Chapter 11

302 14 5
                                    

"I'M SORRY about that," sabi JB kay Yerin.

"Wala 'yon," mahina ang boses na sagot niya. Lihim siyang huminga ng malalim para mapawi ang kabang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Pagkatapos ng eksenang ginawa ng babaeng biglang sumulpot doon sa bahay ni JB ay kapwa sila natahimik dalawa. Naroon sila sa sala at kapwa nakaupo sa sofa ng magkatabi. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ang simpleng pagtabi nito sa kanya sa upuan ay naghahatid ng mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.

"Is it true?" tanong niya.

"Ang alin?"

"That she's your girlfriend," aniya.

Tumaas lang ang isang sulok ng labi nito at marahan napailing. "Let me rephrase that. Kathy is my ex-girlfriend."

"It doesn't seem that way for her. Mukhang hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na hindi pa tapos sa inyo ang lahat," wika niya.

"I know. Pero pabayaan mo siya, balang-araw ay matatanggap din niya ang lahat," sagot ni JB.

"Why did you break up with her?"

"Masyado siyang mahilig sa party. Hindi ako sigurado kung minahal nga talaga niya ako. Pero sa isang taon na naging relasyon namin, hindi ko naramdaman iyon. Hindi kayang tagalan ang lifestyle niya. Walang katapusan party ng kung sinu-sinong kaibigan niya and she became too alcoholic. Hanggang sa magsawa na ako kaya nakipaghiwalay ako sa kanya," kuwento niya.

Bigla siyang natigilan ng maalala niya ang isang sinabi ng babae tungkol sa first love ni JB. Itatanong ba niya iyon? Ngunit parang nabasa nito ang isipan niya at si JB mismo ang nag-open tungkol doon.

"Aren't you gonna ask about what she said about my first love?"

"Ha? Ah, ano ba tungkol sa kanya?" kinakabahang tanong niya.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya lumingon ito at tumingin ng deretso sa mga mata niya. Alam niyang siya ang tinutukoy nito, naalala ni Yerin noong unang beses magtapat si JB sa kanya. Sinabi nito sa kanya na siya ang first love nito.

"Inakala ko din na nakalimutan ko na siya. Pero hindi ko alam, na mahal ko pa rin siya. Nalaman ko lang ang lahat ng bumalik siya," walang kakurap-kurap na sagot nito.

Umiwas siya ng tingin. "Liwanagin mo kay Kathy iyan. Huwag mong hayaan na isipin niya na hindi mo siya minahal. Kahit man lang sa parte na iyon, mapagaan mo ang loob niya," payo pa niya dito.

Gumuhit ang magandang ngiti ni JB sa mga labi. "Sa kabila ng ginawa niya nakuha mo pa rin siyang isipin. You're really an angel," puri nito sa kanya.

Napailing siya. "Nangbo-bola ka na naman," natatawang sagot niya. Narinig niyang natawa ito. Hindi maipaliwanag ni Yerin ang sayang naramdaman niya ng makita ang nakangiting mukha ni JB. Bakas sa mukha nito ang pagod.

"Yerin,"

"Hmm?"

Ngumiti lang ito ulit at nanatiling nakatingin sa kanya.

"Ano? May sasabihin ka ba?" tanong pa niya.

Marahan itong umiling. "Wala, I just want to mention your name. I just want to hear your voice over again. Gusto kong mapatunayan na totoo nga na nandito ka na sa tabi at hindi ako nananaginip. I just can't believe that you're hear with me," sagot nito.

Nahigit niya ang hininga ng ihilig nito ang ulo sa balikat niya. Naging doble ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yerin. Namalayan na lang niya na kusang umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni JB. Hanggang sa kunin ng binata ang kamay niya at halikan ang likod ng palad niya at yakapin iyon.

Puppy Love, First Love At True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon