"SIGURO naman puwede mo nang bitiwan ang kamay ko," ani Yerin pagdating nila sa loob ng silid.
Ngumiti lang ito saka sinunod ang sinabi niya. Papasok na siya sa loob ng banyo ng bigla itong magsalita.
"I'm sorry for what happened," ani JB.
Humarap siya dito. "Alin sa dalawa? Iyong paghalik mo sa akin o iyong pagsugod sa akin ni Kathy?" tanong niya.
"For what Kathy did. Hindi ko alam na gagawin niya iyon. Nang lapitan niya ako kanina, she asked me. Tinanong niya kung ikaw ba iyong first love ko. I didn't answer her. Pero sinabi ko na gusto kita. Nakiusap ako na huwag na siyang manggugulo, akala ko nakinig na siya sa akin. Hindi ko alam na kaya siya nagtatanong kanina ay para lang i-kumpirma ang nalaman niya," paliwanag ni JB.
"She must really love you. Para makiusap siya ng ganoon," sabi pa niya.
"But we're over," ani JB.
"Kalimutan na natin 'yon. Sana tumigil na siya dahil sa tuwing nag-eeskandalo siya ng ganoon. Pakiramdam ko napakasama ko," sabi pa niya sabay talikod.
"You know it's not true, right?" sagot ni JB.
Napabuntong-hininga na lang siya saka tumango.
"But I want you to know that I'm not sorry for kissing you," dagdag ni JB.
Biglang kumabog ng husto ang dibdib niya. "Alam ko," nakatungo na sagot niya. "Pero sana, hindi na mauulit iyon. Wala tayong relasyon," dugtong niya.
"Will you take it against me if I say I can't promise you that?" tanong ni JB.
Lumingon siya. Muli na naman niyang nakita ang emosyon sa mga mata nito. "JB, please. Don't do this to me. Nahihirapan ako eh," pakiusap niya.
Lumapit ito sa kanya pagkatapos ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at pinagdikit nito ang noo nila. "I love you so much, Yerin. I still love you and I will always love you," pagtatapat nito.
Mabilis na pumintig ang puso niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ng maayos dahil sa lakas ng kabog niyon. Nasasaktan si Yerin ng mga sandaling iyon dahil alam niyang nasasaktan din si JB.
"JB..."
"Handa akong maghintay para sa'yo. Simula noon, ikaw lang ang minahal ko ng ganito," sabi pa ni JB.
Hanggang sa hindi na napigilan ni Yerin ang mapaluha. "JB, mas matanda ako sa'yo ng limang taon. I don't think it will work out," pagdadahilan niya.
Bigla siyang binitiwan nito saka tumalikod. Nagulat siya ng bigla nitong sinuntok ang pader. "Palagi bang iyan ang dahilan mo? Dahil mas matanda ka sa akin? Don't give me that excuse because it's too lame! Nararamdaman kong gusto mo rin ako, na mahal mo rin ako! Pero bakit mo kailangan pigilan ang sarili mo?" galit na bulalas nito.
Tumungo si Yerin saka humugot ng malalim na hininga. "Saka na natin pag-usapan ito," paiwas na naman niyang sagot.
Hindi nagsalita si JB. Bagkus ay padabog nitong kinuha ang t-shirt nito saka walang salitang lumabas ng kuwarto. Napapitlag pa siya ng pagbagsak nitong sinarado ang pinto. Nang mga sandaling iyon, wala ng nagawa si Yerin kung hindi ang umiyak. Muli, sinaktan na naman niya si JB. Dahil doon, mas naramdaman niya na hindi siya nararapat para sa binata.
DAHIL SA naging pagtatalo nilang dalawa ni JB. Tinawagan ni Yerin ang kaibigan niyang si Lyn para humingi ng payo. Naikuwento niya dito ang pagtatalo nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Puppy Love, First Love At True Love
Romance"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB was only thirteen years old when his heartbeat fast for the first time. Nang mga panahon na iyon, hind...