Chapter 12

300 17 2
                                    

"I AM doing good, Mom. It's just that, I don't want to go home yet. Don't worry about me. I'm staying with a friend, I'm fine," ani Yerin.

"Sigurado ka iha? Kung ganon, ikaw ang bahala. Basta kung nakahanda ka ng umuwi, nandito lang kami at naghihintay sa'yo," anang Mommy niya.

Lihim siyang napasulyap kay JB na ng mga sandaling iyon ay abala sa ginagawang trabaho.

"Mom, what if I fall in love again with a man who is younger than me? Is it okay with you?" kapagkuwan ay tanong niya sa Ina.

Hindi agad sumagot ang Mommy niya. "Why are you asking? Are you in love with someone again?"

Napabuntong-hininga si Yerin. "Hindi ko po alam. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. I just feel like everything is happening so fast. Parang kahapon lang, ikakasal ako tapos hindi ito natuloy. Now, this."

"Gaano mo na ba katagal kilala ang lalaking iyan?" tanong ng Mommy niya.

Wala sa loob na napangiti siya. "Matagal na, Mommy. Bago pa ako pumunta diyan sa America ay kilala ko na siya. I literally saw him grew up. I'm five years older, honestly. Kapag iniisip ko 'yon, nakakaramdam ako ng pagkailang," paliwanag niya.

"Do you love him?" tanong na naman ng kanyang Ina.

Hindi siya agad nakasagot. "Hindi ko alam kung pagmamahal na ito Mom, naguguluhan pa ako," pag-amin niya.

Narinig niyang marahan tumawa ang Mommy niya sa kabilang linya. "Yerin anak, wala naman problema sa edad. Hindi doon nasusukat ang tunay na pagmamahal. Ang importante ay kung paano niya naipaparamdam sa'yo kung gaano ka niya kamahal at kahit mas bata siya sa'yo. Kaya ka niyang alagaan at manindigan sa pagmamahal niya sa'yo. Kung talagang mahal mo siya, hindi kami tututol ng Daddy mo. Doon kami kung saan ka magiging masaya," sabi pa nito.

Napangiti siya. "Thank you, Mommy," sagot niya.

"Pero anak, mas makakabuti siguro kung tapusin mo muna ang problema mo kay Eric. Ang naiwan n'yo dito," anang Mommy niya.

"Opo. Hindi ko po nakakalimutan 'yon. I'm planning to talk to him one of these days," sagot ni Yerin.

"O sige, balitaan mo kami agad. Tapos umuwi ka na dito, ha?" sabi pa ng Mommy niya.

Dalawang buwan na siyang nasa Pilipinas. Mas pinili niyang manatili doon kaysa bumalik agad ng America. Matapos ang panloloko sa kanya ni Eric, hindi alam ni Yerin kung paano haharapin ang mga kaibigan at kakilala nilang mag-isa. Noong nakaraan linggo lang ay tinawagan siya ng magulang ng ex niya, ang mga ito ang nanghingi ng kapatawaran sa ginawa sa kanya ng anak. Sinabi pa ng mga ito na kukumbinsihin si Eric para ituloy ang kasal. Pero sa pagkakataon na ito, siya na mismo ang tumanggi. Matapos ang kanyang nalaman, hindi na niya makita ang sarili na asawa ito. Maalala lang niya na niloko siya nito ay labis na ang galit na nararamdaman niya. Kaya para malibang at tuluyan makalimot ay tinulungan siya ni Lyn na mag-volunteer nurse sa isang bahay-ampunan kung saan may kakilala itong volunteer nurse din doon. Doon ay isa siya sa mga nag-aalaga sa mga bata kaysa naman magmukmok siya sa bahay ni JB. Dahil doon ay nalibang si Yerin at unti-unting nakalimot sa mga nangyari. Iyon din ang dahilan kaya unti-unting nabuksan ang puso ni Yerin, dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ni JB.

"May problema ba?"

Biglang napalingon si Yerin. Nakita niyang nakatingin sa kanya si JB habang nakakunot noo ito. "Ha? Ah wala," sagot niya.

"Is that your Mom?" tanong pa ni JB.

Bumuntong-hininga siya saka marahan siyang tumango. "Tinanong niya ako kung kailan daw ako uuwi," sagot niya. Nang lumingon siya dito ay nakita niyang gumuhit sa mga mata nito ang kalungkutan. Napansin niyang agad nitong iniwas ang tingin sa kanya.

Puppy Love, First Love At True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon