Chapter 17

320 14 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Yerin ng umagang iyon ng pagkapa niya sa tabi ay wala si JB. Nang tingnan niya ang oras ay napabalikwas siya ng bangon ng makitang mag-a-alas otso na ng umaga. Pababa na siya ng kama ng matigilan siya at makita ang bag niya. Napapikit siya saka huminga ng malalim. Unti-unti ay bumigat ang dibdib niya. Paano niya sasabihin kay JB na kailangan na niyang umalis? Alam ni Yerin na kapag sinabi niya iyon sa nobyo ay tiyak na masasaktan at magagalit ito sa kanya. Isipin pa lang niya na magkakalayo sila ay labis na siyang nasasaktan.

Napalingon siya sa may pinto ng biglang bumukas iyon at pumasok doon si JB. Parang hinipan ng hangin ang iniisip niya ng makita na may dala itong isang tray na may laman na pagkain. Sa bibig nito ay may kagat itong isang long stemmed red rose.

"Ano 'yan? Bakit may ganito?" natatawang tanong niya.

Nilapag ni JB sa ibabaw ng kama ang tray saka binigay sa kanya ang bulaklak.

"Good Morning beautiful," bati nito sa kanya saka siya hinalikan nito sa labi.

"Good Morning. Para saan 'to? Anong okasyon?" nakangiting tanong niya.

Nagkibit-balikat si JB. "Wala. Gusto ko lang gawin ito," sagot nito.

"Ang sweet naman. Thank you," sabi niya.

Kinuha nito ang tray at nilapag iyon sa ibabaw ng hita niya. Natigilan siya ng makita na sa isang pinggan imbes na pagkain ang nasa ibabaw ng pinggan ay isang maliit na kulay pulang kahon. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya.

"JB, anong ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong niya.

Naupo ito sa gilid ng kama saka kinuha ang maliit na kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang magandang singsing. Nang tiningnan niya ito ay abot hanggang sa mga mata ang ngiti nito. Alam niyang masaya ito. Isang bagay na labis na nagpapahirap lalo sa kanya.

"When you came back in my life after seven years. I know fate brought us together again. I am the happiest man alive when you finally said that you love me too. Kaya wala na akong nakikitang ibang dahilan para patagalin ko pa ito," wika nito.

"Yerin, let's get married."

Noong yayain siyang magpakasal ni Eric noon, naaalala niya kung gaano siya kasaya. Ngunit hindi niya akalain na mas may masaya pa sa naramdaman niya noon. Iyon ay ang sandaling iyon. Wala siyang dahilan para hindi tanggapin ang alok nito, mahal na mahal niya si JB.

"Are you serious?" gulat pa rin na tanong niya habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Ngumiti si JB saka tumango. "Marry me, Yerin? And I won't take no for an answer," sabi pa nito.

"Yes, yes, yes! Yes, I'll marry you!" puno ng saya at sunod-sunod na sagot niya.

Nang isuot na ni JB ang singsing sa kanya ay hindi na kayang ipaliwanag ng salita ang saya na naramdaman niya. Pagkatapos ay mahigpit silang nagyakap.

"I love you," bulong niya kay JB.

"I love you more," sagot ng nobyo.

Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap nito ay nakita niyang pinahid nito ang luha sa mga mata nito.

"Pagbalik ko sa America, sasabihin ko agad ito kay Mommy. Kaya mo bang sumunod sa akin doon para mapakilala na kita agad sa kanila," sabi pa ni Yerin.

"I will. Tatapusin ko muna ang mga trabaho ko dito, tapos susunod ako agad sa'yo," sagot ni JB.

Muli siyang niyakap nito. Ramdam niya ang labis na kasiyahan ni JB. Ngayon, alam na niya ang dahilan kung bakit nangyari ang mga masasakit na sandaling iyon sa buhay niya. God prepared her for something much better.

Puppy Love, First Love At True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon