Kinikilabutan ako!" pagsusungit niya.
"Ayaw mo no'n? O sige, eh di sweetheart na lang?"
Napapikit siya. Malapit na siyang maubusan ng pasensiya sa isang ito. "Ang ibig kong sabihin, huwag mo akong tawagin sa kahit na anong terms of endearment dahil hindi kita kilala!" singhal niya dito.
BINABASA MO ANG
Puppy Love, First Love At True Love
Romance"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hind...